Chapter 29

7.2K 215 26
                                    

RAVEN'S povs:
#BadGuy

"Mommy!" Agad na kumunot ang noo ko sa batang babae na bigla na lang tumakbo dito sa kinaroroonan namin, mas nagulat ako nang papunta ito sa pwesto ni Caroline.

Nandito kami sa apartment niya kung saan ay inihatid ko siya, ayos na din sa kagustuhan niya, na may naghihintay daw sa pag-uwi niya.

May pasalubong nga siyang fastfood na favorite nito. Naghinala ako pero inunahan na niya ako na huwag daw akong magselos, kaya heto at inihatid ko siya para makasigurado ako. Naghirap ako ng husto para lang sa kaniya tapos mauuwi lang sa wala? Fucking no! Caroline is mine only.

"Mommy?" Ulit ko pero hindi ako pinansin ng mahal ko.

Akala ko nga matutuloy ang naudlot na eksena sa pagitan namin dahil ihahatid ko siya pauwi, pero mauudlot na naman, ngayon pa na sabik na sabik na akong maangkin siya—mababaliw na nga ng husto.

"Baby ko!" Tugon ni Caroline.

Fuck! Nagkaanak ba kami ni Caroline? Ninakaw niya ang semem ko ng hindi ko nalalaman?

Fucking no! Unang -una ay wala pang may nangyayari sa amin. Ikalawa ay nangako ang ama niya na sa akin lang siya, kapalit ng pag-alis ko noon.

"Hoy, bata! Sino ka?" Mabilis kong hinila si Caroline sa likod ko bago ko tiningnan ng masama ang bata. Nakatingala ito at kinikilala ako sa mga mata nitong mapangkilatis.

"Kilala kita!" Matinis na sambit nito.

Kumunot ang noo ko habang dinuduro na nakapameywang pa ito sa harap ko. Parang matanda kung makatingin at salubong pa ang mga kilay ng bata.

"Kilala mo 'ko?" Tumaas ang kilay ko kase parang asar na asar ang batang ito sa 'kin. Problema nito?

"Oo! Ikaw 'yong bad guy na kinakausap ni Mommy sa picture gabi-gabi habang umiiyak siya! Bad guy ka!" Sigaw na naman nito.

Natigilan ako sabay lingon ko kay Caroline na iwas ang mukha sa 'kin. Nung nawala ako nang walang paalam sa kaniya ay katumbas din nun ang buhay ko, sising -sisi ako kung bakit umalis ako ng walang paalam o hindi ko man lang inalam ang mararamdaman niya.

Bawat oras ay siya lamang ang laman ng isipan ko, nababaliw na nga ako kakaisip sa kaniya, o maski ang hindi makita ang mukha niya na ngumingiti sa 'kin. Si Caroline lang talaga ang hanap ng baliw kong puso.

"Bad guy ka!" Napabaling ang tingin ko sa bata nang pagsisipain nito ang binti ko, busangot ang mukha nito at tila galit na galit sa presensya ko.

"Tsk. Hoy, bata! Tumigil ka nga." Hinuli ko ang kamay nito at saka lumuhod ako para magpantay ang mukha namin. "Kanino kang anak, ha? Bakit mo tinatawag na Mommy ang girlfriend ko? Hindi ka namin anak."

Ginulo ko ang buhok niya na kinapiksi nito paiwas sa 'kin. Ngumisi ako sa itsura nito pero ang cute ng batang ito. Kaya naganahan akong asarin ito, parang matured na din ito.

"Raven, ano ka ba! Inaaway mo pati bata. Tingnan mo nga parang iiyak na ang baby ko. Tabi ka nga!" Muntik akong matumba nang tinulak ako ng mahal kong Caroline.

"Mahal naman—"

"Tara sa loob, baby.  Huwag mo siyang pansinin kase nababaliw na iyan." Pumasok sila sa loob at naiwan akong masama ang tingin sa batang bumungisngis, lumingon pa ito para ngisihan ako at saka bumelat sa 'kin.
Inis na tumayo ako nang may magsalita sa harapan ko.

"Pagpasensyahan mo na ang batang iyon, Hijo. Spoiled kase sa magulang kaya ganyan ang ugali, pero mabait naman 'yan kapag kaharap ang Tita Erin niya." Isang matanda ang kaharap ko at sa sinabi nito ay nabunutan ako ng tinik.

Hunstman Series #:9- The Innocent DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon