Special Chapter (Britany and Luhen)

4.2K 99 1
                                    

BRITANY POVS:

"Tinuring kitang kaibigan pero ito pa ang ginawa mo! Ngayon ay iniwan na naman ako ni Caroline! Mahal na mahal ko siya at okay na kami pero ginulo mo! Mula ngayon, huwag ka ng magpapakita sa 'kin at baka makalimutan ko na babae ka! Tantanan mo na ako, Britany!"

Sariwa pa sa utak ko ang mga salitang binitawan ni Raven na dumurog sa puso ko. Alam ko na wala na akong pag-asa sa kaniya pero itong tanga kong puso ay nagpapakatanga pa din.

Nakita ko kase ang saya ni Raven kasama ang mahal nitong babae. Kaya sa galit ko at selos ay pinadala ko ang litrato na kuha noong gabing lugmok na lugmok si Raven. Nalasing kaming pareho at namalayan na lang na nasa ibabaw na kami ng kama at parehong hubo't hubad. Pero agad niya akong pinigilan nang mahismasmasan ito.

Pero nagbayad ako ng isang tao para kuhanan kami ng litrato at nasa anggulo na parang may nangyari sa amin kaya iyon ang pinadala ko kay Erin, ang girlfriend ni Raven.

Akala ko ay okay na pero lalo lang nagalit si Raven at lumayo ang loob nito sa akin. Lubos akong nasaktan. Idagdag pa ang nalaman ko na buntis ako. Nagbunga ang panghahalay sa akin ng demonyong lalaking iyon!

Kaya heto ako sa bar nagpakalasing. Gusto ko din malaglag na itong pesteng bata na ito sa tiyan ko. Kung hindi din lang mapapasaakin si Raven, edi wala din naman silbi ang batang ito dahil hindi naman si Raven ang ama. Makasalanan ang batang ito!

"Isha pa ngang alak!"

"Ma'am. Lasing na po kayo! Magsasara na din po kami!"

"Ah! Peste! Wala kang pakialam kung lashing ako! May pambayad ako sa alak niyo! Bigyan mo 'ko!" Kontra ko at kita ko na napailing pa ito bago ako nilagyan ng bagong alak.

Akma kong itutingga iyon nang may pumigil sa kamay ko. Nag-angat ako ng tingin at kahit lasing ako ay malabo pa din ang paningin ko. Umusbong ang galit ko pagkakita sa taong pumigil sa pag-inom ko.

Ang galit kong mukha ay napalitan ng ngisi sabay tayo ko at mabilis na kinuha ng isa kong kamay ang bote sabay pukpok ko sa ulo ng lalaki. Hindi nito inasahan ang ginawa ko kaya sapol ang ulo nito at kita ko agad ang pagtulo ng dugo papunta sa noo nito. Hindi ako nakaramdam ng takot.

"What the fucking hell!" Galit na dumagundong ang boses nito sa loob ng bar habang hawak ang ulo nito dahilan para magpanic din ang ibang customer.

"Hayop ka! Ikaw ang gumahasa sa akin! Hayop ka!" Sigaw ko din at pinagbabato ito ng mga bote na wala ng laman. "Napakademoyo mo! Papatayin ko itong bata sa tiyan ko!" Galit na galit kong pagsigaw.

Napamura ito at marahas na hinablot ang pulsuhan ko sa akma kong pagbato dito. Naglapag ito ng pera sa counter bago nito ako kinaladkad palabas ng bar. Panay naman ang hablot ko ng kamay ko pero nasasaktan lang ako sa ginagawa ko.

"Bitawan mo 'ko—"

"Shut up! You fucking bi—ah! Shit! fuck!" Malutong na mura nito nang ubod diin kong kinagat ang braso nitong nakahawak sa pulsuhan ko.

Nabitawan nito ako kaya tumakbo ako ng mabilis at nagsisigaw ng tulong pero agad naman may humawak sa beywang ko at kinaladkad muli ako papunta sa isang kotse na nasa gilid lang ng daan.

"Bitawan mo ako! Hayop ka! Papatayin kita!" Sigaw ko at nagpupumiglas pero mabilis na ako nitong ibinalya sa loob ng kotse nito.

Hindi ko mabuksan ang pinto at nakapasok na ito dito sa loob.  Sinugod ko siya pero maagap na nitong nahawakan ang dalawa kong kamay at isinandal ako nito sa upuan.

Hunstman Series #:9- The Innocent Daughterحيث تعيش القصص. اكتشف الآن