Chapter 8

8.7K 235 4
                                    

ERIN
#Suspetsado

"May tao ba diyan?!"

Raven shouting in the front door, while he trying to open the door.

"Baka walang tao?" I said, standing beside him while scanning the place.

Gawa sa plywood ang pinto, nasa loob ang bukasan. Pati ang bahay ay gawa din sa plywood at medyo luma at sira na din ang ilang dingding, pati ang cene ay kalawangin na din.

Ilang minuto na kaming nakatayo dito at ang pagkatok ni Raven na hindi 'yata bubuksan ang pinto.

Medyo nahirapan pa kami kanina na hagilapin itong bahay nila ni Suspetsado, mabuti at nagtanong kami sa kalapit na bahay.

"Mayroon, walang maglo-lock sa loob kung walang tao." Raven said, while he still knocking the front door.

He's right. Gusto kong makasigurado sa kalagayan ni Suspetsado. I'll be fine if I checked him personally.

Nagtagal pa kami ng ilang minuto nang makarinig kami ng boses mula sa aming likod na kinalingon na'min ni Raven. "Ma'am?"

It was Suspetsado. May hawak na dalawang balde sa magkabilang kamay na puno ng tubig. Luma ang suot na damit at punit ang ibang bahagi. May konting dungis sa mukha at magulo din ang kaniyang buhok.

"Dinalaw na kita." Ngumiti ako na kinaiwas niya ng tingin. Napatingin ako kay Raven, na nakatingin din sa bata bago tumitig sa'kin.

"Sorry, Ma'am.. absent po ako kanina." Suspetsado said before he carried the two bucket and went to the back part of their house.

We followed him and saw that he entered himself inside the narrow door of their house.

Napatingin si Raven sa paligid habang ako ay naunang pumasok sa loob ng bahay. Doon ay nakita ko si Suspetsado na isinasalin sa malaking orocan ang dala niyang tubig.

"Kuya!" Napatingin ako sa gilid at kita kong may dalawang batang babae ang nakasiksik doon, habang nakaupo sa karton, na nasa lupa.

Nakatitig sa'kin na may pagkabahala.

Nakaramdam ako ng awa pagkakita sa madungis nilang kasuotan. Bakas din sa mga mukha nila ang takot. Nasa apat o lima ang mga edad nila.

"Kuya! Nagugutom na ako!" Naiiyak na sabi ng isang batang babae na may maiksing buhok pero magulo.

"Sandali lang wala pa si Nanay!" Pagtugon naman ni Suspetsado, patuloy sa kaniyang ginagawa.

I hurriedly opened my bag and drawn my two pieces biscuits before bring it to the two little girl. I kneel and gave my biscuits in them. "Here."

Nakangiti kong sabi na lalo nila kinasiksik sa gilid pero nakatingin ang mga mata sa lahad kong biscuits.

Nagdadalawang isip sila na kunin ang biscuits mula sa kamay ko. Lumapad ang ngiti ko habang tumango tango sa kanila, nagsasabing ayos lang.

Kumalas ang isang batang babae na may mahabang buhok at mabilis na kinuha sa'kin ang biscuits. Binigay nito ang isa sa kapatid niya.

Mabilis nabuksan ang biscuits at agad kinain ang laman, habang patingin tingin sa'kin. Ngumiti lang ako.

Naalala kong may natira pa palang chocolates sa bag ko kaya kinuha ko iyon at binigay din sa kanila. Agad din naman nilang kinuha sa kamay ko.

"Hi, ako si ate Erin, iyon si kuya Raven, anong name niyo?" Malumanay kong tanong habang nakangiti. Nagkatinginan silang dalawa at nag-alangang magsalita.

Hunstman Series #:9- The Innocent DaughterWhere stories live. Discover now