Chapter 1: Talk

96 6 15
                                    

[Chloe's POV]

Maaliwalas na kalangitan kasama ng asul na ulap na sinasabayan ng pag ihip ng hangin.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Another day, another frustations.

Marahan akong naglalakad sa isang mahabang kalye, patungo sa nakakaboring na school, hindi naman kasi ako gano'n kasipag mag-aral.

Maaga pa naman para pumasok sa paaralan pero mas ginaganahan ako pag maaga pumasok, sabi nga nila lahat ng bagay ay may dahilan at oo, oo gusto kong mapag isa at iyon ang tunay na rason.

"Chloe!" Nagpatuloy lang ako sa paglalakad 'di alintana na tinatawag na 'ko ng kaibigan kong si Kimberly. Ang totoo, hindi ko sya friend. Pero siya kasi 'tong na over friendly kaya naman minsan umiiwas ako.

Malapit na 'ko sa school namin De Silvia National School. Napahikab pa 'ko ng matigilan dahil sa walang pakundangan na umakbay si Kimberly.

"Chloe, ano ba 'yan! Walang pansinan challenge, gano'n?" bungad nya.

Grabe talaga bunganga neto.

"Good morning," tipid kong bati at ngumiti sa kaniya.

Wala talaga akong gana kapag may kasama akong hindi ko komportable kasama.

"Ay, ang plastic mo d'yan te, ngumiti ka nga ng totoo! Para ka namang robot," dagdag pa nya.

Huminto nalang ako at humarap ng seryoso sa kaniya.

Gusto mo pala ng ngiti huh?

Ngumiti ako ng malaki na para bang masaya talaga ako sa takbo ng buhay ko.

"Ayan! Dapat ganyan!" komento nya.

Pero mabilis ko ring binawi 'yung ngiti at nagsimulang maglakad.

"Ay, okay na sana eh!" angal pa nya. "Huy sandali, hintay!"

Mas binilisan ko 'yung lakad ko pero napatigil ako ng sandaling may sinabi si Kimberly.

'Eto na nga ang kinakatakot ko sa babaeng 'to eh!

"Para ka namang pinag-lihi sa sama ng loob d'yan! Hindi ka ba mahal ng mama mo?"

Masakit!

"Ano bang problema mo, Kimberly?!"
"Ay, hala sorry te."
"Hindi ka nakakatuwa!"
"Joke lang 'yon, hoy!"

Hindi ko na sya pinansin at nagtatatakbo sa gilid ng kalye. Nagsisimula nanamang dumugo 'yung braso ko. Kainis!

***

Pagdating sa school ay 'tsaka lang ako napahinga.

Sana wala nanamang mangyaring masama sa'kin. Ilang beses na kasi akong inuulanan ng malas sa kada araw na nabubuhay ako.

Napansin ko na maraming tao, kanya kanya ng mga ginagawa sa buhay, 'yung iba nag gigitara sa bandang gilid, 'yung iba todo ang pag aaral sa library, library! Napahinto ako ng mapadaan ako sa library.

Hindi nga ako nagkakamali andito ang dalawa kong classmates na todo sa pag aaral. Sina Jamel Santos at Marjo Llavado.

Sa hindi malamang dahilan ay nagagawa ko silang pakisamahan, hindi ko din alam kung bakit? Mas gusto ko silang makasama kaysa kay Kimberly. Siguro sabihin nalang natin na hindi nila ako sinasaktan.

Sinasaktan? Well iba ang meaning no'n para sa'kin.

Napatikhim ako sa harapan nila at nakuha ko naman ang atensyon nilang dalawa. Tahimik sa loob ng library marami narin ang estudyante na pumapasok pero hindi iyon alintana lalo na sa mga "nerd" na students para lang makapag aral.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now