Chapter 14: Trip

6 3 5
                                    

[Kimberly's POV]

"Sige na kumain ka na, libre ko naman 'yan huwag ka mag alala," sabi ni Herbert.

Nanatili lang akong nakayuko. Nahihiya ako sa kaniya, ang totoo niyan nadala lang ako ng emosyon ko kanina, hindi ko naman inakala na aabot ito hanggang dito. Pero infernes ang haba ng hair ko sa part na 'yon ha!

Inimbitahan nya akong kumain dito sa restaurant nila, binigyan rin niya ako ng break kaya wala ako ngayon sa shift ko, nakaupo kami hindi kalayuan kila Marjo at Killua, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, kakaiba, hindi naman ako ganito dati.

"Hey." Bumalik ako sa ulirat ng biglang dumating si Ryan.

Yes nakita nya kami kanina. And who knows na wala lang sa kaniya 'yon?

"Kamusta ka na, Kim?" tanong pa ni Ryan.

Hindi agad ako nakasagot. Ang toto niyan wala akong alam na sasabihin, iyon naman lagi ang nangyayari.

"Sir, gusto ko nang umuwi," mahinahon kong sabi sabay tingin kay Herbert.

Marahan akong tumayo, gusto ko ng makaalis sa lugar na 'to, ewan ko ba kakaiba yung presensya nila.

"Okay, seryoso ka?" seryosong sagot ni Hebert.

Sa tuwing nakikita ko mukha ni Herbert naaalala ko tuloy yung pagyakap niya kanina.

Nakakahiya.

Sa tingin ko normal lang naman iyon para sa kaniya, tama ba? Normal lang ba na yakapin nya ako?

"Ihahatid na kita Kim," singit ni Ryan.

"Huwag na, maglalakad nalang ako," mabilis kong sagot.

"Sasamahan na kita pauwi!" si Hebert naman ang nagsalita.

Ano bang kailangan nila? Ba't parang over naman sila kung maka-ano sa'kin?

"Kuya ako nalang, hindi mo naman alam 'yung bahay ni Kimberly eh," singit ni Ryan.

Ano ba'ng gusto nyang mangyari? May balak ba siyang kausapin ako?

"Ako nalang, ako ang kuya kaya ako ang masusunod," pagpigil ni Hebert.

Ngayon ay nkatingin lang ako sa kanilang dalawa. Alam kong may gusto silang sabihin.

"Fine, basta ikaw na bahala kay Kim ha!" Hindi na umangal si Ryan at mabilis na umalis. May pupuntahan daw muna.

Saan naman kaya siya pupunta?

"Tara na?" tanong ni Herbert ng maramdaman ata nyang natutulala na ako sa nangyayari.

"I guess kailangan mo ng magpahinga." Napasinghap ng hangin si Herbert. "Huwag mo na rin silang tignan." 

Napansin ata nyang nakatingin ako sa kinauupuan nila Marjo at Killua.

Huminga nalang ako at sumunod na papalabas sa restaurant.

"Anong sasabihin mo?" panimula ko.

Humarap naman siya sa'kin habang naglalakad, may mga ilaw sa kalye kaya malinaw pa yung naaninag namin.

"Um tungkol kanina...isipin mong wala lang iyon,  sabihin na nating parehas tayo ng nararamdaman," nakayuko nyang sabi.

"Si Chloe? Gusto mo siya?" tanong ko.

Halata naman sa mga ikinikilos niya kanina.

Marahan syang tumingala, nagrereflect yung buwan mula sa salamin niya.

"Hindi naman niya ako gusto. Ngayon nga lang kami nagkakilala," sagot niya.

Tumigil kami sa paglalakad.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now