Chapter 27: Surprise

4 1 0
                                    

[Chloe's POV]

Ipinagpatuloy lang namin ang labanan.

Malamang wala naman kaming choice.

Meron kaming plano nila Zian pero hindi namin alam kung kailan namin dapat gawin.

"'Etong sa'yo!" sigaw ni Oscar sabay hagis ng mga apoy pero mabilis itong nailagan ni Zian.

Kung hindi mailagan ni Zian ang mga apoy e hinahawakan niya ito para maglaho.

Good thing na nasa kaniya 'yung nefarious.

"Tama na!" Lahat kami napatigil ng sumigaw si Miss chloe mula sa itaas ng battlefield.

Sinunod naman namin ang sinabi niya pero parang gustong-gusto pa nilang makipag laban.

Sa tingin palang ni Zian 'tsaka Oscar.

"I have a surprise for all of you!" sigaw nanaman ni Miss Chloe sa taas.

I wonder kung ano nanamang palabas 'to?

"Ituloy natin 'to!" sigaw ni Esmeralda at nagsimulang iangat ang mga bato.

"Sabing tama na eh! Please, makinig muna kayo sa'kin!" sigaw pa ni Miss Chloe pero mukhang wala na siyang magagawa.

Matigas ulo namin.e, sorry siya.

Itinuloy namin ang labanan.

Napupuno narin ng mga petals 'yung battlefield ng dahil sa'kin. Nang magawa ko kasi 'yung bagay na 'yon e nakaramdam ako ng kakaibang lakas.

Pakiramdam ko may mali.

"Tama na!" Sinusubukan pa kaming pigilan ni Miss Chloe pero hindi na siya nakapagpigil.

Galit siyang bumaba sa battlefield at nagliliwanag pa 'yung pula niyang mata.

Ang unang nefarious na sinasabi niyang death. Mukhang wala kaming laban dito.

"Ngayon titigil na ba kayo?" Biglang huminahon 'yung boses niya pero nanlilisik parin 'yong mga mata niya.

She's so unpredictable.

"Ngayon na, Octavina!" sigaw ni Oscar na ikinatango ni Octavina.

Napangiti nalang ako sa sarili ko.

Biglang gumawa ng isang panibagong field si Octavina pero sa pamamagitan ng tubig.

"Ngayon wala kang takas, Miss Chloe!" sigaw ni Oscar.

"Ano nanaman 'to? Prank ba 'to?" Hindi namin makitang natatakot si Miss Chloe. Parang wala siyang kinakatakutan.

Sa pagkakataong 'to. . . sana magawa namin.

"Ngayon na!" sigaw ni Oscar at kaniya kaniya silang naglalabasan ng mga kapangyarihan.

Nauna si Esmeralda na naglabas ng bato as usual.

Si Oscar naman na nagsisimulang magbato ng apoy.

Sina Marjo at John na nanatiling nakatayo dahil sa wala silang magagawa.

Si Jamel na hindi ko na mahagilap dahil malamang sa malamang naka invicible mode siya.

Si Zan na nakahanda ang mga kamao na nagkukulay itim.

At ako?

Ako na nakatayo kasama sina Marjo at John.

Pakiramdam ko wala kaming silbi. Wala kaming magawa. Nakita ko namang hindi nasiklaban ng takot si Miss Chloe at nagawa pang makailag sa sunod sunod na pag aatake nila Oscar.

Pakiramdam ko may kaya pa siyang gawin na hindi namin alam.

"'Yan na ba 'yon?" pang aasar pa ni Miss Chloe habang nagpipigil ng tawa.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum