Chapter 18: Deadline

4 1 0
                                    

[Chloe's POV]

"You know the rules right? Maybe your group needed to do a special project," sabi ng principal at kung ano ano pang pinagsasabi.

"And tomorrow is the deadline of your project," dagdag pa ng principal na ikinanlaki ng mata ko.

"A-ano pong project?" tanong ko.

"A charity project," sagot pa nya sabay ayos ng suot nyang salamin.

"You'll just need to help in the charity. Sounds easy right? Para naman may magawa kayong tama sa ngayon," sabi pa ng principal.

"Take a video or record or even a journal for what you've done in this project, just meet up with me. Since ikaw ang nagpalala ng away, you'll just need to pass the project personally," dagdag ulit ng principal.

Napahinga nalang ako.

"Kailangan ba talagang ako lang mag-isa ang magpasa?" tanong ko ulit.

"Personally," sagot niya.

***

"Ano daw sabi?" alalang tanong ni Janine.

Hindi ako dumiretso sa seat ko bagkus nag fe-feeling leader muna ako ngayong tumabi sa kanila.

"We need to do a project, and that's our punishment," walang buhay kong sabi.

"What?!"
"Kasalanan 'to ng Section B!"
"Anong project nanaman 'yan?!"

Kaniya kaniya sila ng reaksyon.

"And tomorrow is the deadline." Still para akong namatayan sa itsura ko ngayon. Ikaw ba naman pagawin ka ng project tapos bukas ang pasahan, nakakainis.

"So we need to do this now?" tanong ni John. "Pa'no 'yung class natin? Aabsent tayo?"

"Don't worry, nagbigay na ng consent si Ms. Principal sa subject teachers natin. Exempted tayo ngayong araw," sagot ko na sinabayan nila ng hiyawan.

"Ano pa inaantay niyo d'yan? TARA NA!"

***

"Um Chloe, ano nga ulit 'yung project na gagawin natin?"

Hindi ko sinagot si Carl.

"Nasaan ngayon si Micah?" tanong ko kahit na anlayo sa topic namin.

"For sure nasa library 'yon kasi—" hindi ko pinatapos si Janine.

"Kasi journalist siya?" ako na ang nag tumapos sa sasabihin ni Janine.

Sabi na eh! First encounter ko sa kaniya may dala siyang libro about journalism. Bakit ba hindi ko kaagad naisip 'yon?

Mabilis akong tumakbo papunta sa library. Nagsisigaw pa 'ko sa hallway kaya tinititigan ako ng ilan.

Hindi ako pwedeng magkamali. Magagamit ko 'yung journal niya to create this freaking project.

"Micah!" sigaw ko ng makapasok ako sa library.

May mga sumuway pa sa'king teachers pero wala akong pake. Alam ko namang hindi sila totoo.

"Girl pagod na 'ko kakatakbo! Hintay naman oh!" rinig kong sigaw ni Janine.

Luminga-linga ako para hanapin si Micah pero hindi ko maaninga kahit anino niya.

"Ando'n siya oh!" turo ni Marjo.

Nice, napakalinaw talaga ng mata niya.

"Micah!" sigaw ko na nakita ko namang ikinatigil niya.

"C-chloe? Bakit?" tanong niya ng makalapit ako.

May hawak sya ngayong libro at halatang wala syang alam sa nangyayari sa'min. Napaka study first niya.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now