Chapter 7: Test

20 2 0
                                    

[Chloe's POV]

"Now pass this papers backward, you only have 20 minuets to answer."

Nangyari na nag pinakahihintay ko, tinignan ko sila isa-isa. May mga kinabahan, may mga walang emosyon na nakatingin kay ma'am.

Hindi ko expect na mangyayari 'tong test na 'to.

Muli kong inalala ang mga plano namin ni ma'am, nasa garden kami noong mga oras na iyon. As usual.

"May plano ako," mahinang sabi ni ma'am sa'kin noon.

"Ano iyon?" tanong ko naman.

"Magpapasuntok ka," medyo naguluhan pa 'ko sa sinabi nya.

"Huh? Saan? Kailan?" tanong ko pa.

"Basta 'pag may mangyayari sa canteen sumali ka sa away at magmukhang biktima," napaisip naman ako sa sinabi nya.

"So magpapasuntok ako?" Tumango lang sya sa sinabi ko, may point sya hindi naman ako nasasaktan unless...

"Magiging maayos din ang lahat, magtiwala ka, pagkatapos ng mangyayari sa'yo ay magkakaroon ng test, doon malalaman kung sino ba talaga ang may iba pang kakayahan," pagpapaliwanag nya.

Bakit napakahalaga namin para sa kaniya? Hindi ko sya masisisi, hindi madali para sa'kin ang hinaharap ko ngayon. Hindi ko nga alam bakit ako pumasok sa gulong ito.

Bumalik ako sa ulirat ng may magsalita mula sa harap ko, si Kim.

"Girl kopyahan nalang tayo huh?" sabi pa nya.

Napailing nalang ako. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to.

"Okay, you may now all start," marahang tumingin si ma'am sa'kin, "good luck to all."

Tahimik silang nagsasagot, ako lang ata ang hindi nagsasagot, medyo wala akong trip mag sagot, magpapabagsak nalang ako, tutal kami naman may pakana nito.

Tinignan ko si Zian, nakatulala lang siya, hays may iba syang iniisip.

Sina Marjo at Jamel ay nakatingin lang ng diretso sa blackboard, let me guess, tapos na sila.

Si kuya at ang mga new barkada nya ang medyo maiingay sa likod. Yes you heard it right, kasama na sya sa barkada nila Jay at Ryan. No choice sya eh.

"Omg ang hirap naman," si Kim na nagiinarte pa pero magugulat ka nalang na sya na pala ang highest. May utak din 'tong si Kim, sa test nga lang gumagana.

"Chloe, tapos ka na? Omg!" Okay, masyadong gulat na gulat ang reaksyon ni Kim sa nakikita nya ngayon.

Ngayon lang ba sya nakakita ng papel na walang sagot?

"Omg ka girl! Bakit hindi mo sinagutan!?" dagdag pa nya.

"Shhh."  Kung maaari ayoko munang marinig ang bunganga nya ngayon.

***

"Okay, times up!" pagbasag ni ma'am sa katahimikan namin.

"Ma'am bakit medyo hindi ko po maintindihan yung mga nakasulat?" reklamo ng isa. Confirmed!

"Ang mga immortal lang ang makakaintindi sa mga sinasabi o sinusulat ko,"

Kung gayon ang mga classmates kong nagreklamo, hindi sila katulad ko.

"I see," iyon lang ang sinabi ni ma'am.

Mukhang effective nga itong test na ito.

"Pass your papers now, and you may now have a break," sabi pa ni ma'am.

Sabay-sabay kaming nagsi-tayuan kahit magulo ay nagawa naming ipasa ang mga papel namin.

Pagkatapos naming pinasa ang mga answers namin ay umupo na kami. Wala ata silang balak mag recess, kung titignan para kasi silang may mga hangover, antatamlay ng mga mukha.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now