Chapter 16: Again

7 2 0
                                    

[Chloe's POV]

"Hoy bes dumilat ka nga d'yan!Kinakabahan ako sa'yo eh!"

Iminulat ko ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ng isang babae, inaasahan kong si Kim 'yon pero hindi.

"S-sino ka!?" Bigla nalang akong sumigaw at lumayo ng ilang metro sa kaniya.

Nakasuot kami ng school uniform pero nasa labas na kami ng school, tanghaling tapat.

Hindi kaya?

"Girl ano bang pinagsasabi mo d'yan?!" Nawiwirduhan na siguro sya sa'kin.

"S-sino ka ba?!" Iyon nalang ang nasabi ko sa kaniya.

"Okay ewan ko kung may amnesia ka na or what? My name is Janine Historillo, happy ka na?" sagot nya.

Hindi ko sya kilala.

"Girl magkaibigan tayo may amnesia ka na ba talaga?" Napahinto ako sa sinabi niya.

Kaibigan?

Naalala ko tuloy 'yung sinabi ni Eloisa noon na may reset na magaganap.

Tama! Na reset ang lahat! Pero ang huli kong naaalala ay para akong nasa laboratory?

"Tara na bes hinihintay na tayo nila John," sabi niya sabay hila sa'kin.

Dinala ako ni Janine sa isang caffe restaurant.

"Antagal nyo naman, sabi nyo may bibilhin lang kayo?" panimula ng lalaki.

Marahan kong tinignan yung mga kasama ng lalaki. Hindi 'to panaginip!

Nakikita kong nakaupo sina Jamel, Marjo at Zian!

"Chloe, ba't parang gulat ka ata?" tanong ng isa pang lalaki.

Hays sino ba kasi sila?!

"Um, s-sino ba kayo? Magpakilala nga kayo." Nagulat nalang ako ng biglang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko.

"What do you mean?" tanong ng isang lalaki.

Gusto ko ng malaman ang lahat, ano bang nangyayari?

"Guys kanina niya pa 'yan tinatanong sa'kin, pagbigyan nalang natin please," pagmamakaawa ni Janine.

"Oh sige?" sagot ng kaninang lalaki.

"Ako si Carl Agustin," dagdag pa ng lalaki.

Kailangan ko silang matandaan.

"Ako si John Laurence. Ikaw sino ka ba?" sabi naman ng isang lalaki.

Kunot noo tuloy akong tumingin kay John.

"Hoy John ano bang pinagsasabi mo d'yan?" singit ni Janine.

"At 'yung mga nakaupo naman—" Ipapakilala sana ni Janine sila Marjo at Jamel pero nagsalita na ako.

"Kilala ko sila," iyon nalang ang nasabi ko.

"Wow ah, pag kami 'di mo kilala?" bulalas ni Janine.

Na reset na ang lahat, new friends, new life, ano pabang mangyayari sa'kin?

Teka! si ma'am! Teacher pa kaya namin siya?

"Hindi pa ba tayo aalis?" tanong bigla ni John.

Hindi ko maintindihan ang reaksyon ni John, wala siyang emosyon kong magsalita, hindi rin sya makatingin ng diretso sa'kin, nakasuot sya ng ear phone na para bang walang pakialam sa mundo.

"Tara na," singit ni Janine sabay kapit kay Carl.

Woah, hindi ko expect 'yon! Mag jowa ba sila?

Tumayo na sila at nagsimula ng lumabas sa restaurant, tanghaling tapat bakit wala kami sa school?

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz