Chapter 24: Scrambled

3 1 0
                                    

[Chloe's POV]

Iminulat ko ang mga mata ko ng may mga namumuong luha.

"Patawad!" bungad na may kasamang pag hikbi ni lolo Arman.

"K-kayo 'yung may dahilan kung bakit ako may kakaibang kakayahan," humihikbi kong sabi.

"A-alam nyo kung gaano kahirap ang mga dinanas ko sa kapangyarihang 'to, pero bakit!?" Hindi ko na matansya ang galit na namumuo sa'kin.

"Para ma protektahan ka!" sigaw naman ni lolo Arman.

"'Lo, tama na!" pag awat naman ni Sue.

Patuloy lang kami sa pag iyak.

Hanggang sa biglang napahawak sa dibdib si lolo Arman. Mukhang pati siya nabigla sa reaction ko.

Kahit kailan hindi ako nagtanim ng galit sa ibang tao dahil sa alam kong wala rin naman akong magagawa. Pero ang malaman na isa lang akong normal na tao at sapilitan lang na inilagay sa'kin kapangyarihang 'to.

Hindi ko na alam.

"Chloe, pwede umalis ka muna?" singit ni Sue na ngayon e nakahawak at hinihimas 'yung likod ni lolo Arman.

Hindi parin ako matigil sa pag hikbi. Paano ako makakaalis dito? Paano ako makakaalis sa nakaraang nagpamulat sa'kin na ni minsan naging normal akong tao?

Kasalanan 'to ni Miss Chloe! Ni tito Zaman!

Wala pang ilang minuto ng biglang bumukas ang pinto.

Akala ko no'ng una kung sino pero nagulantang ako ng may ilang mga robot na sa tingin ko'y guard ang pumalibot sa'min.

Akala ko sila lang pero kasama nila si Miss Chloe.

"Chloe! Halika dito!" sigaw ni Miss Chloe at mabilis akong kinaladkad papalabas ng custom.

"T-teka! S-sandali!" pagpupumiglas ko.

"Kung saan-saan kita hinanap andidito kalang pala!" sigaw pa ni Miss Chloe.

Dahan dahang sumara 'yung pinto habang unti unti ring isinara ni lolo Arman ang mga mata niya. Nang tuluyang sumara ang pinto doon kami nakarinig ng napakalakas na kulog.

Hindi kaya? Si Sue ang may gawa no'n?

"Sa tingin ko patay na siya," bulong ni Miss Chloe sa'kin.

Sinong tinutukoy niya? Hindi kaya si lolo ang gusto niyang sabihin? Posible kayang patay na si Lolo Arman? Bakit gumawa ng napakalakas na kulog si Sue?

"Makulit ka talaga 'no?!" Bumalik ako sa ulirat ng sumigaw si Miss Chloe at hinawakan ako sa braso.

Malakas ang pagkakahawak niya sa'kin na para bang ayaw niya na akong pakawalan.

"Kasalanan mo lahat!" sigaw pa niya.

Ikinumpas ko ang kaliwa kong kamay hanggang sa tuluyan na niya akong nabitawan dahil sa natumba siya sa sahig.

Nagawa kong pumiglas sa pagkakahawak niya.

Hindi na 'ko nag aksaya ng oras at mabilis na tumakbo kaso nakikita ko namang maraming robot na nakaharang kaya ikinumpas ko ulit 'yung kamay ko hanggang sa magsitalsikan sila.

Wait, tumalsik sila for real?

Part parin ba 'to ng nefarious na nasa loob ko?

"Hindi ka makakatakas!" sigaw ni Miss Chloe hanggang sa namalayan ko nalang na may tumama sa likod ko.

Huminto ako saglit para alamin kung ano 'to.

Tsk. Kutsilyo lang pala.

Hinatak ko 'yung kutsilyo sabay tapon, 'tsaka ako tumakbo ulit. 

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now