Chapter 23: Past

4 1 0
                                    

[Chloe's POV]

"Mukhang maayos na ang pakiramdam niya."

Mabilis akong napabangon ng may marinig akong boses na hindi pamilyar sa'kin.

"N-nasaan ako?" tanong ko ng maliwanagan na ako sa nangyayari.

"Sino ka!?" sigaw ko sabay layo ng ilang metro sa isang babae na ngayon ay nakangiti sa'kin.

"Huwag kang matakot!" ngiti pa niya.

Weird. 'Diba dapat kasama ko si Miss Chloe? Nasa'n naman kaya 'yon napunta?

Marahan akong napatingin sa palad ko. May mga lumabas na petals sa kamay ko, hindi naman siguro 'yon panaginip?

"Ako nga pala si Sue." Bumalik ako sa ulirat at napatingin sa babae.

"Like you, may kakayahan din ako," sabi pa niya na ikinawalan ko ng kibo.

Nasa kagubatan kasi kami at napag hahalataang walang tao dahil sa kaming dalawa lang ang nakikita ko sa lugar na 'to.

"Alam mo antagal ka naming inantay dito," mahinahong sabi ni Sue.

"Dito lang din pala ang hantungan mo, pero bakit ka ba naparito?" tanong niya na ikinagulo ko.

Wait nasaan nga ba kami?

"Nagtataka ka siguro, nandito lang naman tayo sa custom building sa lower level, hindi mo ba alam?" sabi ba naman niya na ikinaguho ng mundo ko.

"Ano!?" sigaw ko.

"At itong gubat, hindi 'to totoong gubat," dagdag pa niya.

Bigla nalang akong nanghina sa mga sinabi niya.

Kung gano'n hindi ako nagtagumpay? Hindi ako nakalabas? At ang mas malala hindi ko man lang nabigyang hustisya si Atria, nasaan na kaya siya ngayon?

"Huwag ka mag alala, ligtas ka dito sa custom level," biglang bungad ng isang. . . hangin?

"Sino 'yan? May tao ba d'yan?!" sigaw ko.

"Nako Chloe, tinatakot ka lang nitong si Paul," sabi ni Sue sabay tawa.

"Hi dear," biglaang pag sulpot naman ng isang babae, naka palda ito at may hawak na. . . halaman? Medyo matanda siya kay Sue.

"Um 'yang babaeng 'yan, siya si Victoria, she can control plants," pagpapaliwanag ni Sue.

Kaya pala siya may hawak na halaman.

"Hindi nyo talaga ako makikita dahil sa katotohanang isa lang akong hangin," rinig kong sabi ni Paul.

"At kung iniisip mo naman kung anong kakayahan ko, pwes ito 'yon!" bulalas naman ni Sue sabay kumpas ng dalawang kamay.

Kasabay no'n ay ang pag bagsak ng mga patak ng ulan pero hindi kami nababasa?

What's that kind of power?

"I can change and use the weather," tipid nyang sabi.

Okay that's quite impressive.

"Um. . . p-pwede niyo ba akong tulungan makaalis dito?" tanong ko out of the blue.

"Seriously? Eh ikaw mismo ang nag teleport papunta dito, 'diba?" naguguluhang sabi ni Sue.

Ako? Nagteleport?!

Bigla-bigla ba namang nawawalan ng kulay 'yung gubat na nakikita ko, kagaya ng pintura na natatanggal at bumabalik sa tunay na kulay gano'n din ang nakikita ko mula dito.

Ang mistulang gubat ay nag wangis selda na parang nabubulok na hindi maintindihan.

"Welcome sa custom level!" bulalas ni Sue.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now