Chapter 2: Weird

48 4 7
                                    

[Chloe's POV]

"Nagugutom na ako!"

Madalas ko 'yang marinig kapag tapos na ang madugong lectures o 'di kaya'y tapos na ang klase.

Kasalukuyan pala kaming nasa canteen, maraming tao at kaniya kaniyang mga pagkain ang nilalabas ng mga students dahil ito ang oras ng break time.

"Wait, bibili lang ako," sabat ni Marjo habang nakatingin sa'ming lahat. Isa sa mga naging una kong kaibigan ay si Marjo, ewan, hindi ko na mabigyan ng explanation kung bakit.

Madalas nakatitig lang si Marjo sa ibang tao pero pag dating sa’kin, kakaiba, hindi ko nalang iyon pinapansin dahil narin sa gusto ko syang makilala sa kung ano ba talaga sya.

At oo natuklasan ko na mabuting tao si Marjo. Nararamdaman ko ang katulad ni Marjo ang mga taong hanggang tingin nalang ang ginagawa dahil wala silang lakas na sabihin ang kanilang nararamdaman sa pamamgitan ng kanilang bibig.

Iyan ang pinagkaiba kay Jamel, si Jamel 'yung tipong bibig muna ang ginagamit bago ang kaniyang mata, hindi lang sa paghahanap ng bagay kundi narin sa ilang away na naranasan ko dahil sa kaniya, at oo isa na do'n ang eksena sa canteen na kung saan ang kaaway nya ay si Shin Lee.

"Hala te, sasama ako! " dagdag ni Kimberly bago nila kami iniwan.

Jamel at ako nalang ang naiwan sa table namin.
Ilang sandali pa ng biglang sumigaw si Jamel na ikinagulat ko.

"Aray!" sigaw ni Jamel pero napatakip din sya ng bibig dahil sa gulat.

Ngayon ko lang nakitang sumigaw si Jamel ng walang dahilan. Well ngayon lang ba? Masasabi kong sometimes nakagawian nya na 'yan.

"Um wala lang iyon! Mag CR muna ako ha?" nagmamadaling wika ni Jamel habang nakahawak sa kaniyang tenga.

"Sure kang okay ka lang?" habol ko na ikinatango lang nya.

Napapaisip din ako dahil kadalasan hawak ni Jamel yung tenga nya lalo na kapag kasama ko sya.

Hays, ayoko nalang intindihin.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi maalala 'yung nangyari kanina sa room.

Hindi 'yon imagination eh. Feel ko totoo lahat 'yon.

"Yes you, Chloe! We need to talk!"

Hindi ko maintindihan? Okay lang kaya si Ma'am? Nababaliw na ba ako? Posible bang magsalita si ma’am ng hindi bumubuka yung bibig nya? O baka nababaliw na talaga ako!?

Napangiti nalang ako sa sarili ko. Tama! Guni-guni ko lang 'yon.

"Miss Espinoza." Nagulat nalang ako ng biglang sumulpot mula sa likuran ko si Ma'am Lucia. Alam ko kapag sya ang nagsasalita. Kadalasan tinatawag nya ako sa buo kong pangalan, at nilalagyan pa ng "Miss" kasam ng apelyido ko.

"Y-yes ma'am?" tanging nasaad ko dahil wala akong oras para makipag usap lalo na ngayon. Wrong timing naman si ma'am. Iniisip ko palang sya tapos bigla bigla nalang susulpot.

"May kailangan kang malaman, hija," dagdag nya.

"About po ba sa acads?" inosente kong tanong. Hoping na sana hindi ako bagsak.

"You're something connected to the past," sabi pa nya gamit ang seryosong tono.

Hindi ko na mapigilan kaya naman natawa nalang ako sa sinabi nya.

"Ma'am, ayoko po muna ng joke time."
"Hindi ako nagbibiro, hija."
"Um. . . next time nalang po tayo mag meet, huwag po muna sa ngayon."

Ako na ang unang umiwas. Wala naman na syang sinabi at iniwan na nya ako ng matiwasay sa table ko.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now