Chapter 5: It's you!

22 3 0
                                    

[Chloe's POV]

Nagising ako sa silid ko, malabo pa ang paningin ko kaya marahan kong kinusot ang mga mata ko.

Nang maging malinaw na ang lahat ay napabangon ako at agad na tinungo ang office ni papa. Ang alam ko doon ko sya huling nakausap. Ano nanaman ba kasi ang nanagyari?

Si ma'am nanaman ba may pakana nito?

Teka sandali! Hindi kaya?

"Chloe, Anong ginagawa mo d'yan pumasok kana sa school." Tila nagbago ang ihip ng hangin ng sabihin 'yon ni. . . papa.

Akma pa sana akong kakatok sa office ni papa kaso bigla itong bumukas hanggang sa ayun, nasabi na 'yon ni papa.

Wait, is this for real? Parang nag-iba 'yung atmosphere.

"O-okay ka lang 'pa?" tanging nasabi ko dahil sa mga katanungan na nasa isip ko.

Ang hangin na 'yon, pakiramdam ko hindi iyon normal.

"Chloe, sabay ka na sa'kin," pag aaya pa ni papa.

Wait ang weird na ng nangyayari, pero  nalulungkot lang ako bigla. Biglaan kasi 'to. Never din akong hinatid ni papa kasi busy sya lagi. Malamang nabago ng hangin na 'yon ang timeline ko. Pero napapaisip ako, kung hindi 'yon nangyari malamang grounded pa 'ko ngayon.

Ang hindi ko lang maintindihan, bakit may binabago sa paligid ko? May dapat ba talaga akong gawin kaya umaayon sa'kin ang panahon?

***

"Kamusta pala ang school mo?" Nakakapanibago naman, hindi ako handa sa mga nangyayari, ni minsan hindi nga ako nagawang kamustahin ni papa.

Kasalukuyan kaming nasa kotse ngayon. For real nga na hinatid talaga ako ni papa sa school!

"O-okay naman po, medyo marami lang na schoolworks," natuwa naman si papa sa sinabi ko.

Never syang naging masaya sa mga achievements ko dati. Paano kaya kung buhay pa si mama? Nalungkot ako bigla sa ideyang iyon.

"Andito na pala tayo. Sige na anak, baka ma late ka pa. Ipapahatid nalang kita mamaya sa driver ko." Napangiti naman ako sa sinabi nya, gusto ko syang yakapin pero hindi ko magawa.

"S-sige 'pa dito na po ako," wika ko at akmang aalis pero mabilis syang bumaba sa sasaakyan at niyakap ako.

Katahimikan.

N-nagawa akong yakapin ni papa? Pero bakit ngayon lang? Bakit noong mga oras na sobra ang lungkot na nararamdaman ko bakit wala sya?

"Sige na," giit nya at pumasok na sa kotse.

Kumaway pa ako sa kaniya bago tuluyang pinaandar ang kotse, huminga ako ng malalim, pinipigilan ang pagpatak ng mga luha. Hindi pa ako nakakapasok kitang kita ko na ang mga masasayang mukha ng mga kaibigan ko.

For sure nakita nila ang ka-dramahan ko do'n.

"Chloe, 'di ko expect na ang sweet nyo pala mag-ama, sana lahat 'no?" panimula ni Kim, nasasanay narin akong tawagin sya sa nickname nyang Kim ah.

"Sana magtuloy-tuloy lang 'yan," sabat naman ni Zian. Wait! Andito si Zian!?

"O ba't parang nakakita ka ng multo d'yan," singit ni jamel.

Ang totoo niyan natigilan lang ako dahil sa ngayon ko lang sya... Ngayon ko lang sya...

Hays oo na... May gusto ako sa kaniya, ipagkakait nyo pa ba 'yon sa'kin?

Pero alam kong may iba na syang gusto kaya as soon as possible ay ayokong manggulo pa sa buhay nya.

"Teka, maayos na ba ang pakiramdam mo? Bakit parang ambilis mo naman atang gumaling?" sunod sunod na tanong ni Marjo.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now