Chapter 10: Highest

12 2 2
                                    

[Chloe's POV]

"So now I will announce who got the highest score.." si ma'am! Nag-aanounce na!

Mabuti nalang at hindi kami nahuli ng dating pero...

"By group kayong lalabas, as much as possible ay makabalik kayo dito sa school ng 3:00 PM, pag hindi kayo makabalik ng magkakasama, zero kayong lahat, direct to the card."

Hindi kami magkakasama, nakabalik nga kami pero hindi naman kompleto.

"Andito na pala kayo! Take your seat," mahinahong saad ni ma'am ng makita kami na nasa pintuan, nagtinginan pa kami, tanging ako si Marjo si Jamel...teka parang may kulang? Si Zian!

Biglang nawala 'yung lalaking 'yon ah!

"Bakit parang antagal nyo dumating, bumili lang naman kayo sa canteen 'di ba?" magulong saad ni ma'am.

What? Hindi ko sya maintindihan, sabi nya by group kaming lalabas.

Sandali kong tinignan ang mga classmates ko, kumpleto sila at nasa amin lang ang tingin, anong nangyayari?

"Teka, bakit parang kulang kayo, asa'n 'yung iba?" tanong ni ma'am ng masigurong nakaupo na kami.

"Um... " hindi na natapos ni Marjo dahil dumating na sila!

"We're sorry we're late," bungad ni kuya at ng iba pa. Buti naka abot sila!

Asa'n kaya si Zian? Kanina pa kasi namin sya hindi nakikita, hindi kaya? naiwan sya sa mall?

"Okay so were complete," nakangiting sabi ni ma'am.

"So base sa mga test sheets nyo, mukhang may dalawang maswerte na nakakuha ng mataas na score," wika ni ma'am, pabitin pa sya.

"Stand up, Jamel and Marjo, your two are doing great," pagbati ni ma'am sa kanila.

Nakatayo lang sina Marjo at Jamel na para bang wala silang ideya sa mga nangyayari. Naguguluhan padin ata sila.

"Pwede na kayong maupo," sabi ni ma'am ng matapos na ang palakpakan.

Tinignan ko si kuya, sigurado akong madi-disapoint sya kapag nalaman niya 'yung score ko.

"But wait theres more," bulalas ni ma'am.

Hindi parin pinapapasok sina kuya, Shin Lee, Kim, Ryan at Jay.

Ano kaya ang mga nangyari sa kanila?

"Mataas nga ang nakuha nina Marjo at Jamel, but Kimberly De Leon got the most highest score, lets just say. . .Perfect ang score nya!" hiyaw ni ma'am na ikinagulat naming lahat, maging si Kim hindi na malaman ang reaksyon.

Nasa kaniya ang lahat ng atensyon namin. Maniniwala pa ako na mataas sina Marjo at Jamel but Kim? Something is happening. Wait!

"Kung sino ang highest sa test malamang isa sya sa may kakaibang kakayahan, hindi normal ang test na ibinigay ko sa inyo."

So meaning, kagaya ko si Kim? Isa sya sa mga hinahanap namin!?

"Congrats, Kim!" pagbati ng lahat.

Tanging ngiti lang ang binibigay ni Kim sa mga bumabati sa kaniya. Gusto ko siyang tanungin kung paano nya na perfect ang test pero mukhang hindi 'yon magandang ideya.

Teka, nasaan ba kasi si Zian? Iyon parin ang tanong na umiikot sa ulo ko.

"Hey babe, ang galing mo naman pa'no mo na perfect yung test?" biro ni Ryan na hindi ikinatuwa ni Kim.

'Eto nanaman sila.

"Anong babe ka d'yan? Mukha ka kayang tae!" si Kim na ang nagsalita.

Bumabalik na kami sa dati, 'yung masaya, walang problema, hindi narin namin pinaguusapan yung mga kakaibang pangyayari.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now