Chapter 30: Goodbye

9 1 0
                                    

[Chloe's POV]

Walang kurap akong nakatingin kay Zian habang pinapagaling ako.

Wala pa ring isang segundo ng maging maayos na ang pakiramdam ko. Mukhang lumalakas na 'yung healing powers ni Zian.

"Tapos na kayo?" nagsalita si Miss Chloe mula sa bandang gilid.

Tumayo na ako at matalim na humarap sa kaniya. Hindi ko pa nakikita sila Marjo at Jamel, hindi ko alam kung nasaan sila.

Maging sina Oscar hindi ko narin makita.

"Pa'no niyo nabalik 'yung kapangyarihan niyo? Dahil ba sa hangin kanina? Asa'n si tito Benedict?" pabulong at sunod sunod na tanong ko kay Zian.

Nakapagtataka kasi eh.

"Mahabang kwento," tipid niyang sagot. "Basta nasa maayos na silang kalagayan." 

"Dalawa laban sa isa?" biglang singit ni Miss Chloe at nakikita kong nagawa pa niyang ngumiti.

Itinaas niya ang kamay niya hanggang sa bigla nalang kami napunta sa hindi ko malamang lugar. Parang sa pelikula na bumibilis ang mga pangyayari. Huminto ang lahat mula dito sa harap ng lumang mansyon.

Para kaming nasa loob ng ilusyon.

Hindi kaya?

Nagulat kami ng biglang lumitaw mula sa harap namin si tito Zaman.

Pa'no siya napunta dito? 

"Imposible!" sigaw ni Zian.

Bakit parang gulat na gulat 'yung reaksyon niya?

"Anak, halika na," biglang sabi ni Miss Chloe at inilahad pa ang palad niya.

Anak? Sinong anak?

"A-ayoko," tipid na sabi ni Zian na ikinatingin ko bigla sa kaniya.

"Chloe, let me explain." Naramdaman ata niyang umaatras ako sa kaniya.

Hindi ako makapaniwala. Bakit? Bakit ngayon ko lang nalaman 'to? Kasabwat nila si Zian?

"Anong pakiramdam, Chloe?" Tumingin naman ako kay Miss Chloe ng magsalita nanaman siya.

Pinagtutulungan nila ako. At ang mas malala. . . mukhang ako lang talaga mag isa ang haharap nito.

Agad akong tumingin sa mga mata ni Zian. Gusto kong maniwala na hindi niya 'ko niloko pero iba 'yung iniisip ko ngayon.

"T-totoo ba?" Napapikit ako. "Totoo bang may connection ka kay Miss Chloe!?"

Nanginginig man ay pilit akong nagsasalita.

"Chloe, magpapaliwanag ako—"

"Maiwan ko muna kayo, marami pa 'kong aasikasuhin gaya ng papa mo," biglang singit ni Miss Chloe.

"S-si papa! Anong gagawin niyo kay papa—" hindi ko na natapos ng bigla silang naglaho ni tito.

Ngayon kami nalang ulit dalawa ni Zian.

"Chloe, makinig ka—"

"Akala ko totoo ka." 'Yon nalang ang nasabi ko.

Napapansin ko nga na wala ng tao dito sa building, medyo sira sira at biak narin ang sahig.

"Hindi ko ginusto 'to! N-natakot lang ako na baka mawala ka sa'kin kaya sinunod ko si mama," pagpapaliwanag ni Zian.

Andami ko ng iniisip na problema at nagawa pa niyang dumag-dag.

Hindi ko nalang pinansin si Zian.

"Atria?" Nagsalita ulit ako pero sa pagkakataong 'to hindi si Zian 'ying kausap ko.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now