Chapter 20: Comeback

3 1 0
                                    

[Chloe's POV]

"Chloe, okay ka lang!?" alalang tanong ni Kim ng makalapit siya sa'kin.

Mabilis ko siyang hinawakan sa kamay at marahan itong pinisil.

Totoo nga siya!

"Ayos ka lang Chloe men!?" si Ryan naman ang sunod na nagsalita.

"G-guys." Mangiyak-ngiyak ko silang niyakap ng mahigpit.

Nakaka miss sila!

"'Yang bwisit na babaeng 'yan ang may kasalanan 'no?!" sigaw bigla ni Shin Lee at mabilis na lumapit at hinablot ang buhok ni Ashley.

"How dare you?! Ouch!" sigaw pa ni Ashley.

Nagsisimula na silang mag bardagulan.

Kung may makakatalo kay Ashley si Shin Lee na 'yon. Natawa nalang ako sa ideyang parehas silang walang inuurungan.

"Ayos ka lang 'nak?" Biglang lumapit sa'kin si papa.

"N-nasaan si Marjo?" singit naman ni kuya habang luminga-linga sa paligid.

Hays, hindi parin nya nakakalimutan si Marjo. Pero bagay naman talaga sila.

"M-mamaya na 'ko magpapaliwanag. Nawawala kasi 'yung mga kasama ko!"

Nang sabihin ko 'yon ay may mga nagsidatingan.

Napakaraming kalalakihan na ngayon ay nakasuot ng itim na mask. Okay? Hindi ko sure kung si Ashley ang may gawa nito pero mukhang hindi.

Parang may kakaiba.

"Dami naman nila!" giit ni Ryan at marahang binuhat patayo si John. "Ako ng bahala dito sa lalaking 'to."

"Magtago na kayo Chloe, kayang-kaya na namin 'to!" sigaw ni Jay na ngayon ay ready na makipag suntukan.

"Sige na 'nak, tumakbo na kayo!" sigaw ni papa at mukhang determinado siyang tumulong kila Jay.

"Go, Chloe! Iwan mo na sa'kin 'tong witch na 'to!" sabat naman ni Shin Lee na ngayon ay nakahawak parin sa buhok ni Ashley.

"Tara, Chloe. Hanapin na natin sila!" sigaw ni Kim na ikinatango ko.

"Mag-ingat kayo ha?!" habol ko sa kanila Jay.

Tumatakbo na kami ni Kim sa bodega para hanapin sina Marjo at Jamel.

For sure matutuwa sila kung makikita nila si Kim.

"Nasaan kaya sila?" bulong ko.

"K-kim, paano pala kayo nakabalik?" tanong ko.

Humarap naman si Kim sa'kin bago sumagot.

"Ang totoo, wala akong matandaan. Basta pagkamulat ng mata ko ayun tumatakbo na 'ko papalapit sa'yo," pagpapaliwanag ni Kim.

Kung gano'n tinupad nga ni Eloisa ang deal namin. I didn't expect that.

"Nasaan na ba kasi sila? Ano ba 'to lost and found?" pag-iiba ni Kim.

"Hindi ka parin talaga nagbabago, 'no?" tawa ko.

"Syempre naman!" sagot ni Kim. "Ay teka girl, sino 'yon? Kilala mo ba?"

Agad naman akong lumingon sa harapan namin kung saan tinuturo ni Kim ang isang babae.

"It's Janine!" sigaw ko.

Nakatali siya ngayon habang walang malay.

Akma kaming lalapit pero may biglang babae na humarang sa'min.

"Checkmate!" sigaw ng babae na ngayon ay nagkukulay pula ang mga mata.

Napaatras tuloy kami dahil sa mas sumisilaw 'yung pula niyang mata.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now