PART TWO

8 3 2
                                    

[Someone's POV]

"Good morning sir!" Pagbati ng isa sa'kin.

"Nasaan sila?" Iyon nalang ang nasabi ko, pakiramdam ko may nangyayari sa loob.

"Nasa loob na po sila ng illusion box,"  mahinahong sagoy ng isa kong tauhan.

"Kamusta ang mga process?" tanong ko pero hindi sila umimik.

"Kamusta ang process?!" sumigaw na ako, pinag iinit talaga nila ang ulo ko.

"Hindi po succesful, actually nag suggest po yung anak nyo na i reset ang lahat sa loob ng illusion box," natatakot na sabi ng tauhan ko.

"Reset? Anong balak ni Eloisa?" tanong ko.

"Pero, kinakabahan po kasi kami, kasi kanina mga 3:00 AM nagising 'yung babae." Nang sabihin iyon ng tauhan ko ay nagmadali akong pumunta sa kinaroroonan nya.

"Bakit ba hanggang ngayon hindi nyo parin kilala ang babaeng to ha!?" sigaw ko.

Antatagal na nilang nagtatrabaho dito hindi nila alam na anak ko si Chloe?!

"S-sorry sir," nakayuko nilang sabi.

Sabagay, hindi sila sanay na tinatawag kong anak si Chloe.

"Gawin nyo lang ang sinasabi ng anak kong si Eloisa, alam naman siguro nya ang ginagawa niya sa loob ng illusion box," utos ko sa mga tauhan ko.

Ang mamuno dito sa kakaibang kompanya, masaya. Pero bakit ko 'to ginagawa? It is because kailangan nilang mahanap si Lucia sa loob.

Ang nanay nila Chloe at Eloisa.

Marahan akong tumingala.

Mega Corporation... Isang association na kumukuha ng mga taong may ibang kakayahan, pinagaaralan at kung ano-ano pa.

Kasama ang kapatid kong si Zaman Espinoza, kaso nawawala siya.

Tanging si Eloisa lang ang may hawak ng susi pabalik dito sa totoong mundo.

Chloe espinoza, anak ko sya, pero bakit iba ang turing ko sa kaniya?

"P-pwede na ba akong pumasok? Papasok ako sa loob!" utos ko na ikinatigil nila.

"But sir delekado!" pagpigil ng isa.

"Mapanganib po sir!" sigaw naman no'ng isa.

Gusto ko lang naman makita si Lucia!

"Tanging mga may kakaibang kakayahan lang ang nakakapasok d'yan." Nagulat ako ng may biglang sumabat mula sa likuran ko.

"Bakit hindi mo ako hayaang makapasok at sisiguraduhin kong dadalhin ko sya sa'yo?" saad pa ng babae.

As usual suot parin niya 'yong pulang sapatos na binigay ko.

Nagiging pula narin ang mga mapupungay niyang mata.

Bakit ngayon lang sya nagpakita sa'kin?

Wala na akong magagawa, desperado na ako sa mga nangyayari. Matagal kong inantay ang pagkakataong ito.

Bakit hindi ko kunin ang opurtunidad?

"Ako na ang bahala sa kanilang lahat," dagdag pa nya.

Well, wala na akong choice.

Sa ngayon wala na akong dapat pang pagkatiwalaan. Pero sa isang nilalang na nasa harap ko, wala na akong dapat pag-isipan pa.

"Fine. I'll trust you Miss Chloe. Welcome back though."

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя