Chapter 12: Note

8 3 0
                                    

[Chloe's POV]

"Teka nga, ano ba talaga 'to, Zian?!" sigaw ko.

Still his eyes are glowing, ano kayang kakayahan nya?

"Ipapaliwanag ko na sa'yo mamaya," sagot lang nya.

"Huh? Bakit mamaya pa? Ngayon mo na ipaliwanag! Naguguluhan na 'ko oh!" giit ko.

"Atsaka, kayo? Bakit kayo nandito?" tanong ko sabay duro sa kanila Jamel.

Tanging ako lang ang nagsasalita sa'ming lima.

"Kayo Marjo, Jamel, hindi ba kayo magpapaliwanag?" tanong ko ulit. "Ang gulo! Ang weird na! Nasa'n ba talaga tayo!?"

"Ilusyon," naririnig kong sabat ni Marjo.

Humarap siya sa'kin at nakipag eye to eye. Nagiging violet 'yung mata niya! So hindi nga siya normal na tao, kagaya ko siya!

"Ilusyon lang 'to ni Zaman," dagdag pa ni Marjo.

Zaman? Familiar. Hindi kaya siya 'yon 'yung nasa mall kami dati? 'Yung may lalaking kasa-kasamang itim na hamog?

"Tumahimik na nga muna kayo!" sigaw bigla ni Eloisa kaya naman hindi ko na naituloy ang balak na sasabihin.

So kontrabida siya dito, gano'n?

Ilang sandali pa ng biglang mag popped out sa utak ko ang salitang Zaman. Hindi kaya magka-sabwat talaga sila?

"S-si Zaman. Kasabwat mo ba siya?!" bulalas ko sabay tingin kay Eloisa.

"Chloe, ako ang may nakakatakot na kakayahan sa'ting lahat," nakatulalang wika ni Eloisa.

"Hindi ka nag iisa Eloisa, ako rin," sarkastiko kong sagot.

"Nagkakamali ka Chloe, wala kang alam!" giit pa niya.

"Alam nyo, hindi naman talaga ako masama, andito lang ako para tapusin ang lahat, gaya ng plano," sabi pa ni Eloisa at inilahad ang palad niya sa'kin.

"Tulungan mo 'ko, Chloe."

Hindi ko alam ang gagawin. Akmang hahawakan ko 'yung kamay ni Eloisa ng bigla akong hinila ni Zian.

Sa sandaling 'yon para akong napailalim sa hypnotismo. Nakakabaliw na!

"Huwag kang maniwala d'yan, Chloe. Hindi 'yan si Eloisa!" sigaw ni Zian.

Pa'no ba kasi kami nakarating dito? Pumikit lang naman ako tapos ganito na.

"Hindi ka si Eloisa, kaya huwag ka ng magpanggap d'yan."

"Pa'no ba tayo nakarating dito? Magkakilala ba kayo niyan ni Eloisa? Ang weird mo na talaga, Zian!"

"Hindi ako ang Zian na kilala mo—" Natigil tuloy kami sa usapan ng biglang sumigaw si Eloisa na parang nababaliw.

Parang kailan lang na nagkakilala kami ni Eloisa tapos ganito na agad 'yung nangyayari sa'min? Wala pa atang one week ganito na agad!

Kung seryoso siya at gusto nyang tapusin ang buhay ko? Bakit?

"Hindi gano'n ang gusto kong mangyari, Chloe." Mukhang nababasa narin ni Eloisa ang nasa isip ko. Nararamdaman kong nagtitimpi lang si Eloisa. Nag-iiba din 'yung boses niya. Lumalalim na!

"Kung gano'n, anong balak mo sa'min?" tanong ni Zian na nagpatahimik sa'ming lahat.

Nakita ko namang nagiging lila ang mata ni Marjo samantalang nakahawak naman sa tenga si Jamel.

Halos lahat kami ay napanganga ng unti- unting nagbabago ang wangis ni Eloisa.

Nagiging wangis lalaki siya. For sure si Zaman na 'to!

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora