PART THREE

8 1 0
                                    

[San Antonio Orphanage]

"Magandang araw mga bata."

Todo ngiti ang napakaraming bata sa loob ng orphanage dahil sa mayroong gustong mag ampon sa kanila.

"Sinong gustong sumama sa'kin?" tanong ng lalaki.

Napaisip naman ang isang batang babae.

"Bakit kulay itim ang nakikita ko sa inyo?" tanong ng inosenteng bata.

"Itim kasi ang simbolo ng pagmamahal para sa'kin. 'Dibale, andito naman ako para tulungan kayo,"  pagpapaliwanag ng lalaki na nag pagaan sa loob ng ilang bata.

Kilala ang lalaki sa pinakamatagumpay na tao dahil nakapagtayo ito ng kakaibang corporation. Ang Mega Corporation.

"Muntik ko ng makalimutan, 'eto pala ang anak kong si Chloe," pagpapakilala ng lalaki sa anak niyang pawang nakatago sa likod ng kaniyang ama.

"Papa, sino sila?"
"Mga kalaro mo, anak."

Tuwang tuwa ang mga bata, maging si Chloe ay natutuwa sa tuwing makikipaglaro ang mga bata sa kaniya.

"Sige, wait lang mag CR muna ako, ha?" sabi ng batang si Chloe.

Napansin din kasi niya na wala ang papa at mama niya sa paligid.

Habang naglalakad si Chloe papunta sa CR ay may naririnig na siyang ingay mula sa kabilang kwarto malapit sa kwartong pinagtutulugan ng mga bata sa orphanage.

Isang ingay na likha mismo ng kaniyang mga magulang.

"Mama!" dali-daling tumakbo si Chloe at sinundan kung nasaan nanggagaling ang boses ng kaniyang mama.

"Pumasok ka na! Ayokong makita ka na ni Chloe!" sigaw ng papa ni Chloe.

"Gusto ko siyang makita! Kahit sandali lang?" pagmamakaawa ni Lucia, ang nanay ni Chloe.

"Mama!" sigaw ni Chloe na kakapasok lang sa kwarto.

"Papa anong ginagawa mo kay mama!?" sigaw ni Chloe at patakbong lumapit kay Lucia.

"Anak, makinig ka! Nasa panganib ka kung hindi ka lalayo sa mama mo. May ginawa na kaming lugar para sa kaniya!" sigaw ni Richard, ang papa ni Chloe.

Dahil sa mga nililikha nilang ingay ay nakuha nila ang atensyon ng ibang bata.

"Huh? Nasa'n na si Chloe? Narinig niyo 'yung ingay?"

Gaya ng ginawa ng batang si Chloe ay sinundan din nila ang ingay na nagmumula sa isang kwarto.

Nang makapasok sila ay agad na nagtanong ang mga inosenteng bata.

"Um, ano pong meron?" tanong ng batang lalaki na ngayon ay nakahawak sa tenga. 

Hindi pinansin ni Chloe ang mga bata at mangiyak-ngiyak na lumapit sa isang malaking box na nasa gilid ng kwarto. Maraming nakakabit na wire pero para sa batang si Chloe ay ito ang napapanood niya sa television na mga magical portals.

"Sige papa, paaalisin mo si mama dito o sisirain ko 'to!" pagbabanta ng batang si Chloe.

Ang tinutukoy niyang sisirain ay ang Illusion box.

"Anak! Sandali! Makinig ka!" sigaw ni Richard kay Chloe.

Sa mura nilang edad ay wala silang alam sa kung anong mahalaga o hindi. Hindi nila alam na doon na magsisimula ang lahat.

Humihikbi man ay pinutol na ni Chloe ang isa sa mga wire mula sa illusion box.

Naglikha iyon ng malakas na hangin na may pinagsamang itim na hamog.

Unti unti silang hinihigop papasok sa illusion box, ni isa sa kanila ay wala nang nakaligtas pa, maliban nalang kay Richard.

Mabuti nalang at hindi nabigo si Miss Chloe sa pagligtas kay Richard.

Simula din ng araw na iyon ay naging kontrobersyal ang pagkakawala ng mga bata sa naturang orphanage. Lahat ng paraan para maitago ang katotohanan ay ginawa ni Richard.

Tinago at inayos nila ang illusion box sa pag-aakalang maibabalik pa ang lahat ng nawala.

Maraming kabataan ang nakapasok sa illusion box maging ang anak ni Richard na si Chloe ay nakaratay lang sa kama at walang malay, hindi narin ito humihinga.

Nakakapagtaka lang na hindi nawala ang katawan ng anak niya ngunit may alam pa siyang paraan para ipagpatuloy ang nasimulan.

Marahang napatingin si Richard sa isang crib na kung saan natutulog do'n ang isa pa niyang anak na si Eloisa.

Pinag-aralan ni Richard bawat hakbang na ginagawa nila at doon lang nila napagugnay ugnay ugnay ang mga katauhan ng mga batang sina Zian, Marjo at Jamel.

Marami pang mga bata ang hindi natutukoy ni Richard pero sa ngayon apat na istudyante palang ang alam niyang may kakaibang kakayahan.

A/N: Kung wala parin kayong naiintindihan ako na ang mag e-explain.
Sa part na pinutol ni Chloe ang isa sa mga wire ng illusion box ay pumasok sa loob nito ang mga bata, maging si Lucia.
On going pa ang experimental box na ito kaya naman ayun, nasira.

About naman sa nakaligtas si Richard, tinulungan sya ni Miss Chloe (hindi 'yung bida)

Magulo ba? Sana magets nyo lang :)

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now