Chapter 17: Section B

5 1 0
                                    

[Chloe's POV]

"Gising na mga people!" sigaw ni Janine na gumising sa'ming lahat.

Kinusot ko ang mga mata ko at tingnan ang relo ko.

"8:00" pabulong kong sabi sa sarili ko.

Ano bang oras ang klase namin? Teka! Linggo pala ngayon!

"Dalian niyo d'yan, aalis pa tayo, remember?!" sigaw pa nya.

"Ang aga mo naman gumising," sabat ni Carl sabay kusot sa kaniyang mata.

Nagkatinginan pa kami ni John, marahan lang siyang ngumiti, mapait na ngiti.

"Teka, teka, mag almusal pala muna pala kayo!" dagdag pa ni Janine. "Here, bumili ako ng mga foods."

Lahat sila ay nagawa kong tignan.

Sa ngayon kailangan ko na sigurong masanay. Ito na ang nakatadhana sa'ming lahat.

***

"Ano gora na tayo?" Nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Janine.

Hindi lang siguro ako sanay.

Sa paglipas ng panahon unti unti ko na silang nakikilala. Nakakalungkot lang isipin na wala na sila Kim, hindi pa ata ako handa na mawala sila sa buhay ko.

Marahan akong napatingin sa isang picture frame na nasa gilid.

Nakikita ko do'n ang picture namin ni Janine na magkatabing naka-upo at naka wacky.

"Naaalala mo nanaman 'yan 'no?" biglang sabat ni Janine na hindi ko napaghandaan.

"C-close pala tayo sa una 'no?" Ang weird lang na parang totoo talaga kaming magkaibigan.

"Syempre naman, best friend forever kaya tayo!" bulalas pa ni Janine. "Ano tara na?"

"S-sige." Magkahawak kamay kami ngayong lumabas sa dorm.

"May bibilhin lang naman tayo sa mall, teka, okay ka lang ba? Namumutla ka d'yan?" tanong nya bigla.

Ang totoo hindi maganda ang gising ko, ang pagpapaulan ko kagabi ang mas dumagdag sa sakit ng ulo ko ngayon.

"Pakiramdam ko lalagnatin ako," mahinahon kong sabi sa kaniya.

"S-sasama ka pa ba? 'Wag nalang kaya?" Napangiti ako ng palihim. Mukhang concern talaga siya sa'kin.

Marahan akong umiling.

"Hindi nalang ako sasama, gusto ko sanang magpahinga muna," sagot ko.

Ngumiti lang siya at tumango.

"Teka, wala kang kasama!?" alala nyang sabi.

"Okay lang ako," habol kong sabi. "Basta dalian niyo nalang."

"Sige, just wait here okay? Call me kapag may kailangan ka," saad nya.

Tanging tango nalang ang nagawa ko. Balak pa sanang magpaiwan nila Zian para samahan ako pero pinilit ko silang okay lang ako.

Ngayon umalis na sila, ako nalang mag-isa, masakit ang ulo ko kaya naisipan kong humiga muna.

Ang mga nangyari kagabi...kung ga'non hindi parin ito 'yung totoong mundo.

Ano ba talaga ang totoo at hindi? Sino ba ang tunay at nagpapanggap lang? Nalilito na ako sa mundong kinagagalawan ko.

"Ako ito, si Benedict!"

Mga bulong na naririnig ko sa buong sulok ng kwarto.

"Benedict? And'yan ka ba?" tanong ko.

Para tuloy akong baliw dito. Kinakausap ko 'yung kisame at pader.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now