Chapter 3: Revealed

33 4 2
                                    

[Chloe's POV]

Antagal ng bell. Kanina pa ata ako nag-aantay sa uwian. Nakatulala lang tuloy ako ngayon sa bintana.

Ayaw parin mag sink-in sa utak ko bakit nawala 'yung sugat sa braso ko? Wala na ba 'yung sumpa? Sumpa kasi tawag ko sa bagay na 'yon.

"Last question, Find the x in this expression." Itinuro ni Ma'am ang blackboard at marahang tumingin sa'min.

Ilan sa mga classmates ko ay umiwas ng tingin. Maging ako. Ayoko ng mainvolve sa recitation na walang katapusan dahil kailangan mo pang bigyan ng maraming explanations.

"Mr. Asuncion, answer the question please." Nabaling ang tingin ko kay Zian.

Medyo wala naman akong dapat ipag alala dahil isa rin sya sa top 1 ng klaseng ito, bakit kaya hindi nalang si Shin lee ang tinawag 'no? Matutuwa pa ako kung gano'n.

"Yes maam." Agad na lumapit si Zian sa blackboard at walang kahirap hirap na sinagutan ang equation na nasa board.

Tumingin pa ako sa gawi ni ma'am pero parang hindi pa sya kumbinsido sa answer.

"Something is missing," sagot ni ma'am.

What? Mukha namang tama ang sagot ni Zian ah. Ano pa bang sagot ang hinahanap ng teacher na 'to?

"Mis Espinoza, Can you determine what is missing?" Sa dinami dami namin ako ang napansin, napakagaling.

Wala na akong nagawa kun'di ang tumayo. "Ma'am, I don't think there is missing," sagot ko, wala na akong magawa, hindi gumagana ang utak ko ngayon eh.

"Maybe hindi mo alam kasi hindi mo sinubukang hanapin ang sagot," sabi ba naman ni ma'am.

Nanatili lang syang nakatingin sa'kin. Sa pagkakataong ito ay hindi nanaman bumuka ang bibig nya, normal na ito para sa'kin madalas na nya akong kinakausap gamit ang isip. Nasanay nalang din siguro ako sa mind conversation namin.

Ring.... Napangiti nalang ako.

"Okay class that's all for today, dismissed," pagpapaalam ni ma'am.

Pero bago pa man sya makaalis ay tumingin muna sya sa'kin, malayo ang distansya nya sa'kin dahil nga sa nasa likuran akong seat. Pero hindi iyon dahilan para marinig ko ang sinasabi nya.

"Magkita tayo sa garden," sabi nya gamit ang isip. Napaiwas nalang ako ng tingin at nagkunwaring hindi iyon narinig.

Madalas na nya akong kinakausap gamit ang isip, sa tingin ko hindi na talaga normal na tao si ma'am.

Hindi kaya, pareho kami ni ma'am Lucia na may kakaibang kakayahan?

"Maybe hindi mo alam kasi hindi mo sinubukang hanapin ang sagot,"

Malay ko kung ito na pala ang tamang oras para sabihin nya sakin ang totoong pagkatao nya. Pero bakit ngayon lang nya ginagawa ito?

Pero wala naman akong balak na sabihin sa kaniya kung ano ba talaga ako, hindi ko parin siya pinagkakatiwalaan.

"Chloe tara na, sabay na tayo umuwi," panimula ni Marjo na sinabayan ng tango ni Jamel.

"Ay uuwi na kayo? Mamaya pa ako eh, una nalang kayo," giit ko.

"Sure ka?" usisa ni Jamel na ikinatango ko nalang.

"Kaya ko na sarili ko, ingat kayo sa pag-uwi," pagpapaalam ko.

Gustuhin ko mang sumama sa kanila pero hindi ko magawa, buo na ang desisyon ko, makikipagkita ako kay ma'am Lucia.

***

Malamig ang simoy ng hangin, malinis at madaming bulaklak sa garden.

Ano pabang aasahan ko dito? Well, inaasahan kong nandito si ma'am pero wala sya. Walang katao-tao dito.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ