Chapter 26: Recall

4 1 0
                                    

[Zaman's POV]

"Bakit hindi ka na pumapasok?" tanong ko kay Eloisa na ngayon ay nakaupo at nakatulala lang mula sa gilid ng kwarto.

"Ayaw ko silang makasama," tipid niyang sagot.

"Tito, why are you doing these? What's your plan?" bigla niyang tanong sa'kin.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Mas mabuting hindi nalang niya malaman.

Sapat na sa'kin na nagkunwari siyang namatay noon sa illusion box.

Ayoko na siyang madamay pa.

"Kasama ko si Miss Chloe, sama-sama naming sasakupin ang buong mundo," pagsisinungaling ko.

Nakita kong marahan lang siyang yumuko at tuluyan ng nanahimik.

We need to conquer this world, ang mga taong hindi kabilang sa'min ay nararapat na mamatay, or sabihin nating mawawala sa mundong 'to.

Napakatagal naming hinintay ang pagkakataong 'to.

Dumaan sa masusing proseso ang bawat plano namin dahil sa lintik na propesiya na 'yan! Ang ikatlong nefarious, bakit ba kasi nilagay 'yon kay Chloe?

Kitang kita naman na walang magagawa si Chloe at ang mga kasama niya sa'min.

Hawak namin ang dalawang nefarious, pero hindi ako kumbinsido sa tuluyang pagkikipagsanib pwersa kay Eloisa.

Nararamdaman kong naguguluhan siya.

Naguguluhan siya dahil nasa isip niya si Chloe na kapatid niya.

***

Naglakad-lakad ako mula sa hallway ng mataas na level pababa sa custom level.

May kailangan akong mahanap.

Bago ako nakarating sa custom level ay may naririnig pa akong labanan mula sa battlefield ng campus.

Hmm it's Chloe and her friends fighting with Oscar?

I'm not interested.

Hinawakan ko ang kamay ni Miss Chloe ng makita kong nanonood siya sa labanan nila Chloe.

"Nakahanda na sila," bungad ko sa kaniya.

Agad naman siyang ngumiti.

"Nasaan sila?" tanong niya.

"Nasa kabilang pinto, dear. Gawa sa technology ang bakal na pinto na 'yon kung kaya't kinakailangan mo 'to," pabulong kong sabi at ibinigay ang isang remote.

Remote na sa isang click lang ay magbubukas sa panibagong surpresa.

"Thanks for this. Later, I will surprise them," sabi pa niya sabay tawa.

Nagpaalam na ako sa kaniya dahil sa may kailangan pa akong asikasuhin.

Nang makababa ako sa custom level ay bumungad sa'kin ang matatalim na titig ng mga nakakulong dito.

I don't want to think for them, isa pa kayang kaya ko silang patayin kung pwede lang.

"Nasaan sila?" tanong ko sa isang guard.

"Nasa loob po."  Nakita kong marahang binuksan ng kaunti ng guard 'yung pinto.

Napatikhim muna ako bago tuluyang buksan ng maluwag ang pintuan.

"Bakit ka nandito!" biglang bungad sa'kin ng babae sabay kidlat.

Amazing.

"Nasaan si Arman?" seryoso kong tanong.

"Wala na siya! Ngayon sabihin mo sa'kin, anong pakay mo dito!?" sigaw nanaman niya.

"Oh come on, Sue," sabi ko sabay tawa.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora