Chapter 8: Lost-Marjo

25 2 8
                                    

[Marjo's POV]

Isang hamog, napakadilim, wala akong makita, maliban nalang kay Jamel na ngayon ay hawak hawak ang kamay ko, medyo may ideya na ako sa nangyayari pero bakit hindi ko magawang intindihin kung bakit ito nangyayari? Gets nyo?

"Interesanteng mga bata." Isang boses na napakatalim, napakalamig, puno ng kalungkutan at kasakiman.

Madalas ko siyang marinig sa mga kwento ni lola.

"May ideya pala kayo kung sino at ano ako," naririnig kong sabi nya.

Hindi ko parin siya makita. Masyado kasing makapal 'yung usok.

Hindi ko pa sya nakikita kahit kailan pero may alam na ako sa buong pagkatao nya. Kagaya sa kwento ni lola dati...

Si Zaman ay isa sa mga makapangyarihan sa lahat, nagagawa niyang ipailalim ka sa isang ilusyon at magagawa nyang kontrolin ang nararamdaman mo, lahat iyon itinuro sa'kin ni lola, bakit?

Dahil isa ako sa kaniya. Isa ako sa mga nabigyan ng kakaibang kakayahan.

"Zaman, magpakita ka!" sigaw ko.

Umalingawngaw ang boses ko sa buong paligid, parang nag-eecho sa buong tenga ko. Mukhang napasailalim kami sa isang illusion. Ilusyon lang lahat ng 'to!

Pero asa'n na kaya sila? Asa'n na 'yung mga kasama ko? Sa pagkakataong 'to wala akong magagawa, at wala akong kakayahan para talunin siya.

"Jamel huwag kang bibitaw—" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil bigla nalang naging buhangin si Jamel.

Unti-unting hinahangin ang mga abong nanggagaling sa katawan niya.

Isa nanamang ilusyon.

"Nasaan si Jamel!? Asan ang mga kaibigan ko!?" sigaw ko pero walang sagot na bumalik mula sa'kin. "Magpakita ka!"

Huminga ako ng malalim, marahan kong ipinikit ang mga mata ko, dinadama ang naka paligid sa'kin.

Isa
Dalawa
Tatlo

Dinilat ko ang mata ko.

Ito ang kakayahan ko.

Nagagawa kong makita ang nararamdaman ng sino man, nakikita ko ang iba't-ibang kulay ng nararamdaman ng isang indibidwal.

For short I can see feelings. Matagal ko ng alam na may ganito akong kakayahan. Sa bawat pagtitig ko sa salamin nakikita ko ang mga mata ko na bigla bigla nalang nagiging violet.

Inilibot ko ang buong paligid gamit ang mga mata ko, itim lang ang nakikita ko, iyon lang. Wala na akong maramdaman.

"Tulong, Marjo!" Teka. Boses iyon ni... Jamel!

Mabilis kong tinungo ang kinaroroonan ng boses. Pero wala akong nakita.

"Nakakabagot ka naman pala," narinig kong sabi ni Zaman.

Mabilis akong lumingon sa likuran ko.

Tama ako! Huli ka!

Nakita ko ang kulay pula, pula senyales na puno ng galit, kasakiman, kasamaan.

Iyan ang nararamdaman ngayon ni Zaman.

"Mabilis ka nga, pero hindi mo parin ako kaya!" Nakikita ko na siya ng malinaw! Nasa harapan ko!

Teka! Anong nangyayari? Nagbabago ang kulay ng nararamdaman nya, mula sa pula nagiging asul, lila, dilaw at kung ano ano pang kulay na ngayon ay lumilitaw na sa kaniya.

Hindi.

Isa itong ilusyon, o sadyang binabago nya ang damdamin ko. Nakakainis!

This eyes are useless. Para saan pa 'tong kakayahan na ito kung hindi ko naman magagamit?

Ito naba talaga ang nakatadhana para sa'kin? Ang tumingin nalang sa nararamdaman ng isang tao? Tinitignan lang ito hanggang sa magbago? Anong silbi ko!?

Napayuko nalang ako sa sahig, nararamdaman kong binabalot ako ng itim na hamog, pero bakit hindi ako umalis? Bakit hindi ako makatakbo? Bakit hindi ako tumakas habang may oras pa?

"I bet hindi mo pa kayang i-control ang sarili mong nararamdaman. Hindi ako ang lumalamon sa'yo, hija. Kun'di ang sarili mo lang din," natatawang hiyaw ni Zaman.

Wala narin naman akong magagawa, tuluyan na akong binalot ng hamog hanggang sa...

"N-nasaan ako?" Nakikita ko ang school, teka, elementary school?

Napahinto ako ng may marinig ako nadapa, napahinto ako saglit at tinanaw ito.

A-ako ang bata? Tama! Isa 'to sa mga alaala ko noon. Bakit buhay na buhay ito ngayon? Para akong nasa sinehan, ang pinagkaiba nga lang e, nakikita ko ngayon ang sarili ko. Ang batang version ko dati.

Lumapit ako pero tila hindi nya ako nakikita. Isang ilusyon.

"Nakikita mo ang sarili mo, hija? Kaawa awa kang tignan," boses ni Zaman na bigla bigla nalang lumilitaw sa tenga ko.

Sinubukan kong tignan ang nararamdaman ng batang ako. Itim. Gano'n ba talaga ako dati? Gano'n ba kasalimoot ang mundo para sa'kin dati?

Nakita ko kung paano ako binully ng mga taong nakapaligid sa'kin, kitang kita ko ang sarili ko dati mula sa kasalukuyan.

Inulit ko ulit ang ginawa ko sinubukan kong tignan ang dating ako pero gano'n parin ang nakikita ko, itim wala ng iba pa.

Kung gano'n, nagagawa na palang magdala ni Zaman ng isang tao papunta sa nakaraan. Napahanga nya ako sa part na 'yon.

"Gusto mo dalhin kita sa hinaharap?" Naririnig kong wika ni Zaman.

Bigla nalang akong nakaramdam ng hilo.

Ano bang nangyayari sa'kin?

Agad akong natumba sa lupa. Lupa? Malabo ang naaninag ko pero hindi iyon sapat na dahilan para hindi ako makatayo.

"Naririto tayo sa hinaharap!" bulalas ni Zaman.

Pinaglalaruan na nya ako!
Napahinto nanaman ako.

Kahit malabo naaninag ko ang napakaraming tao na ngayon ay nakahandusay na sa lupa at wala ng buhay!?

Ano ito? Si Jamel sina Zian, Jay, Ryan, Shin Lee at maging ako! Nakahandusay kaming lahat sa lupa! Anong meron?

"Sa tingin ko okay na 'yon. Curious ka na ba kung anong mangyayari?" Naiinis ako sa biglaang paglitaw ng boses ni Zaman.

Pero iyon ba talaga ang hinaharap para sa'min? Iyon na ba talaga ang naghihintay na kapalaran sa'min? Asa'n na ba kasi sila? kailangan ko silang balaan!

"Tapos na 'ko sa'yo, hija," giit pa ni Zaman na ikina-kunot noo ko.

"Teka!" sigaw ko pero huli na ang lahat nagkakagulo na ang paligid nakakahilo pagmasdan. Hindi ko na maramdaman ang sarili ko hanggang sa...

***

"Ahh!" sigaw ko sa kawalan.

Mabilis na paghingal ang pinakawalan ko, panaginip lang ang lahat?

Sandali nanaman akong nabalot ng kaba.

"Hindi!" sigaw ko ng mapagtanto na ako lang ang gising sa buong klase, maging si ma'am at lahat mukhang wala silang malay. Anong nangyayari? Ilusyon nanaman ba 'to?

Lumapit ako kay Jamel.

"Jamel!" sigaw ko.

Niyugyog ko rin sya nagbabakasakaling magising pero hindi. Alam ko na ang dapat kong gawin. Pumikit ako ng mahinahon. Mabilis akong dumilat at kitang kita ko ang kulay na nararamdaman ni Jamel.

Green?

Kapag nakakakita ako ng green sa ibang tao, para sa'kin ang green ay simbolo ng takot at kaba.

Hindi kaya si Jamel naman ang pinaglalaruan ni Zaman?

Hindi! Nasa panganib si Jamel! Hindi sya pwedeng paglaruan ni Zaman dahil si Jamel... Si Jamel ay may kakaiba ring kakayahan kagaya ko!

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now