C H A P T E R 1シ︎

5.5K 102 4
                                    

Belle's POV

Maaga akong nagising kaya naman naisipan kong tawagan si Donny. Matagal na kaming magkaibigan ni Donny, madalas kaming magbonding noon, kain at tambay sa kung saan ang lagi naming ginagawa.

Madalas kaming magkasama, pero lagi syang lutang pero hindi ko yun pinapansin, alam ko naman kasi kung ano o mas madaling sabihin kung sino yung dahilan nun.

Bumangon ako sa kama at inabot yung phone ko. Agad akong tumawag kay Donny para mang istorbo o sabihin na lang natin na gigisingin ko sya.

Nang mahawakan ko yung phone ko agad akong nagpipindot at agad na kinontak ang number nya, nakailang ring pa ito bago nya sinagot, mukha ngang natutulog pa sya.

'Pero wala akong pake'

"Oyy! Donny." Aniko ng sagutin nya ang tawag.

"Ano?" Aniya halatang bagong gising lang dahil sa boses. "Ang aga-aga ha!" Reklamo nya pa.

"Ganito kasi, I have an idea." Nakangiting aniko, dahil sa wakas matutupad na ang gusto kong mangyari.

"Ano na naman yan ha?! Huhulaan ko kalokohan yan noh?" Aniya nya na parang hindi papayag.

'Pero bahala sya, mangungulit ako!'

"Dali na!" Pamimilit ko sa kanya.

Gusto ko ng mangyari tong plano ko, alam kong hindi sya papayag pero kasi yon talaga yung gusto kong mangyari.

Matagal ko na syang gusto, pero dahil manhid sya wala syang alam tungkol sa nararamdaman ko. Ayoko din namang ipaalam sa kanya dahil sa takot na baka magbago yung tingin nya sakin.

Ayoko na magkaroon ng lamat yung pagkakaibigan namin kaya naman naisipan ko tong kalokohang toh, pero kahit alam kong mali itong pinasok ko gagawin ko pa rin. Hindi naman masama kung susubukan ko.

"Sige ano ba yon? Makikinig ako." Boses ni Donny na nasa kabilang linya ang nagpabalik sa ulirat ko.

"Ahmmm..." Hindi ko na alam sasabihin ko, biglang umurong yung dila ko.

"Ano?!" Tanong nya ulit.

'Badtrip na ata!'

"Kasi..." Aniko sa kawalan ng masasabi.

"Kasi?" Panggagaya nya sa sinabi ko.

Naduduwag man ay pinilit kong lakasan yung loob ko, minsan pa kong huminga ng malalim bago ako nagsalita ulit.

"Okay! Can you be my boyfriend?" Kabadong tanong ko sa kanya.

Nanginginig na yung kamay ko sa sobrang kaba, aaminin kong natatakot ako sa isasagot nya alam ko kasing iisipin nyang nagbibiro lang ako pero seryoso kasi talaga ako.

"Ha?! A-Adik! S-Sira ka ba? A-Ang random ha! Ano na naman bang naiisip mo?" Aniya nya, halatang nagugulahan sa sinasabi ko.

'Akala nya yata nagbibiro ako.'

"Bakit? Single ka naman? Ako rin single." Sagot ko sa kanya.

Habang kausap ko sya ay tumayo na ko sa kama at agad na nagpunta sa kitchen para magtimpla ng kape.

"So what?" Tanong nya, halatang naguguluhan sa mga pinagsasabi ko.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now