C H A P T E R 68シ

582 35 2
                                    

Naglakad ako papasok sa gate ng cemetery, binati ako nang guard pagkalapit ko don. Ngumiti na lang ako bilang pagbalik bati.

Dumaan muna ako sa puntod ni Papa, nakangiti akong naupo sa tapat ng kanyang lapida.

"Hi Pa! Sorry wala akong dala ngayon." Ani ko habang tinatanggal ang mga dahon na nagkalat dito.

"Pa, hindi po ako magtatagal dito ha." Nakangiting ani ko.

Ilang minuto pa kong nanatili roon hanggang sa mapagpasyahan kong pumunta sa puntod ni Dalia.

"I need to go Pa, see you next week. I need to visit my friend." Paalam ko rito. Bahagya ko pang nilingon ang puntod ng tatay ko bago ako tuluyang umalis.

Naglakad ako papunta sa puntod ni Dalia, medyo naligaw pa ko dahil sa tagal kong hindi nakadalaw dito. Ilang minuto pa ang itinagal ko bago ko tuluyang nahanap ang puntod nya.

"Hi Dalia!" Nakangiting ani ko.

"Sorry, ngayon lang ako nakapunta ulit dito sa puntod mo." Ani ko, naupo ako gaya ng ginawa ko sa puntod ng papa ko.

"Sana masaya ka ngayon dyan sa langit." Tinanggal ko din ang mga dahong nakakalat sa puntod nya.

"Sorry Dalia ha, kasi hindi ko natupad yung pangako ko na damayan si Donny." Sambit ko.

"Pasensya na, kung umalis ako." Ang kaninang magandang ngiti ko ay napalitan iyon ng pilit na ngiti. "Nung mga panahon kasi na nawala ka....wala akong magawa kasi ikaw lang talaga yung laman ng puso ni Donny." Ani ko, ramdam ko ang pamumuo ng mga luha ko.

"Nasasaktan ako kasi hindi ako sapat." Ani ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

"Hindi ako sapat para maka move on sya, nung panahon na yun, sa tingin ko...Hindi naman ako makakatulong kay Donny, na walang ibang makakatilong sa kanya kundi yung sarili." Malungkot na ani ko, pinunasan ko ang mga luha ko saka ako nagsalita ulit.

"Walang makakatulong kay Donny nun kundi ang sarili nya, kailangan nyang matanggap na wala ka na." Ani ko dito.

"Sorry, hindi ko nagawa yung pangako ko. Sorry for being selfish, I know that Donny needs me that time pero alam ko kasing hindi ako yung makakatulong sa kanya." Ani ko habang iniisip lahat nang nangyari noon. "Hindi rin ako buo nung mga panahon na yon, dahil nadurog ako.... dahil alam kong kahit wala ka na, ikaw pa rin yung panalo sa puso nya." Malungkot na kwento ko.

"Hayss! Bahala na Dalia!" Nahihiyang ani ko. "Kung kami, edi kami. Kung hindi, tatanggapin ko."

"Tulungan mo naman ako Dalia oh, sana magkita ulit kami. Sana magkrus ulit ang landas namin." Nakangusong ani ko.

Nang mapagod ako sa pagsasalita ay tumayo na din ako at nagpaalam kay Dalia na uuwi na.

"Thank you Dalia! Mauuna na ko." Nakangiting paalam ko rito.

Maglalakad na sana ako ng bigla kong marinig ang napakapamilyar na boses, yung boses na matagal ko ng gustong marinig ulit.

"Tink? Tink!" Ani nito, humarap ako rito.

"Belle! Ikaw nga!" Aniya at mabilis na kumilos payakap sakin.

"Nakita rin kita, miss na miss kita." Ani Donny, pinutol nya ang yakap naming dalawa.

Nang magtama ang aming mga mata ay agad kong nakita ang lungkot at sakit dito, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

"Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot." Aniya, hindi ako sumagot. "Pumunta ako sa condo mo dati pero umalis ka na raw." Malungkot na kwento nito.

'Sorry...'

Gusto kong magsorry, gusto kong magsalita pero hindi ko nagawa, masyado akong kinakain ng hiya at takot. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon na nasa harapan ko na sya.

"Belle, hinahanap-hanap kita, bakit ka ba kasi lumalayo sakin?" Malungkot na tanong nito, kita ko ang pagbasa ng mga mata nya.

"Dalia, ang bilis mo namang tuparin yung hiling ko." Pabulong na ani ko.

"Ha? Anong sabi mo?" Naguguluhang tanong nito.

"I said, ang dami mo namang sinabi." Mahinang ani ko, rinig ko naman ang mahinang tawa nya.

"Sorry na, namiss lang talaga kita." Nakangiti na ngayong aniya.

'Ako dapat yung nagsosorry!'

"Kamusta ka na?" Tanong nya sakin.

"Okay naman." Sagot ko.

"Tadhana bang magkita tayo ngayon at talagang dito pa sa puntod ni Dalia?" Nakangiting tanong nito.

"I guess oo?" Patanong na sagot ko, "Teka, ikaw kamusta ka?" Naiilang na tanong ko.

"Okay na ko Belle, tanggap ko na rin yung pagkawala ni Dalia." Nakangiting aniya. "Sa ngayon, bumabalik na ko sa dati. Yung masigla at masayahin." Kwento nya.

Tanging tango lang naman ang isinagot ko sa kanya, senyales na gusto ko pang makinig sa kwento o mga sasabihin nya.

"Sa totoo lang, ikaw na lang ang kulang." Aniya na gumulat sakin.

'Jusme! Baka mamisinterprete ko to!'

"Ha? Anong ibig mong sabihin don?" Gulat pa ring tanong ko.

"Nung umalis ka kasi Belle, I realized how important you are to me." Kwento nya ulit. "Sobra akong nalungkot nung nawala ka sa tabi ko, umabot pa sa part na ginagawa ko ng tambayan yung bar." Aniya, tila nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko.

"Namiss din naman kita Donny." Ani ko. "Tiniis ko yung mga panahon na yun, na hindi ka pansinin, na hindi ka kontakin at puntahan kahit na gustong gusto ko pinili kong lumayo at pigilan yung sarili ko." Pilit na ngiti lang ang nagawa ko. "Kasi gusto kong makapag move on ka muna, look at you now mukhang effective naman kasi okay ka na ngayon."

Binalot kami ng katahimikan bago sya muling nagsalita, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, Masaya ako dahil nandito sya nasa harapan ko.

"Belle, pwede bang wag nang mauulit to?" Tanong nya sakin.

"Mauulit ang alin?" Takang tanong ko.

"Yung iiwan mo ko, yung magkakahiwalay tayo sa isa't isa." Tanong nya, halata ang pag asa nito sakin.

"Oo na, hindi na. Promise!" Ani ko, bahagya ko pang iniabot sa kanya yung hinliliit ko.

Senyales na nangangako ako na hindi na ulit ako lalayo, na hindi ko na sya ulit iiwan.

"Mabuti naman kung ganon." Aniya, inabot ang hinliliit ko bilang pagtanggap sa pangako ko.

Hindi ko sigurado kung kaya ko bang gawin ang pangakong yon pero alam ko namang matutupad ko yon dahil ayoko na ulit na malayo sa kanya.

To be continue.....

(A/N:Hello guys! How's your first day on school? Me, sa first day ko nakakastress na! Binigyan kami ng topic and we need to make a report so medyo stressful talaga sya so please pakihabaan po ang pasensya sa paghihintay ng update yon lang thankyouu and have a peaceful night!)

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now