C H A P T E R 39シ

613 25 2
                                    

Belle's POV

Nagising ako ng wala ng katabi, umaga na rin ng magising ako kaya bumangon na ko dahil may pasok pa kami.

Pero dahil sa banta sa buhay ko at sa mga kapatid ko parang ayoko ng pumasok sa school, pakiramdam ko kasi nandon yung taong gustong pumatay samin.

Pilit kong kinalimutan yun pero may mga oras na bigla syang papasok sa isip ko at hindi na mawala. Nag aayos ako ng gamit ko.

Maliligo na din ako para paglumabas ako kakain na lang, nang matapos ako sa pagligo ay agad akong bumaba para makakain ng agahan.

Nakita ko si Manong na nagluluto kaya naman bigla akong nakaramdam ng hiya, dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya.

"Manong, ako na po dyan." Nahihiyang Ani ko.

"Hindi na iha, maupo ka na dyan o di kaya tawagin mo na lang ang kapatid mo." Aniya.

Napakamot na lang ako sa batok at sinunod ang utos nya, naglakad ako papunta sa kwarto ni Azri. Pinihit ko ang sintidura.

Bumungad sakin ang madilim na kwarto ni Azri, tulog pa ata sya dahil patay na patay pa ang mga ilaw. Dahan dahan akong lumapit sa switch ng ilaw at gulat ako ng bumungad sakin ang isang lalaking naka itim na bonet.

"A-Anong gagawin nyo sa kapatid ko?!" Ani ko.

'Shit!'

Hindi ito sumagot bagaman naglakad ito palapit sakin para sumugod ng sapak, sa takot kong matamaan nun ay agad akong yumuko para makaiwas.

Sa pangalawang sugod nya ay pagsipa naman ang ginawa nya, nakailag naman ako ulit at ng makakita ako ng pagkakataon ay pinukpok ko sa ulo nya yung vase na nakalagay sa side table.

Bumagsak sya dahilan para gumawa iyon ng malakas na ingay, nakita ko si Azri na nagmamadaling lumapit sakin, napaiyak na lang ako ng yakapin nya ko.

"Shit! Noona are you hurt." Nag aalalang ani Azri.

Wala na kong nagawa kundi ang yakapin sya ng mahigpit, pinilit kong punasan ang mga luha ko.

"Are you okay? Sinaktan ka ba nyan?" Nag aalalang tanong ko.

"I'm okay Noona, hindi mo na dapat ginawa yun baka ikaw yung masaktan." Seryusong aniya.

Nagtawag ako police at ibinigay ang taong nanloob sa amin, binigay ko lahat ng statement na kailangan nila para makasuhan ang gunggong na toh.

Na late na rin kami ng pasok sa klase kaya paniguradong makakagalitan ako ni Kuya Aldean. Kasalukuyan akong nasa tapat ng room namin.

"You're late!" Malakas na ani Sir.

"P-Pasensya na po, na traffic lang." Pagpapalusot ko.

"Go to your seat." Aniya.

Hindi na ko nagsayang pa ng oras mabilis akong naglakad palapit sa upuan ko. Nagsimula ang klase pero naging lutang lang ako.

Hindi mawala sa isip ko yung nangyari kanina kaya nagkakaganito ako ngayon. Hindi ko lubos maisip na kaya nila kaming pasukin ng ganon ganon na lang.

Natapos ang klase namin kay Sir Aldean pero nagtaka kami ng hindi sya umalis sa pwesto nya second subject na kaya dapat wala na sya dito.

"Walang kayong klase sa mga susunod na subject kaya nandito ako para bantayan kayo." Ani sir.

Nagkanya kanya ang buong klase, wala naman akong nagawa kundi tignan ang cellphone ko sa pagbabakasakaling nagtext na sila Mom and Dad.

"Belle!" Tawag sakin ni Sir.

"S-Sir?" Ani ko.

"Can we talk?" Tanong nya na nakapagpakaba sakin.

'Yan din sinabi mo noon, pero ng dahil don nalaman mong di mo ko kapatid. Psh!'

"Opo sir." Sagot ko.

Tumayo ako at lumapit sa kanya, lumabas sya sa room kaya naman sumunod ako sa kanya, pumwesto kami sa bench na malapit sa room.

"What's wrong?" Tanong nya na nakapagpataka sakin.

"S-Sir?" Takang tanong ko.

"Alam kong hindi traffic ang dahilan kung bakit ka late!" Inis na aniya.

Umiwas ako ng tingin, nagsisimula ng mag init ang mga mata ko. Hindi ako makasagot sa kanya sa takot na malaman nyang may nagbabanta sa buhay namin.

"Belle! Answer my question!" Galit ng aniya.

Naglakad ako papasok sa room at ng hindi ko na mapigilan ang luha ko kusa na itong tumulo, agad na nagtinginan ang mga kaklase ko sakin.

"Belinda!" Tawag sakin ni Kuya Aldean na nakasunod na pala sakin.

Humarap ako sa kanya at umiling para sana sabihin na wag dito, pero wala akong nakita kundi ang pag aalala nya. Nakita ko kung paanong lumamlam ang kanyang mga mata.

Mabilis syang naglakad palapit sakin, ngumiti sya para ipakita na hindi na sya galit sakin, ramdam ko ang pagtulo ng luha ko.

Niyakap nya ko, ramdam ko ang panghihina at panginginig ng mga tuhod ko, sinalo ni Kuya Aldean lahat ng bigat ko.

"Shh, Kuya is here." Aniya dahilan para humigpit ang yakap ko sa kanya.

Rinig ko ang bawat bulungan ng mga kaklase ko pero hindi ko na iyon pinansin pa, maging si kuya ay hindi pinapansin ang mga kaklase ko.

"May something ba sila ni Sir?"

"Omg! Gusto ko din non!"

"Ang gwapo pa naman ni Sir!"

"Nakakainggit si Belle huhu, lahat ng pogi nagkakagusto sa kanya."

Rinig kong bulungan nila, rinig ko ang mahinang pagtawa ni Kuya Aldean alam ko na dahil yun sa mga sinabi ng mga kaklase ko.

Hindi na ko magtataka kung kakalat yan sa buong campus pero sa takot ko na makaabot to kay Donny ay kusa din akong humiwalay kay Kuya este Sir pala.

"Pwede mo na bang sabihin sakin kung ano talaga nangyari?" Tanong nya.

"Pwede bang mamaya na lang natin pag usapan?" Tanong ko.

Rinig ko ang pagbuntong hininga nya, alam kong gusto nya na talagang malaman kung anong nangyari samin kanina.

Gusto ko na din sabihin sa kanya pero alam kong hindi ito ang tamang oras para don, natatakot ako para samin, hindi ko alam kung kelan kami susugurin ng mga taong gustong pumatay samin.

Hindi pwedeng ako lang ang nakakaalam, pero ngayon gusto kong magbakasakali na meron syang alam.

"May gusto lang akong malaman." Ani ko.

"What is it?" Tanong nya.

"M-May kilala ka bang L-Leonardo?" Kabadong tanong ko.

Nakita ko syang matigilan kahit hindi sya sumagot ramdam kong may alam sya. Napabuntong hiningan na lang ako.

"Silent means yes." Sagot ko.

"May ginawa ba sya sa inyo?" Tarantang tanong nya.

'OA mo Kuya!'

Hindi ako sumagot, nakita ko syang tumayo at may tinawagan sa phone, sa hindi ko maintindihan na dahilan ay bigla akong nakaramdam ng kaba.

To be continue...

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now