C H A P T E R 64シ

561 30 1
                                    

Dalawang linggo pa ang itinagal ko sa hospital at ngayon ang araw na hinihintay ko. Ngayon kasi ang labas ko sa hospital na to, pwede na daw akong umuwi sabi ng doctor.

Sobrang nabobored na ko dito kaya naman excited ako na lumabas. Pero kasabay nun ay ang lungkot dahil aalis na ko sa puder ng kinikilala kong pamilya.

Gusto ko ng magpaalam at sabihin sa kanila ang plano ko, wala na kong planong sirain ang buhay at pamilya nila kaya ako na lang ang lalayo.

Alam kong kabastusan iyon para sa kanila dahil matapos nila kong alagaan, pakainin, pag aralin at ituring na meyembro ng pamilya nila ay basta basta ko na lang silang iiwan.

Sa mahigit dalawang linggo ko dito sa hospital ay wala akong ibang nararamdaman kundi ang pagmamahal nila saken.

Nakokonsensya ko, hindi dahil sa iiwan ko sila, nakokonsensya ako dahil sa ginawa ng tatay ko sa pamilya nila. Hindi nila deserve ang bagay na iyon dahil napakabuti nilang tao.

Pero alam kong may dahilan ang totoo kong tatay kung bakit nya nagawa ang lahat ng iyon.

Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng lahat ng desisyon ko sa buhay ay dito ako nasasaktan, dahil ba malalayo na naman ako sa kanila? O dahil ayoko naman talagang umalis.

'Pero masisira ko na naman sila kung hindi ako aalis.'

"Belle anak, are you okay?" Tanong ni Mommy.

"O-Opo." Sagot ko.

Ang totoo ay hindi ko alam kung may karapatan pa ba kong tawagin syang mommy, oo anak nya ko pero hindi ko ma-iaalis sa isip ko na hindi nya ko karapat dapat na ituring na anak.

Biktima lang sya ng rape kaya ako nabuo, masakit malaman ang katotohanang iyon pero wala naman akong magagawa dahil nangyari na ang lahat.

Maski si Daddy ay hindi ko na matawag na Daddy, nahihiya ako sa kanya dahil sa mga nagawa sa kanya ng tatay ko.

"Let's go." Aya ni Dad.

"Ako na po magbubuhat nito." Presinta ko pero mabilis iyong inagaw ni Dad.

"Hindi ka pa pwedeng magbuhat ng mabibigat kaya si Daddy na lang okay." Nakangiting aniya.

Dahan dahan kong binitawan ang hawak ko na kinukuha nya, ibinigay ko na lang iyon sa kanya, ngumiti ako pero alam kong nahalata nyang pilit lang iyon.

Ramdam kong nag aalala sakin si Dad, at alam kong nagtataka na sya sa mga ikinikilos ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang nasasaktan ako dahil nakikita ko ang lungkot sa mga mata nya sa tuwing magtatama ang paningin namin.

Nakarating kami sa parking lot, mabilis namang ipinasok ni Kuya Aldean at Azri yung mga gamit ko sa kotse.

Pinapasok na nila ko sa loob ng kotse, wala naman akong nagawa dahil hawak hawak ni mommy ang palapulsuhan ko.

Napapagitnaan ako ni Mom at Kuya Aldean, hindi ko alam kung saan ang punta namin dahil hindi pamilyar sakin ang daan na tinatahak namin kaya naman nagtanong ako kay Kuya Aldean.

"S-Saan tayo pupunta kuya?" Bulong na tanong ko sa kanya.

"Uuwi." Tipid na sagot nya.

'Uuwi? Saan?!'

"Saan tayo uuwi? Hindi naman to yung daan papunta sa probinsya at sa condo ko!" Inis na bulong ko sa kanya.

"Doon tayo sa bahay ko uuwi." Aniya.

'Doon tayo sa bahay ko uuwi.'

Doon tayo sa bahay ko uuwi.'

'Doon tayo sa bahay ko uuwi.'

"M-May bahay ka dito?" Gulat na tanong ko, tumango lang naman ito bilang sagot. "Bakit hindi ko alam?!" Aniko. Medyo napalakas pa ang boses ko dahilan para tanungin kami ni Mommy.

"Aldean, inaaway mo ba ang kapatid mo?!" Paninita ni Mom kay Kuya.

'Hala gagi hindi po!'

"No, sya nga tong naninigaw eh. Nababaliw na ho ata yang si Belle o sadyang miss nya lang kapogian ko." Sagot nya kay Mom.

'Ulol, di ka kaya pogi!'

"Ew! Di ka kaya pogi." Pang aasar ko. Rinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Mom and Dad. Si Azri naman ay pangiti ngiti lang.

"Ako? Hindi pogi?! Magpatingin ka na ng mata mo. Ang pogi pogi ko nga eh." Pagmamayabang nya pa.

"Oo nga eh, pogi mo sa sobrang kapogian mo mukha ka ng pogita!" Nakangising ani ko.

Nawala ang nagmamayabang na ngiti nya dahil sa sinabi ko, mas lalo lang iyon nawala ng magtawanan ng malakas ang parents namin pati si Azri.

Ngingisi ngisi akong tumitig sa kanya, habang ang parents namin ay nagpipigil pa rin ng tawa dahil baka magalit na si Kuya Aldean.

"Hindi ko ibibigay sayo yung allowance mo." Banta ni Kuya Aldean saken.

"Then don't! Pwede naman akong humingi kay Azri." Nakangisi pa ring aniko.

"Azri!" Sita nito sa bunso naming kapatid ng marinig nyang tumawa ito.

"What? Noona was right, you look like an octopus." Sagot ni Azri dahilan para matawa na naman kami.

Lumipas pa ang ilang minutong byahe ay huminto kami sa isang gate, kinausap ni Dad ang guard don para buksan ang gate at doon ko lang nalaman na isa pa lang subdivision itong pinasukan namin.

Hindi ko maiwasan na hindi mamangha sa lugar, napakaganda ng paligid dahil sa dami ng mga bulaklak. Napangiti ako ng makita kung gaano kaganda ang lugar.

"We're here!" Ani Dad.

Inalalayan ako ni Mom sa pagbaba sa kotse, nang makababa ako ay doon ko lang tuluyang nakita ang bahay ni Kuya Aldean.

'Napakalaki!'

"Sayo talaga tong bahay? Sure ka?" Tanong ko kay Kuya Aldean.

"Yes, binigay nila Mom and Dad." Sagot nya, inakbayan pa ko.

'Mamaya sasakalin na ko nito gamit yung braso nya.'

"Ang g-ganda!" Aniko.

"Dito na tayo titira lahat." Aniya.

"Huh? Pati sila?" Aniko sabay turo kila Mom.

"Yes." Maikling sagot nya.

"Paano na yung bahay sa probinsya?" Tanong ko sa kanya.

"Dadalaw na lang daw sila don kapag hindi masyadong busy." Aniya.

"Ahh, I'm sure magiging maingay at masaya ang bahay na to dahil kompleto kayo." Ani ko.

"Tayo, kompleto tayo. Alam ko ang plano mo, aalis ka diba." Aniya na gumulat sakin.

'Paano nya nalaman yon!?'

"P-Pano mo nalaman yon?" Tanong ko.

"Nakita ko sa phone mo, kinalkal ko yung phone mo kahapon habang tulog ka. Walang password yung notes mo kaya nabasa ko lahat." Aniya na gumulat saken.

"Pakelamero ka!" Inis na aniko.

"Magseselpon ka tapos di ka marunong maglagay ng password." Aniya.

"Sorry naman, wala namang importanteng nakatago sa selpon ko di kagaya ng selpon mong maraming porn kaya may password!" Aniko dahilan para panlakihan nya ko ng mata.

"What the fuck! Belle!" Sigaw nya kaya naman ngumiti ako.

"Sorry na! Peaceee!!" Ani ko at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng bahay.

To be continue...

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now