C H A P T E R 9シ︎

799 26 1
                                    

Donny's POV

Nakakamatay na katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa ni Dalia, wala akong ibang ginawa kundi ang umiwas ng tingin sa kanya.

Hindi ko kayang tagalan ang mga titig nya kaya umiiwas na lang ako, alam kong nag aalala sya sakin at sa nararamdaman ko.

Nag isip ako ng bagay na pwede naming pag usapan dahil hindi ko na kayang tagalan ang pananahimik sa isang tabi habang sya titig na titig pa rin sakin.

"Kumain ka na ba?" Naiilang na tanong ko.

"Yes! Tapos na, sinamahan ako ni mommy kanina. Ikaw ba?" Tanong nya.

"Busog pa ko, mamaya na lang siguro." Sagot ko sabay ngiti, alam kong nahalata nyang pilit lang yon.

"Hindi ka pa rin nagbabago Donny noh? Ganyan na ganyan ka dati kapag may problema ka, sasabihin mong busog ka kahit hindi naman." Mahabang aniya. Natawa naman ako.

"HAHAHA, kilalang kilala mo talaga ko, pero wag ka mag alala. Di pa ko gutom, promise." Paniniguro ko, at siniguro kong hindi na magiging pilit ang ngiti ko.

"Uminom ka na ba ng gamot mo?" Tanong ko ng maalala na baka hindi pa sya nakainom ng gamot.

"Tapos na rin." Nakangiting sagot nya.

"Mabuti naman." Sagot ko.

"Alam mo Donny, sobrang saya ko at nandito ka sa tabi ko ngayon." Aniya na nakapagpangiti sakin. "Di mo ko iniwan kahit nakipaghiwalay ako sayo dati." Sinserong aniya.

'Hindi kita kayang iwan Dalia.'

"Alam mo naman na mahal na mahal kita diba?" Tanging pagtango lang ang naging sagot nya sakin kaya naman nagsalita ako ulit. "Gagawin ko lahat para sayo, kaya kalimutan na muna natin ang nakaraan." Aniko habang nakatingin lang sa kamay nya.

"Thank you Donny! Kaya sinusulit ko tong panahon na nagkakasama pa tayo eh." Nakangiting aniya, pero ang mga mata nya ay malungkot.

Naguluhan ako sa huling sinabi nya, hindi ko maintindihan pero biglang sumilab ang kaba sa dibdib ko ng marinig ko ang sinabi nya.

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo?" Takang tanong ko.

"Wala, basta ipangako mo ha na magiging masaya ka palagi at tandaan mo na mahal na mahal kita Donny." Aniya, ngumiti ako.

Totoong masaya akong marinig ulit na mahal na mahal nya ko, pero kahit ganon hindi pa rin nawawala ang kabang idinulot nung sinabi nya kanina.

"Mahal na mahal din kita Dalia." Ani ko pinilit kong kalimutan yung sinabi nya. "Ay may naisip ako." Dugtong ko.

"Ano? HAHAHA!" Aniya excited malaman kung anong pumasok sa isip ko.

"Saglit lang babalik ako." Paalam ko at nag nod naman sya bilang pagsagot.

Agad akong bumaba sa ground floor at lumabas ng hospital, lumapit ako sa lalaking naka pwesto sa gilid lang ng pinto ng hospital.

Bumili ako ng tinda nya, agad kong dinampot yung snake and ladder na laruan napangiti pa ko ng mahawakan ko yun, agad kong iniabot yung bayad sa lalaking nagtitinda at naglakad papasok sa loob ng hospital.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now