C H A P T E R 28シ︎

658 28 1
                                    

Belle's POV

Lumipas ang mahigit isang linggo, patuloy pa rin ako sa pagtatago kay Donny. Hindi ko alam kung hanggang kelan ko gagawin to.

Hindi ko alam kung kelan ako magiging ready na harapan at kausapin sya. Gusto ko na syang makasama.

Pero hindi ko magawang lumapit at magpakita sa kanya dahil pakiramdam ko masasaktan na naman ako.

Maaga akong nagising dahil plano ko na mag enroll ngayong araw, isasabay ko na din si Azri dahil nagpadesisyonan kong don na lang din sya pag aralin sa school kung saan ako mag aaral.

Hindi ko kasi sya mababantayan kung magkaiba kami ng school na papasukan. Hindi ko makikita yung mga kalokohan nya kung magkaiba kami ng school.

Mabilis akong tumayo at naglakad papuntang kitchen, maaga pa naman kaya magluluto muna ko. Tinignan ko kung gising na ba si Azri pero mukhang tulog pa.

Naka lock pa ang pinto nito ng subukan kong silipin o buksan yon, hindi muna ko kumatok dahil paniguradong napagod sya.

Nagluto ako ng fried rice, hotdog at chicken tucino. Hindi naman ako kumakain ng kanin tuwing umaga, nagluto lang ako ng fried rice para sa dalawa kong kasama.

Hindi nagtagal natapos din ako sa pagluluto, inayos ko yon sa table, naglagay na din ako ng mga plato, baso, kutsara, at tinidor.

Nang matapos ako sa paghahanda ng umagahan ay lumabas ako ng kitchen at dumiretso sa kwartong tinutuluyan ni Azriel.

"Azri? Gising na, may pupuntahan pa tayo." Ani ko sabay katok sa pinto nya.

Narinig ko pa ang mahinang pagsagot nya, bumalik din agad ako sa kitchen. Hindi rin nagtagal ay lumabas na ng kwarto si Azriel.

"Good morning Ate Belle." Aniya ng makapasok sa kitchen.

"Morning, pakigising na si Mang Canor para makakain na tayo." Utos ko kay Azri.

Hindi naman sya sumagot, lumabas sya ng kitchen at bumalik din na kasama na si Mang Canor. Ngumiti ako ng makitang nakatingin sila sakin.

"Good morning Mang Canor." Bati ko kay Mang Canor.

"Magandang umaga Belle." Nakangiting bati din nya sakin.

"Upo na po kayo, kain na tayo." Aya ko sa kanila.

Naupo naman silang dalawa, tahimik naming sinimulan ang pagkain, naging maingay lang ito ng magsimulang magtanong si Mang Canor tungkol sa pupuntahan namin.

"Nga pala Belle iha, saan ba ang lakad nyong magkapatid?" Tanong ni Mang Canor habang kumakain.

"Ahh, sa school po." Nakangiting sagot ko.

"S-School? Bakit kasama pa ko? Kaya mo na yan ate ang tanda tanda mo na." Ani ng kapatid kong tukmol.

"Siraulo ka ba? Mag eenroll tayo kaya kita isasama." Inis na ani ko kasabay ng pagbatok ko sa kanya.

"Aray! Ang sakit!" Mangiyak ngiyak na aniya.

Sinamaan ko sya ng tingin, lumingon din ako kay Manong Canor ng marinig ko syang humagikhik. Napailing na lang ako.

"Mukhang magsisimula ka ng magsisi sa pagsama mo sa ate mo iho." Natatawang ani Mang Canor.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now