C H A P T E R 23シ︎

722 43 2
                                    

Gift

Donny's POV

Matagal tagal na rin, but it still hurt. Masakit pa rin. Hindi ko pa rin sya makalimutan. Hanggang ngayon sya pa rin ang naiisip ko.

May mga oras na naiisip ko si Belle, at dumadagdag lang yun sa pangungulila ko. Miss na miss ko na silang dalawa.

Pero sa pagkakataon na to, mas nangingibabaw ang pagkamiss ko kay Belle, I miss her badly. Hindi ko alam kung paano syang kakausapin.

Alam kong lalayo lang sya sakin, yon ang sinabi nya bago kami magkahiwalay. Tama sya, tama ang pamilya ko.

Unti unti ko ng narerealize yung halaga ni Belle sa buhay ko, tama sya masyado kong binulag yung sarili ko dahil sa pagmamahal ko kay Dalia.

Hindi ko alam na masyado na kong nabulag ng pagmamahal at nakalimutan ko na yung mga taong nandyan at nagmamahal sakin.

Ngayon nagsisimula na kong magsisi dahil sa katangahan ko, akala ko magiging okay kapag pinili ko ang babaeng mahal ko.

Pero nagkamali ako dahil, wala na sya. Iniwan na nya ko, pero nawala din sakin yung ibang importante sa buhay ko at isa na don si Belle.

Si Belle na nandyan lagi sa tabi ko, si Belle na handang ibigay at gawin ang lahat para lang mapasaya ako. Si Belle na handang mag advice.

'I want to see her'

I really miss Belle, but I don't know where she is. Ang alam kong kapag nakita nya ko hindi nya rin ako papansinin.

Pero i'm willing to do everything just to be with her again. I will do everything, mabalik lang kami sa dati, yung dating kami.

Bumalik ako sa reyalidad ng marinig kong mag ring ang phone ko, kinuha ko naman yon sa pagbabakasaling si Belle na yung tumatawag.

~Kenzo's Calling...

Bumagsak ang balikat ko ng makitang iba ang tumatawag sakin, hinayaan ko lang mag ring yon, naglakad ako palabas ng kwarto ko.

Hinihintay na nila ko, kaya naman nagpaalam ako kay Mom na aalis muna. Birthday kasi ng tropa naming si Zairo, kailangang buo kaming magtotropa lalo na kapag ganitong may birthday.

Matapos magpaalam kay Mom ay agad din akong lumabas at sumakay sa kotse ko, agad akong nagdrive papunta sa mall kung saan kami magkikita kita.

Napagkasunduan kasi namin na sabay sabay kaming bibili ng regalo para kay Zairo. Ilang minuto lang ang itinagal ng byahe.

Nang makarating ako sa mall agad kong ipinark yung kotse ko, tinignan ko kung kompleto na yung mga kotse na nakapark dito.

Wala naman akong nakitang kulang kaya dumiretso na ko sa entrance, hindi naman ako naghanap sa kung saan dahil pagpasok ko sa loob nandon silang lahat at halatang ako na lang ang hinihintay.

"Ano sinagot na ba ni Donny yung tawag mo?"

"Hindi nga eh."

"Tawagan mo ulit bilis."

"Kanina ko pa tinatawagan!"

"Tawagan mo pa ulit."

"Pakyu ka! Ikaw na kaya tumawag no."

Mula sa entrance rinig na rinig ko ang bangayan ng mga tropa ko, halatang naiinip na nga sila. Lumapit ako sa kanila dahilan para magulat silang lahat.

"Tara na." Ani ko, muntik pa kong mapahalakhak ng makitang halos mapaigtad sila sa gulat.

"Tang'na pre!" Ani Kade kaya naman hindi ko na napigilan yung tawa ko.

"Bakit ka nang gugulat!?" Inis na ani Drake.

"Tss! Tara na. May pupuntahan pa ko." Ani ko at nauna ng maglakad.

Sumunod naman sila sakin, ang totoo hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Hindi ko pa din alam kung ano ang ireregalo ko kay Zairo.

Naghiwa-hiwalay kaming mag totropa, pumasok ako sa isang shop na puro sapatos ang tinitinda. Tumingin tingin ako don ng pwede kong iregalo kay Zairo.

Pero ni isa don wala akong nagustuhan, kaya naman lumipat ako ng ibang shop. Pumasok naman ako sa mga nagtitinda ng damit.

Don ako sa mga branded ng burberry na damit, iba't ibang kulay ang sumalubong sakin ng makalapit ako don. Dahilan para mahirapan na naman ako sa pagpili.

Alam kong mahihirapan lang ako sa pagpili ng damit kaya naman isa na lang ang naiisip kong pwede kong pagpilian.

Pumunta ako sa isang jewelry shop, hindi naman ako masyadong nahirapan, madaming pagpipilian pero may isang kumuha sa atensyon ko.

Isang syang relo, pero kung titignan mo sa malayuan para lang syang bracelet. Hindi na ko nagdalawang isip na bilhin yon.

Nang matapos akong magbayad, maglalakad na sana ako palabas ng may makita akong kwentas na simple lang pero lumilitaw ang ganda non.

Napangiti ako ng maalala kung sino ang pwede kong pagbigyan nun, agad akong lumapit don, inasists ako nung babaeng umasikaso din sakin kanina.

"Sir bibilhin nyo po ba?" Tanong nya sakin.

"Yes." Sagot ko.

Kinuha nya yon sa loob ng malaking lalagyan na gawa sa salamin, nang ibabalot na nya ito ay nagtaka ako dahil isa lang ang binibili ko pero dalawang box ang nakita kong binabalot nya.

"Miss, isa lang yung bibilhin ko." Ani ko sa babae, ngumiti muna ito bago nagsalita.

"Sir couple necklace po kasi ito."

"Ow? Okay how much?"

"17,471 pesos po lahat sir."

Kumuha ako sa wallet ko at mabilis na binayaran yon, nakangiti akong lumabas ng shop at naglakad papunta sa restaurant na kakainan ng buong tropa.

Nang makarating ako don hindi na nawala pa ang ngiti sa labi ko. Excited na kong maibigay sa kanya to. Hindi ko man alam kung paano ko sa kanya maibibigay to, pero naeexcite pa din ako.

Konti pa lang kami, wala pa yung iba naming mga kaibigan, nahirapan din siguro silang pumili ng pwedeng iregalo kay Zairo.

"Grabe yung mga ngiti natin dre ah." Pamumuna sakin ni Gio.

"Oo nga eh, ngiti ng nakakita ng chix" Dagdag pang aasar ni Reagan.

"Mga gag* wag nyo kong igaya sa inyo." Ani ko.

"Wushooo!" Ani nilang lahat sabay sabay pa.

Naging dahilan yon para pagtinginan kami ng mga tao sa loob ng restaurant, napailing na lang ako sa kahihiyang ginagawa nila.

"Umorder na ba kayo?" Tanong ko.

"Oo, kanina pa nga eh nagugutom na nga kami." Ani Kenzo.

Hindi nagtagal dumating din ang iba naming mga kasama kasabay ng pagdating ng pagkaing kanina pa daw nila inorder.

Napuno ng kwentuhan at tawanan ang araw na yon, bahagya kong nakalimutan ang mga problema ko. Iisa lang ang hindi nawala sa isip ko.

(A/N:Happy 2nd Anniversary Donbelle and to all the bubblies who read and supporting my story, lovelots keepsafe y'all)

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now