C H A P T E R 62シ

526 24 9
                                    

PAPA

Walang gumagalaw samin, nanatiling tahimik ang lugar hanggang sa magsalita ang totoo kong tatay, hindi nya man sabihin nakikita at nararamdaman ko ang sakit at galit na nararamdaman nya.

"My son died because of you Augustine, you are there when my son needs a help. Bakit hindi mo sya tinulungan?!" Galit na tanong nya.

Wala akong alam tungkol sa sinasabi nya, naguguluhan ako dahil wala akong alam sa mga nangyari sa kanila noon.

Pero bigla akong nakaramdam ng sakit dahil bigla nyang iniba ang usapan.

'Wala ba syang pakialam sakin?'

'Hindi ba sya masayang malaman na ako ay anak nya din?'

"I want to save your son Leonardo, believe me or not I tried but I couldn't make it." Malungkot na sagot ni Daddy.

"Pero nandon ka sa lugar kung saan binawian ng buhay ang anak ko!" Sigaw nya.

"Yes I was there, but I came too late that's why I couldn't save your son!" Sagot ni Dad.

Ramdam ko ang panghihina ng totoo kong ama dahil sa mga nalaman nya, hindi ko alam kung bakit sa kabila ng galit ko sa kanya ay nakakaramdam pa rin ako ng awa.

"I-Is this the reason why you want to kill me?" Tanong ko kasabay ng pag agos ng luha ko.

"Kinuha ng Daddy mo ang lahat ng meron ako! Nung una yung Mommy mo, pangalawa ang asawa't anak ko and now ikaw na anak ko din na sa kanya na naman! Lahat na lang napunta sa kanya!!" Galit at umiiyak na sigaw nya.

"Yon lang ba?" Tanong ko.

"Anong yon lang?! Ha?! Yon lang yon sayo?! Nawala ang lahat na dapat saken ng dahil sa Daddy mo!" Sigaw nya, itinutok nya sakin ang baril.

"Wag please Leonardo, maawa ka." Ani Mommy.

Tinignan ko sya, tanging iling lang ang ginagawa nito habang nakatingin sakin, na para bang sinasabing wag ko ng ituloy ang binabalak ko, ngumiti lang ako sa kanya habang ang mga luha ko'y walang tigil sa pagtulo.

Tinignan ko din si Daddy, ramdam ko din ang pagtutol nito pero wala syang magawa, nginitian ko na lang din sya.

"S-Sige na, gawin mo na ang gusto mo. P-Patayin mo na ko P-Papa." Ani ko.

Rinig ko ang pagputok ng baril at kasabay nito ay ang pagsigaw ni Mommy sa pangalan ng tatay ko, hinihintay ko ang pagtama ng baril sa katawan ko ngunit wala akong maramdaman.

Kaya naman iminulat ko ang mga mata ko at gulat na makitang nakahandusay ang tatay ko sa sahig habang naliligo sa sarili nyang dugo.

Agad akong lumapit sa kanya at doon umiyak ng umiyak, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pumasok ang mga pulis at doon ko lang na realize na isa sa mga pulis ang bumaril sa tatay ko.

"P-Papa, lumaban ka p-please." Iyak ko habang nakayakap dito.

"B-Belinda a-anak..." Tawag nito saken dahilan para lalo akong maiyak.

'P-Papa....'

"Mahal na m-mahal ka ni P-Papa... Hindi man ako n-naging m-mabuting ama s-sayo anak." Aniya hirap na hirap.

"Wag ka ng magsalita please, isusugod ka namin sa hospital." Umiiyak pa ring aniko.

"W-Wag na, i-isa lang h-hiling ko at yun ay ang m-mapatawad mo ko, paalam anak ko." Aniya kasabay ng pagpikit nya.

Tuluyan na kong napahagulgol sa pag iyak, hindi ko na mararamdaman ang pagmamahal at pag aalaga nya. Buong buhay ko wala akong hiniling kundi ang makasama ang totoo kong tatay.

Pero hindi ko inaasahan na ito na pala ang una at huling araw na makakasama ko sya, sobrang sakit. Wala na kong magawa kundi ang tanggapin na wala na sya.

Inalalayan ako ni Daddy para makatayo ako, dala ng pagod ko sa pag iyak ay tuluyan na kong nanghina at nawalan ng malay.

Aldean's POV

Kararating lang namin sa lugar kung saan dinala ang mga magulang at kapatid ko, hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanila.

Paulit ulit ako nananalangin na sana ay okay silang lahat, na hindi sila sinaktan ng taong gustong pumatay samin.

Hindi ako makapag isip ng maayos, kasama ko si Clyde ngayon at ang buong barkada nila Donny. Alam kong hindi sila okay ng kapatid ko pero sa hindi ko maintindihan na dahilan ay talagang pursigido syang mailigtas ang kapatid ko.

Doon ko lang napatunayan na mahal nya ang kapatid ko, masaya akong malaman yon pero hindi iyon ang tamang oras para don.

Pagpasok pa lang namin ay rinig na namin ang mga sigaw nila, sigaw na may halong galit. Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso ko sa mga oras na yon.

'Is it because my family is in danger?'

"Wag please Leonardo, maawa ka." Ani ng pamilyar na boses.

Mabilis akong naglakad palapit sa pinto kung na saan sila at bumungad sakin ang lalaking nakatayo na may hawak na baril.

Nakatutok na yon kay Belinda, hindi ko kayang mawala ang kapatid ko. Hindi ko man sya tunay na kadugo pero itinuring ko na din syang totoo kong kapatid.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ng kapatid ko, nalilito ako sa mga ginagawa nila. Nakangiti lang sya sa parents namin habang ang parents naman namin ay halatang hindi sang ayon sa kung ano mang binabalak nya.

Hindi nagtagal ay nagsalita si Belle at hindi ko inaasahan ang mga maririnig ko mula sa kanya.

"Sige na, gawin mo na ang gusto mo. Patayin mo na ko Papa."

'Patayin mo na ko Papa.'

'Patayin mo na ko Papa.'

Para iyong nag echo sa pandinig ko, paulit ulit. Hindi ko alam kung bakit sa hindi ko inaasahan na oras ay tumulo ang luha ko dahil sa nalaman ko.

Hindi nagtagal ay isang malakas na putok ng baril ang narinig namin, akala ko tuluyan nyang binaril si Belle pero nagkamali ako dahil sya ang nakita kong nakahiga at puno ng dugo.

Kita ko ang sakit at lungkot sa mga mata ni Belle dahil sa sinapit ng kanyang ama. I don't know what to do. All I want for now is to save my sister and our parents.

Palapit na ko sa kanila ng biglang mawalan ng malay si Belinda, agad akong lumapit sa kanila para akayin si Belinda.

Pero naunahan ako ni Donny, dahil medyo malapit ang pwesto nya kila Belle. Hindi sya kilala ng parents ko kaya ng makita nila itong binubuhat si Belle ay nakita ko ang takot sa mga mata nila.

To be continue...

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now