C H A P T E R 21シ︎

693 40 1
                                    

Kasalukuyan akong nasa kwarto, katatapos lang naming mag dinner. Hinihintay ko si kuya Aldean na umakyat dito sa kwarto ko.

Sinabihan nya na kong hintayin ko sya dito dahil marami akong dapat sabihin sa kanya. Kanina habang nag di-dinner kami wala akong ibang ginawa kundi ang sagutin ang mga tanong ng parents namin.

At mamaya yung mga tanong na naman ng tukmol kung kuya ang kailangan kong sagutin. Hindi ko alam kung ano pa ang itatanong nya sakin.

Umuwi din dito ang grandparents namin, dito sila mag sstay for one week para daw makapag bonding kami.

Habang wala pa si kuya nagpasya na kong maligo na lang muna dahil kanina pa ko nanlalagkit sa pawis hindi rin ako sanay na hindi naliligo lalo na kapag galing ako sa kung saan.

Tumayo na ko sa pagkakaupo ko sa kama, lumapit ako sa walk in closet ko para kumuha ng damit, sa cr na lang ako magbibihis.

Hindi ko na kasi ni lock yung pinto para incase na nandyan na si Kuya hindi ko na bubuksan pa yung pinto. Nang makakuha na ko ng damit pang tulog.

Agad din akong pumasok sa loob ng cr para maligo. Binuksan ko ang shower at hinayaan na umagos yun mula ulo hanggang paa. Hindi na ko masyadong nagbabad pa sa pagligo.

Nang matapos akong maligo ay may narinig na kong katok mula sa pinto ng kwarto ko, malakas na buntong hininga na lang ang pinakawalan ko.

"Belle?" ani Kuya Aldean.

"Wait lang, nagbibihis pa." Ani ko at minadali ang pagbibihis.

Nang matapos ako sa pag ayos ko sa sarili ay agad din akong lumabas, hindi ko nililingon si kuya pero alam kong nakatingin sya sakin.

Ramdam ko yon dahil sa sobrang talim, alam kong nagtataka sya sa mga kinikilos ko, gusto ko kasing iwasan yung pwesto nya pero alam kong don din ang bagsak ko.

Naupo ako sa katapat ng sofa na inuupan ng kuya kong tukmol. Malakas na buntong hininga pa ulit ang pinakawalan ko bago ko sya nilingon.

"Sino yung tumatawag sayo kanina." Agad na tanong nya.

'Sana lunokin ako ng lupa ngayon na!!'

"K-Kaibigan ko."

"Kaibigan? Bakit mo pinatayan, bakit hindi mo sinagot yung tawag?"

"Dahil kasama kita, isa pa alam ko naman na mangangamusta lang sya."

"You're not good at lying Belle, i know you co'z you're my sister."

"Co'z i'm not lying."

"So tell me, bakit ka umuwi dito?"

"W-What do m-mean?"

"Hindi ka uuwi dito ng dahil lang sa miss mo kami."

"Mahirap bang paniwalan yung rason ko?"

"Yes! Dahil ilang years kang hindi umuwi, kung totoong namimiss mo kami sana noon pa, sana noon ka pa umuwi."

"Kaya ka ba nagagalit?"

"Hindi ako galit Belle!"

"Eh bakit ka sumisigaw?!"

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now