C H A P T E R 50シ

597 50 2
                                    

Belle's POV

Nanatili akong nakatalikod sa kanya, hindi ko sya kayang harapin dahil alam kong paghumarap ako sa kanya magbabago lang ang isip ko.

"Belle...bakit mo ko iniwan?" Tanong nya.

Hindi ako sumagot, ayokong magsalita dahil ayokong dumating sa punto na masabi ko sa kanya lahat ng pinagdaanan ng pamilya ko.

"Ang sabi mo hahayaan mo kong mahanap yung sarili ko, pero bakit ka umalis?" Aniya na nakapagpalambot sa mga tuhod ko.

'Wag ngayon p-please..'

"I have to go—" aniko pero pinutol nya ang sasabihin ko.

"Please! Answer me!! Dahil ba nasaktan kita?!" Aniya don lang ako humarap sa kanya. "Dahil ba hindi ikaw yung pinili ko noon? Kaya mo ba to ginagawa kasi gusto mong bumawi o gumanti?!" Aniya kasabay ng pagtulo ng mga luha nya. "P-Please Belle...tama na, panalo ka na. Masakit na sobra." Aniya, wala akong ginawa kundi ang pigilan ang sarili kong lapitan sya.

Nang hindi ko na makayanang tignan syang umiiyak at nasasaktan ay wala na kong nagawa kundi ang talikuran sya at iwanan don sa bench.

Habang naglalakad ay patuloy din ang pagbuhos ng mga luha ko, hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko, masyado akong nasasaktan dahil sa nangyari.

Hindi ko kayang makitang nasasaktan si Donny, lalo na't ako ang dahilan. Hinang hina na ko, hindi ko na ulit kakayanin sa oras na makita ko pa syang umiyak ulit.

Bumalik ako sa wisyo ng mabunggo ako sa matigas na bagay ng lingunin ko iyon ay bumungad sakin ang kapatid kong si Azri.

Agad ko syang niyakap ng mahigpit at doon umiyak ng umiyak, wala naman syang ginawa kundi ang patahanin ako.

"Noona, please stop crying." Aniya, unti unti kong itinigil ang paghagulhol. "Yuck, kadiri Noona, yung sipon mo!" Natatawang aniya kaya naman sinamaan ko sya ng tingin.

'Gagong toh! Panira ng moment!'

Nanatili ang masama kong tingin sa kanya dahil wala pa rin syang tigil sa pagtawa, nang tuluyan na kong mainis sa kanya ay malakas na batok na ang ibinigay ko sa kanya.

"Ouch! Noona!" Angal nya pero sinunggaban ko ulit sya ng batok dahilan para umilag sya.

Biglang nag iba ang pakiramdam ko, pakiramdam ko may nakatitig samin kaya naman niyaya ko na si Azri na umalis pero ang walang hiya kong kapatid ay patuloy pa rin sa pang aasar sakin.

Nilibot ko ang paningin ko at tumama ito kay Donny na nakatayo lang sa tabi ng puno habang titig na titig samin, alam kong naguguluhan sya sa nangyayari.

Alam ko rin na nagtataka sya sa kasama ko, hindi ko kasi naipakilala sa kanya si Azri dahil hindi ko naman ito kasama noon dito.

Nabanggit ko na sa kanya noon na may Kuya at kapatid ako pero hindi ko nasabi yung mga pangalan nila dahil nga nung time na yun ay kulang kami sa oras para magbonding dahil may jowa sya at si Dalia yon.

Lumipas pa ang ilang araw na pananatili namin sa resort na toh, wala pa ring tigil si Donny sa pangungulit sakin.

Minsan gusto kong sabihin sa sarili ko na patigilin na sya dahil lalo lang syang mapapahamak kung lalapit sya sakin.

Pero hindi ko magawa dahil kahit anong klaseng pagtataboy ang gawin ko sa kanya ay hindi nya ko pinapakinggan.

Nakakapagod yung sitwasyon naming dalawa, pero sa halos araw araw na pangungulit nya sakin dumadami na rin ang tanong na nabubuo sa utak ko.

Mula sa mga sinasabi nya na hindi ko maintindihan pero may ideya ako, ayokong umasa pero sa tuwing may naririnig akong bago sa kanya bigla na lang umuusbong yung pag asang matagal ko ng pinipigilan.

"Belle? Na ready mo na ba yung mga gamit mo?" Tanong ng Kuya ko.

Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala sya dito sa kwarto, ganon na ba ko kalutang para hindi sya mapansin, napabuntong hininga na lang ako.

"Kelan ba tayo uuwi Kuya?" Tanong ko sa kanya.

"Tomorrow uuwi na tayo." Aniya kaya naman napatango na lang ako.

Tumayo na ko sa pagkakaupo sa kama, sinimulan ko ng ayusin yung mga gamit ko na nagkalat dito sa kwarto.

Habang nag aayos, ay ramdam ko ang bigat ng katawan ko, ramdam ko rin ang mga titig sakin ni Kuya Aldean. Kaya naman nilingon ko na ito.

"B-Bakit?" Tanong ko.

"Why are you doing this to yourself?" Tanong nya na nakapagpagulo sa utak ko.

"Huh? Hindi kita gets Kuya." Sagot ko.

"Pinapahirapan mo lang yung sarili mo Belle." Aniya na nakuha ko rin ang punto nya.

"I did not Kuya." Sagot ko.

"Of course you did, dahil pinili mong lumayo at saktan ang taong mahal mo." Aniya na nakapagpatigil sakin.

"Ginawa ko yun dahil ayoko syang mapahamak Kuya." Ani ko.

Nagsisimula ng bumigat ang paghinga ko, namumuo na rin ang mga luha ko. Pinili ko syang talikuran at itinuloy na lang ang ginagawa kong pag aayos ng mga gamit ko.

Hindi nagtagal ay nakita ko si Kuya Aldean na lumabas dahil may tumatawag sa kanyang phone, hindi ko naman na ito pinagkaabalahan na alimin pa kung sino iyon.

Nang matapos ako sa pag aayos ay naupo na lang ako ulit sa kama, plano ko sanang matulog pero hindi ko na nagawa pa nang biglang magring ang phone ko.

Kinuha ko iyon sa bedside table at tinignan kung sino ang nagtext don pero gulat ako ng makitang pangalan ni Donny ang nakita ko sa screen.

Ayaw mag sink in sa utak ko kung paano nyang nakuha ang number ko dahil bagong bili lang ito. Pero don ko lang din na realize na ipinansak ko nga pala ulit yung luma kong number dito sa phone ko.

Lumantad sakin lahat ng text messages nya mula pa nung una na hindi ko man lang pinagkaabalahan na basahin.

Dahil sa takot kong masaktan, hindi ko na binasa pa noon yung mga text nya, natatakot din kasi ako sa mga posible kong mabasa dito.

Simula kasi nung malaman kong si Dalia pa rin ang mahal nya ay natakot na ko sa mga sasabihin nya sakin, ayoko ng masaktan pa kaya naman pinili kong iignore yung mga messages nya. Kahit na ang totoo ay kating kati ako na basahin iyon.

To be continue....

Vote nyo ang importante sakin HAHA

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now