C H A P T E R 47シ

585 36 3
                                    

Zairo's POV

Nagising ako ng dahil sa lakas ng hangin na sumasampal sa mukha ko, nakalimutan ko yatang isara ang bintana.

Wala ako sa mood na bumangon, nang makalabas ako ay bumungad sakin ang buong tropa na kanya kanya ng kilos.

"Dre, saan ka galing?" Tanong ko kay Kenzo.

"Dyan lang sa labas." Bored na sagot nya.

"Sinong kasama mo?" Tanong ko sa kanya.

"Si B-Belle." Aniya.

'What?!'

"Ano? Bakit kayo magkasama?!" Tanong ko sa kanya.

"Aksidente lang kaming nagkita, nabangga nya ko kaya kami magkasama." Aniya.

Ilang beses kong nilingon ang mga kasamahan namin, bigla akong kinabahan ng makita ko si Donny na nagmamadaling lumabas.

Hindi ko alam kung narinig nya ba kami ni Kenzo na nag uusap, sa loob loob ko ay hinihiling ko na sana ay wala syang narinig.

Alam ko na ang mangyayari kapag nagkataon na narinig nya nga kami, alam kong magagalit sya samin ni Kenzo, pero hindi iyon ang inaalala ko.

Muling pumasok sa utak ko ang mga narinig ko kahapon, isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko masabi kay Donny ang totoo.

Alam kong sabik na sabik na syang makita si Belle pero sadyang natatakot lang ako na baka mapahamak din ito kapag nagkita na silang dalawa.

May pinagdadaanan ang pamilya nila Belle at hindi na pwedeng malaman yun ni Donny dahil baka mapahamak lang ito, isa rin siguro yun sa mga dahilan kung bakit ayaw ipaalam ni Belle na nakabalik na sya.

Madalas sabihin samin ni Donny na nakita nya si Belle, pero palagi na lang naming sinasabi na baka nagmamalik mata lang ito.

Kahit na ang totoo ay nakabalik na nga ang best friend nya, gusto kong magsabi ng totoo pero paano, paano kung mapahamak naman ang kaibigan ko.

Gusto ko silang magkitang dalawa dahil alam kong mahal na nila ang isa't isa, pero alam kong hindi ko pwedeng gawin yun lalo na't alam kong hindi safe ang buhay ng mga Mariano.

Nasa panganib ang buhay ng pamilya ni Belle at ayoko ng madamay pa si Donny don, mas mabuti ng magalit sya sakin wag lang syang malagay sa panganib.

Walang alam si Donny tungkol sa pinagdadaanan ng pamilya ni Belle, gusto ko din sabihin yon sa kanya pero hindi ko ginawa alam ko kasing lalo lang syang mag aalala kay Belle kapag sinabi ko pa yun.

Sinundan ko si Donny pero hindi ko na ito makita pa, hanggang sa naupo na lang ako sa ilalim ng puno para magpahinga.

Pinili kong tumingin sa paligid hanggang sa nagulat na lang ako ng makita si Donny sa tabing dagat habang may tinitignan.

Lumapit ako sa pwesto ni Donny at bumungad sakin ang tinitignan nya, ilang beses ko pang ipinikit at iminulat ang mga mata ko.

'Si Belle! Si Belle may kasama lalaki at kayakap pa ito.'

Nilingon ko si Donny na kasalukuyang titig na titig kila Belle, kitang kita ko sa mukha nya na nasasaktan sya. Nasasaktan syang makita yung bestfriend nya.

"H-Huli na ko." Ani Donny kasabay ng pagtulo ng mga luha nya.

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin, hindi rin ako sigurado kung sino ba yung lalaking kayakap ni Belle, halatang kararating lang nito.

Sa pagkakatanda ko dalawang beses ko na syang nakita na kasama si Belle, nung una sa school tapos ngayon na magkayakap pa sila.

Ibang lalaki naman yung nakita kong kasama ni Belle kagabi kaya hindi talaga ako sigurado kung sino sa dalawang yan ang karelasyon nya.

Pinili kong hindi muna guluhin si Donny, naglakad na lang ako pabalik sa kwartong tinutuluyan namin, nakasalubong ko pa sila Belle, pero tanging pilit na ngiti lang ang ibinigay nya sakin.

Habang nasa kwarto ako ay hindi mawala sa isip ko yung dalawang lalaking nakita kong kasama ni Belle, yung lalaki kagabi na nakita ko ring kasama ni Belle alam kong prof nila yon.

Pero maraming nagsasabi na parang may something sa kanilang dalawa, hindi ko naman matukoy kung anong klaseng something ang sinasabi ng mga schoolmates namin.

Tanghaling tapat at mainit sa labas, sumasakit na rin ang ulo ko sa kakaisip sa nangyayari kay Belle at Donny.

Gusto ko ng matulog pero ayaw akong tantanan ng mga tanong na kanina pa gumugulo sa utak ko.

'Bakit ba ko namomroblema? Hindi naman ako involve sa kanila?'

Pinilit kong matulog kahit na hindi pa talaga ako inaantok, nagising na lang ako ng may maramdaman akong naupo sa gilid ng kamang tinutulugan ko.

"Paano nyo nagawa saken to?" Aniya, bumangon ako at tinitigan sya.

"D-Donny pasensya na, hindi lang kasi talaga namin alam kung paano sasabihin sayo." Ani ko, yumuko ako dahil hindi ko sya kayang tignan.

Muling bumalik sa isipan ko lahat ng pinagdaanan ni Donny, mula nung nagpaalam si Belle na aalis sya at uuwi sa probinsya kung na saan ang magulang nya ay talagang nahirapan si Donny.

Gumuho ang mundo ni Donny ng malamang hindi na babalik pa si Belle, akala namin noon si Dalia talaga ang mahal nya, pero nung mawala si Belle sa tabi nya.

Naging miserable ang buhay ni Donny, maraming nagbago sa kanya. Madalas syang umuuwing lasing, bukambibig nya rin lagi si Belle.

Napatunayan naming nahulog na nga sya kay Belle nung makita naming sa bawat araw na dumadaan na hindi nya nakikita at nakakasama si Belle ay maraming nagbabago sa ugali nya.

Madalas na itong hindi nakikipagbiruan, palagi lang syang tahimik sa tabi. Palagi nyang ring hawak ang phone nya sa pagbabakasakaling tatawag sa kanya si Belle.

Pero hindi yun nangyari, ni minsan hindi man lang sya tinawagan ni Belle, pero kahit ganon naghintay pa rin sya. Paulit ulit syang umaasa na magkikita pa sila dahil yun daw ang ipinangako sa kanya ni Belle.

Hindi gagawin ni Donny na maghintay kung hindi nya ito mahal, isa si Donny sa pinakamainiping tao na kilala ko kaya hindi ako makapaniwala na hihintayin nya si Belle.

Lumipas pa ang ilang buwang hindi pagpaparamdam ni Belle ay talagang nagbago si Donny, naging cold sya sa lahat. Akala namin mananatili na syang ganon pero naging malambot din sya ng magkagulo ang buong tropa.

Maraming nagalit kay Donny, muntik ng magkawatak watak ang buong tropa namin, wala na kasi kaming ibang ginawa kundi ang samahan sya.

Habang sya walang ibang iniisip at ginagawa kundi ang maghintay kay Belle, palagi syang lasing. Palagi rin syang umiiyak tuwing gabi.

Ito ang unang beses na nagkaganyan si Donny ng dahil sa babae, nung nagbreak sila ni Dalia hindi naman sya naging ganito. Uminom sya pero isang beses lang.

Bumalik ako sa reyalidad ng bigla kong marinig ang pagbukas ng pinto, tinignan ko ito at nakita ko si Donny na naglakad na palabas ng kwarto.

To be continue...

Please vote!

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now