C H A P T E R 65シ

577 49 5
                                    

Inayos namin lahat ng gamit namin, hinatid ako ni Mommy sa kwarto na tutulugan ko. Gusto ko sanang tumulong sa kanila sa pag aayos ng mga gamit namin pero hindi ako pinayagan ni Mommy.

Magpahinga na lang daw ako, dahil bilin daw ng doctor na bawal daw akong mapagod. Wala naman akong nagawa kundi ang sundin sila.

Naupo ako sa kama at tinignan lang ang palibot, maganda ang kwarto na tutulugan ko. Kulay pink ang pintura ng buong kwarto.

Pati mga cabinet at kung ano ano pa sa loob ng kwarto ay pink. Hindi ko alam na kung bakit ganito ang itsura ng kwarto na to.

Halatang pambabae, wala namang anak ang Kuya ko. Hindi ko nga lang alam kung may jowa na ito. Siguro dito nya pinapatulog yung gf nya kung meron man.

Tuluyan na kong nahiga sa kama para magpahinga, matutulog na lang ako dahil wala naman akong gagawin, hindi rin nila ko papayagan na tumulong sa kanila.

Nakatingin lang ako sa kisame, hinihintay na dalawin ako ng antok, sobrang daming nangyari nitong mga nakaraang araw.

Hindi ko alam kung saan nakalibing ang tatay ko, hindi ko man lang sya nakita sa huling pagkakataon. Masakit para sakin ang makita kung paanong mawalan ng buhay ang tatay ko.

Sa huling hininga nya ay naipakita nya saken na nagsisisi sya at talagang totoo ang mga sinabi nya, na nadala lang sya ng galit.

Ilang minuto pa kong nanatiling nakatulala lang sa kisame hanggang sa tuluyan na kong dalawin ng antok.

Nagising ako sa sunod sunod na katok, ayoko pa sanang bumangon pero bumungad saken si Kuya Aldean kaya naman bumangon na ko.

"Sorry, nagising ata kita. Kakain na daw." Aniya.

Tumayo naman na ko at nagsimula ng maglakad pero pinigilan ako ni Kuya Aldean. Kaya naman taka ko syang nilingon pero nagulat ako ng makita ang malulungkot nyang mga mata.

"Are you okay, Kuya?" Nag aalalang tanong ko.

"Kapag ba sinabi kong hindi ako okay, hindi ka na aalis?" Tanong nya, napalunok na lang ako sa kawalan ng maisasagot.

"Kuya...." Aniko.

"Of course aalis ka pa rin, kaya there's no point of asking me if I'm okay." Aniya, bigla akong nakaramdam ng sakit at lungkot. "Let's go, kakain na." Aniya, bahagya nya pa akong inalalayan.

Nagsimula kaming kumain, naging tahimik kaming lahat. Pinakikiramdaman ko silang lahat kung may alam na ba sila sa plano kong pag alis.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang hirap ng umalis sa pamilyang to. Nahihirapan na kong magdesisyon.

Hindi ko alam kung kaya ko pa bang umalis dito, kahit na sa totoo lang ay hiyang hiya na ko sa pamilya nila. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para magpanggap na normal sa harap nila.

Nang matapos kaming kumain ay naglakad ako patungo sa veranda, napangiti ako ng makita ang mga ilaw na nanggagaling sa mga bahay din, dito lang sa malapit.

"Belinda, iha." Pagtawag ni Dad.

"P-Po?" Naiilang na tanong ko.

"Galit ka ba kay Daddy?" Malungkot na tanong nya.

"H-Hindi po, hindi ko po kayang magalit sa taong kumupkop sakin na parang tunay na anak." Nahihiyang aniko.

"Napapansin ko ang pag iwas mo sakin at sa Mommy mo." Aniya. "Napapansin namin na masyado kang iwas samin, samantalang pinapansin mo naman ang mga kapatid mo." Sabi nya kasabay ng buntong hininga.

Hindi naman ako nakasagot sa kanya sa sobrang hiya, napatungo na lang ako sa kawalan ng isasagot sa kanya. Nag ipon ako ng lakas ng loob para makapagsalita.

"A-Ang totoo...nahihiya na ho ako sa inyo. Ang laki ng kasalanan namin sa inyo ng tatay." Aniko, huminto ako ng maramdamang maiiyak ako. "P-Pero ito kayo, sinusuyo ako kasi hindi nyo alam kung may nagawa ba kayong mali." Huminga ako ng malalim upang pigilan ang maiyak.

"Hiyang hiya po ko sa inyo, Mr. Augustine. Hindi ko ho kasi alam kung deserving ko pa bang tawagin nyong anak." Aniko, hindi ko na napigilan pa ang luhang kanina pa gustong kumawala. "S-Sa kabila ng lahat ng g-ginawa sayo ng tatay ko at sa p-pamilya mo. H-Hindi ko ho alam kung anong mararamdaman ko. P-Paulit ulit kong s-sinisisi yung sarili ko dahil a-ako yung dahilan kung bakit muntikan ng masira yung pamilya n-nyo." Umiiyak ng aniko.

"Alam mo bang natutuwa akong tinatawag ako ng iba ng Mr. Augustine o di kaya Mr. Mariano?" Malungkot ngunit nakangiting tanong nya. "Hindi ko ineexpect na magiging ganun kasakit at kalungkot kapag ikaw na ang tumawag sakin ng ganon." Aniya, kita ko ang pamumuo ng mga luha nya.

"S-Sorry po." Ani ko, umiling lang sya

"I miss my d-daughter, hindi ka man nanggaling sakin, hindi man kita kadugo pero para sakin Belle anak kita." Aniya, tuluyan na ding tumulo ang mga luha nya. "Ikaw lang ang prinsesa ko, anak kita. Mahal na mahal kita." Aniya.

Biglang akong nakaramdam ng tila haplos saking puso, hindi ko alam kung bakit sa simpleng salitang iyon ay naipaparamdam nya saking hindi ako iba sa kanila. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya, niyakap nya ko ng mahigpit habang patuloy kaming dalawa sa pag iyak.

"Mahal na mahal ka ni Daddy okay?" Tanong nya tanging tango lang ang naisagot nya. "Please wag mo kaming iiwan." Mahinang aniya, ngunit sapat na iyon para marinig ko.

Hindi na ko nakasagot pa sa kanya dahil biglang sumulpot si Mommy, tinignan nya kami ng may malungkot na mata.

"Bakit di nyo ko sinasali?" Nakangusong aniya.

Natawa naman kami ni Dad sa kanya, nakangiti na sya ngayon pero nakikita ang pag aalala sa mata nya. Nagpunas kami ni Dad ng mga luhang nagkalat sa mukha namin.

"Bakit kayo umiiyak, Belinda pinaiyak mo ang daddy mo?" Tanong sakin ni Mommy.

"What? No! Sadyang nababakla lang si D-Dad ngayon." Sagot ko, natawa naman si Dad at Mom.

"What?! Bakla si Dad?!" Sabay na gulat na sigaw ni Kuya Aldean at Azri dahilan para matawa kami nila Mom and Dad.

"Tama ba yung narinig namin?" Tanong ulit ni Azri pero tanging pagtawa lang ang naisagot namin.

Akala ko buo na ang desisyon ko, pwede pa palang magbago iyon. Hindi ko talaga sila kayang iwan, ayokong malayo ulit sa mga taong tumanggap sakin sa kabila ng mga kasalanang nagawa sa kanila ng totoo kong tatay.

To be continue...

PA VOTE PO PLEASE❤️

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now