C H A P T E R 61シ

567 29 3
                                    

LEONARDO

Tahimik lang akong umiiyak, hindi alam kung anong gagawin ko. Walang ibang pamapasok sa utak ko kundi ang mga senaryo kung paano nila kong papatayin.

Nanginginig ang buong katawan ko, akala ko naihanda ko na ang sarili ko pero nagkamali ako. Ngayon lang nagsink in saken ang lahat.

Hindi pa ko handang mamatay, hindi ko pa kayang iwan ang pamilyang nag ampon saken. Hindi ko pa naibabalik sa kanila ang ginawa nilang pagkupkop saken.

Ngayon lang pumasok sa isip ko lahat ng taong nagmamahal saken, si Donny, yung pamilya ko. Hindi ko sila kayang iwan lahat.

"Gising ka na pala" Ani ng isang lalaki.

Hindi ko sya makita dahil sobrang dilim. Pero nakakatakot ang boses nya, hindi na ko magtataka kung pati mukha nya ay nakakatakot.

"S-Sino ka?" Tanong ko dito.

Nakita ko lamang ito ng magbukas ang ilaw, medyo nasilaw pa ko sa liwanag. Hindi ko alam kung sino talaga sya.

Hindi ko sya kilala, marahil ay may pumapasok sa isip ko kung sino sya. Isa lang naman ang kilala kong nagtatangka sa buhay ko.

"Ipasok mo na yung mga kasama nya." Nakangising utos nya sa mga tauhan nya.

Ipinasok nila ang mga magulang ko, takot na takot ang mommy ko na nakahawak lang sa braso ni Dad, madumi ang damit nila ni Dad. May mga sugat din sya, habang si Dad naman ay halatang masakit ang katawan at puro pasa.

Hindi ko sila kayang tignan, hindi ko lubos maisip kung ano ang nangyari sa kanila dito nung mga panahong hindi pa ko nakikidnap.

Pabagsak nilang binitawan ang magulang ko, agad naman akong tumayo at lumapit sa kanila. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Ano bang kailangan mo samin?!" Galit na tanong ko.

"Isa lang." Nakangising aniya. "Yun ay ang patayin ka." Dugtong nya.

Bumilis ang kabog ng puso ko nang dahil sa sinabi nya, hindi ko alam kung bakit kailangan nya kong patayin.

"Siguro ngayon tinatanong mo ang sarili mo kung bakit ikaw ang gusto kong patayin." Aniya habang nakatingin sakin. "Ikaw ang magbabayad sa lahat ng atraso saken ng mga magulang mo."

"Alam kong wala silang ginagawang masama sayo!" Sagot ko.

"Madami!" Aniya kasabay ng pagtutok nya saken ng baril. Niyakap ako ni mommy para kung sakaling barilin ako ay sya ang matatamaan.

"Madaming kasalanan sakin ang mga magulang mo! Sila ang dahilan kung bakit ako nawalan ng anak habang sila merong ikaw!" Galit na aniya. "Masaya silang dumating ka sa buhay nila kaya gusto kong magluksa sila ng husto kapag napatay na kita!" Aniya.

'Kung ito lang ang tanging paraan para mailigtas ko sila gagawin ko.'

Inalis ko ang kamay ni mommy na nakahawak saken, puno sya ng pagtataka dahil sa ginawa ko. Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko ng tumayo ako at maglakad palapit sa lalaking dumukot samin.

"Kung ito ang ikatatahimik mo, gawin mo na!" Aniko puno ng takot sa posibleng mangyari. "Patayin mo na ko!" Sigaw ko.

Itinutok nya saken ang baril kaya naman napapikit ako kasabay ng pagpatak ng luha ko. Hinintay kong pumutok at tamaan ng bala pero hindi yon nangyari kaya naghintay ulit ako.

"Wag! Leonardo maawa ka, wag ang anak mo pakiusap!" Sigaw ni Mommy.

'Wag ang anak mo pakiusap!'

'Wag ang anak mo pakiusap!'

Nagpaulit ulit sa pandinig ko ang mga sinabi nya, iminulat ko ang mata ko at kitang kita ko ang gulat sa mukha ng totoong tatay ko.

"A-Anong sabi mo?!" Naguguluhang tanong nya kay Mommy.

"Anak mo si Belinda, anak naten sya." Umiiyak na sagot ni Mommy.

"P-Paanong nangyari yon?" Takang tanong ko.

"Your real father raped me!" Umiiyak na sagot saken ni Mommy.

'Raped?!'

"Bakit mo ginawa yon? Bakit mo nirape yung Mommy ko?!" Umiiyak na tanong ko.

"He was inlove with your Mom, but me and your mom are inlove to each other.... Hindi nakuha ng papa mo ang Mommy mo dahil ako ang mahal nito." Sagot ni Dad. "W-We get married but your mom broke up with me. I don't know what her reason is.... but in the end, nalaman ko din ang lahat." Malungkot na kwento nya.

"Diring diri ako sa sarili ko noon Leonardo, nang dahil sayo muntik ng mawala ang pamilya ko. Nakipaghiwalay ako sa asawa ko dahil gusto kong panindigan mo ang bata pero hindi mo ginawa. Nung una kinuha mo sya saken pero nalaman kong inutusan mo yung mga katulong mo na itapon ang bata!" Galit na aniya. "And worst pati ako binasura mo! Kung alam ko lang na yun ang gagawin mo sa anak naten sana hindi ko na lang sya binigay sayo and now gusto mo syang patayin dahil namatay yung anak mo kay Claudia? Ngayong alam mo na ang totoo gugustuhin mo pa bang patayin ang anak ko na ANAK MO DIN?!" Sigaw nya.

Hindi ko alam kung bakit kailangang ngayon ko pa malaman ang lahat ng to, wala akong nagawa kundi ang umiyak lang ng umiyak habang dinadamdam lahat ng nalalaman ko ngayon.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, naghahalo halo lahat ng emosyon ko. Masaya akong malaman na buhay ang tatay ko pero nalulungkot at nasasaktan ako dahil sa ganitong sitwasyon ko pa talaga sya nakilala.

Hindi ko alam kung anong dahilan ng galit nya sa mga taong umampon saken pero ngayong alam ko na hindi nila ko basta bastang inampon dahil anak ako ng kinikilala kong Ina.

Ang tagal kong nangulila sa mga totoo kong magulang pero hindi ko alam na ang totoo kong nanay ay nasa tabi ko lang pala.

Masakit ding malaman na ako ang pinakadahilan ng paghihiwalay nila noon ni Daddy, hindi ako nasasaktan dahil sa posisyon ko sa buhay nila pero nasasaktan akong malaman na ako ang dahilan kung bakit muntik ng masira ang pamilya nila.

Mas okay na sana na sa basurahan na nga lang talaga ko o hindi na lang nabuhay para wala akong masirang pamilya.

I've never heard anything to my Mom, she never leave me. Hindi nya din ipinaramdam saken na nabuo ako ng dahil sa kasalanan. Na pinagsamantalahan lang sya kaya ako nabuo.

Hindi ko alam kung paano nyang nadala lahat ng yon, sa araw araw na magkasama kami na nakikita nya ko, hindi ko alam kung pumasok ba sa isip nya na dapat hindi nya na lang ako binuhay.

Naging tahimik ang buong kwarto kung na saan kami, puro hikbi ng pag iyak lang namin ang naririnig dahil sa sobrang tahimik.

To be continue....

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now