C H A P T E R 5シ︎

1K 32 1
                                    

Selos

Belle's POV*

NAGISING ako ng mag ring ang phone ko, dahan dahan kung iminulat ang mga mata ko, wala na sa tabi ko yung bruha kong kaibigan.

Agad kong dinampot yung phone ko na nasa ibabaw ng lamesa, tinignan ko kung sino yung tumatawag. Nang makita ko kung sino yon ay agad kong sinagot.

"Uy! Sa wakas tumawag ka na rin!" Aniko ng sagutin ko ang tawag.

[Sorry Milo.] Sagot nya na ipinagtaka ko.

Hindi naman ako nagtaka sa sinabi nya kundi sa boses nya, halata kasing hindi sya okay, o mas magandang sabihin na parang kulang sya sa tulog kagabi at parang pagod din sya.

'Anyari kaya dito?'

"Di ka na kasi nagparamdam simula kagabi, ano bang nangyari?" Tanong ko sa kanya, sandali pa syang natigilan sa tanong ko.

[Ahh kasi... Nandito ako ngayon sa hospital.]Sagot nya, agad naman akong nag-alala.

"Hala! Bakit?! O-Okay ka lang ba?" Nag-aalala talagang tanong ko.

[Tinawagan kasi ako ng Mommu ni Dalia kagabi. Ang sabi na overdose daw si Dalia.] Sagot nya na ipinagtaka ko. Magtatanong na sana ko ng bigla syang magsalita ulit. [Nalaman din daw kasi ni Dalia na naghiwalay na sina tito at tita, kaya yon yung nangyari. Humingi naman ng favor sakin si tita na bantayan ko daw muna si Dalia.] Mahabang paliwanag nya.

"Wait teka! Si Dalia? Yung ex mo?" Takang tanong ko.

[Oo.] sagot nya.

Akala ko ba magkahiwalay na kayo non?!" Medyo inis ng tanong ko.

[Ahh... Oo nga.] Alanganing sagot nya.

"Pero bakit sayo pa rin nila ipinagkakatiwala si Dalia?!" Inis na talagang tanong ko.

[A-Ahh ang totoo hindi ko din alam, pero sabi kasi sakin ni tita na sakin lang daw makikinig si Dalia.] Paliwanag nya.

'Wtf! Sa kanya lang nakikinig yung ex nya?!'

"Bakit?! Wala ba syang ibang kaibigan?" Kunot-noong tanong ko.

'Nababadtrip ako.

[Meron.]Mabilis nyang sagot. Pero agad din syang nagsalita ulit. [Teka, ahh HAHAHAH alam ko na. Nagseselos ka no?]Tanong nya na nakapagpatigil sakin.

'Oo na tangina! Selos na selos na ko!'

"Bakit naman ako magseselos? Duh? Fake relationship lang naman tayo! Di kita totoong boyfriend no!" Pagtataray ko sa kanya. "Nag-aalala lang naman kasi ako sayo, kasi mukhang pagod at puyat ka!" Inis na dugtong ko.

'Bwesit! Kainis napakadaming pwedeng itanong bakit yang selos pa.'

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now