C H A P T E R 24シ︎

688 40 1
                                    

Donny's POV

Nang matapos kaming kumain ng buong tropa, nagkanya kanya na kami ng lakad. Bibisita ako kay Dalia ngayon.

Sabay sabay kaming magkakaibigan na lumabas sa mall nagkahiwa-hiwalay lang kami ng makarating na kami sa parking lot.

Umalis ako at pumunta sa puntod ni Dalia, simula ng mawala sya wala akong ibang ginawa kundi ang magpabalik balik sa puntod nya.

Nang dahil sa pagpunta ko don, unti unti ko ng natatanggap na wala na nga talaga sya, na masaya na sya kung nasaan man sya ngayon.

Habang nasa daan naisipan kong bumili ng kandila at bulaklak para kay Dalia, huminto ako sa isang maliit na tindahan na puro bulaklak ang tinda.

Nang makabili ay agad din akong bumalik sa kotse at nagmaneho papunta sa puntod ni Dalia. Saglit lang ang itinagal ng byahe dahil malapit lang naman yung shop na yun dito sa sementeryo.

Inihinto ko ang kotse ko sa lagi kong pinagpupuwestuhan sa tuwing pupunta ako dito, kinuha ko yung bulaklak at kandilang binili ko saka ako naglakad palapit sa puntod ni Dalia.

"Hi Dalia." Ani ko habang nakangiti. "Kamusta ka? May dala nga pala kong bulaklak." Nakangiting ani ko sabay sindi ng bulaklak.

"Mahigit isang buwan na rin, magmula nung iniwan mo ko. Okay ka ba dyan?" Ani ko.

"Miss na miss na kita Dalia, naaalala ko pa rin yung mga panahon na nagkakasama pa tayo." Malungkot na aniko.

"Nakakapanghinayang lang pero unti unti ko ng natatanggap, wag kang mag alala okay naman ako."

"Pinipilit kong maging okay kasi alam kong hindi ka matutuwa kapag nakita mo kong malungkot." Ani ko at nagpilit ng ngiti. "Dalia, alam mo ba si Belle, ilang linggo nya na rin akong hindi kinakausap, sinusubukan ko syang i-contact pero hindi sya sumasagot." Napabuntong hininga ako sa sobrang pagkalungkot.

"Sabi nya nung huli kaming magkausap, magkikita pa rin daw kami, pero Dalia sa tingin mo kelan kaya yon? Miss ko na rin sya, sana nandito sya ngayon." Sabi ko habang inaalis yung mga dumi sa pangalan ng puntod nya.

"Kung puntahan ko kaya sya sa condo nya? Ano sa tingin mo Dalia?" Tanong ko kay Dalia kahit na alam kong walang akong maririnig na sagot dito.

"Ahh sige na nga, Dalia mauuna na muna ako ha. Bibisita na lang ulit ako dito, bye." Paalam ko kay Dalia at agad na tumayo.

Minsan ko pang nilingon ang puntod nya bago ako tuluyang naglakad palapit sa kotse ko, malapit lang ang kotse ko kaya naman hindi na ko naglakad pa ng ganon kalayo.

Pumasok ako at naupo sa driver's seat at nagsimula ng magdrive papunta sa condo ni Belle, habang nasa daan hindi ko maiwasan na hindi kabahan.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, ni minsan hindi ko to naramdaman sa tuwing pupunta ko dito, ngayon lang ako kinabahan ng ganito.

May parte ko na gusto na lang umurong pero mukhang wala na kong takas dahil hindi nagtagal nandito na ko sa baba ng building.

Pinark ko yung kotse ko at mabilis na lumabas, nang makapasok ako agad akong binati ng mga tao don, kilala na nila ko dahil lagi nila kong nakikita na kasama si Belle.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now