C H A P T E R 2シ︎

2.2K 50 3
                                    

Belle's POV

Lumabas ako ng bahay para itapon yung mga basurang galing sa loob, yung mga nilinis ko kanina, pati yung basura sa kitchen kinuha ko na rin para itapon.

Paglabas ko, gulat ako ng makitang magdidilim na. Hindi ko na namalayan ang oras. Nakaramdam ako ng sakit sa panga.

Siguro dahil sa pagkakangiti ko, simula pa kasi kanina nung makausap ko si Donny ay talagang naging good mood ako. Nakangiti lang ako maghapon.

Ngayong gabi na bigla na lang pumasok sa isip ko yung larong pinasok ko. Alam ko kasi na para kay Donny lahat ng toh ay laro lang.

'Malamang yun yung sinabi mo sa kanya!'

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko, bahagya din akong napailing para mawala yun sa isip ko.

Tumayo ako sa sofa at nagpunta sa kitchen para magluto ng hapunan. Ito na naman ako mag-isang kakain. Nasanay akong lagi kong kasabay si Donny nung may pasok pa.

Madalas kasi hindi sya nagbabaon ng pagkain para sana may makain sya sa tanghali, sinabi nya sakin na mas gusto nyang kumain kasama ako dahil daw bukod sa libre na masarap pa.

~FLASHBACK~

"Belle, sure ka bang sayo tong condo na to?" Tanong nya sakin habang nakahinto kami sa tapat ng malaking building.

Nag-nod lang ako bilang sagot, habang naglalakad kami papasok, tinitigan ko lang sya. Panay ang lingon nya sa kung saan halatang hindi makapaniwala.

"Ang laki naman ng bahay mo." Sabi nya kaya naman tinignan ko sya ng nagtataka.

'Hindi kaya? Iniisip nyang sakin tong buong building?!!!'

Malakas na sapok ang binigay ko sa kanya, sa sobrang sakit halos maluha luha pa syang lumingon sakin.

"Aray! Ang sakit non!" Inis na sabi nya.

"Kung iniisip mong akin tong buong building mali ka." Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Huh? Edi kung hindi sayo kanino toh?" Naguguluhang tanong nya.

'Slow mo pre!'

"Nagrerent ako ng kwarto dito, kaya sinabi kong dito ako nakatira." Paliwanag ko.

Nag nod naman sya bilang sagot, naglakad ako palapit sa elevator, sumunod naman sya sakin. Hindi din nagtagal ay bumukas ang pinto ng elevator kaya naman agad kaming naglakad pasakay don.

Pinindot ko yung floor kung nasan ang condo unit ko, tahimik kaming pareho. Kahit nasa loob kami ng elevator at wala naman syang nakikitang iba ay panay pa rin ang ikot ng ulo nya.

Nang bumukas ang elevator ay hindi ko na sya hinintay naglakad na ko at sumunod naman sya.

Nang makarating kami sa tapat ng kwarto ko agad kong kinuha sa bulsa ng bag ko yung key card ko para mabuksan ko yung pinto.

"Upo ka muna, Donny." Sabi ko sa kanya.

"Salamat." Sagot nya, nanatili lang syang nakatayo.

Hindi ko na sya pinansin, dumeretso na lang ako sa kitchen para magluto ng kakainin namin. Habang naglalakad ay nag-iisip ako ng madaling lutuin para sa tanghalian.

Nagsaing ako ng kanin at nagluto na rin ng ulam, wala akong maisip na madaling lutuin kaya naman kung ano na lang ang nadampot ko yun na lang ang lulutuin ko.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now