C H A P T E R 14シ︎

738 28 2
                                    

Promises

Belle's POV

"Hi Donya Nenita!" Bati ko sa lola ni Ash ng makapasok ako sa kwarto nya.

"Belle, mabuti naman nakadalaw ka na dito." Nakangiting aniya.

"Pasensya na Donya, marami kasing akong ginawa nitong mga nakaraang araw." Aniko.

"Wag mo nga kong tinatawag na Donya." Kunwaring pagmamaktol nya.

"HAHAHA! Bagay nga sayo yung Donya eh." Pang aasar ko pa.

"Ayoko, panget yun." Sabi nya kaya naman natawa ko.

"Oo na po, di na kita tatawaging Donya. HAHAHA!" Sabi ko, ngumiti naman sya.

"Belle apo, kamusta ka naman?"

"Okay lang po ako La."

"Hindi ka okay, hindi ganyan yung Belle na kilala ko."

"La, okay lang po ako." Ngumiti ako, yung natural na ngiti ko.

"Na kwento sakin ni Ashley na umuwi ka nakaraan ng lasing, kaya hindi mo ko maloloko." Aniya, natigilan ako sa sinabi nya.

'Gagong Ashley yon!'

"N-Nagkayayaan lang po." Pagpapalusot ko.

"Kung may problema ka, magsabi ka sakin o di kaya sa apo kong si Ashley."

"Opo lola."

"Sige magkwento ka, makikinig si Lola." Aniya.

Ang sarap sa pakiramdam ng mga sinasabi ni lola Nenita, gusto ko din magkwento sa kanya pero alam ko sa sarili ko na hindi pa ko handa.

Natatakot ako, natatakot ako na kapag nagkwento ko sa kanila babalik na naman yung sakit na halos dumurog sakin nung gabing yun.

"S-Sorry Lola Nenita, hindi pa po kasi ako handang magkwento." Malungkot na aniko.

"Hindi kita pipilitin, pero kapag hindi mo na kaya nandito lang kami ni Ashley." Aniya na nakapagpangiti sakin.

"Opo La, kapag ready na ko, sa inyo ho ako unang magkukwento." Paniniguro ko.

Tumingin ako sa relo ko at gulat ako ng makita na medyo tumatagal na pala ko dito. Napabuntong hininga na lang ako. Ayoko pa sanang umalis kaso baka hinihintay na ko ni Dalia.

"May lakad ka ba apo?" Tanong ni Lola Nenita.

"Ahh, dyan lang po sa kabilang kwarto La, may gusto daw hong kumausap sakin." Paliwanag ko.

"Sige lumakad ka na baka hinihintay ka na nung kakausap sayo." Aniya.

"Salamat po, magpapagaling ka ho La. Babalik po ako dito kapag may oras pa ko mamaya."

Tanging pagtango na lang ang isinagot nya sakin, wala naman akong nagawa kundi ang tumayo na, kahit labag sa loob kong umalis dito wala rin naman akong magagawa.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now