C H A P T E R 67シ

571 37 1
                                    

Palabas na ko ng room nang makita ko si Dad kasama si Kuya Aldean at Azri, naglalakad sila papunta sa room namin kaya naman sinalubong ko na agad sila.

"So, how's my princess?" Tanong ni Dad habang nakayakap sakin.

'Ano ako kinder?'

"I'm okay Dad." Sagot ko.

Hinalikan ako ni Dad sa noo, ganon din saken si Kuya Aldean at Azri at hinalikan ako sa magkabilang pisngi, hindi ko maiwasang hindi mahiya lalo na ng makita kung gaano kadami ang mga matang nakatingin samin.

"Omg! Sanaol talaga hinahalikan ng tatlong gwapong nilalang."

"Ang pogi nung Daddy nila!"

'Psh! Pati ba naman si Dad?!'

"I like her dad na!"

'Oy! Masyado ng matanda yung daddy namin para sa inyo!'

Napailing na lang ako ng dahil sa mga naririnig kong bulungan ng mga haliparot na estudyante.

Lunch time ngayon kaya naman nagkalat ang mga estudyante sa buong campus, merong mga students na sa mga bench sa tapat ng room sila naglulunch at meron din namang sa room lang kumakain.

Dagsaan naman ang mga estudyante sa food court, halos kalahati kasi ng estudyanteng nag aaral dito ay sa food court talaga kumakain.

Pagpasok pa lang namin ay sobrang dami na agad ang nakatingin samin, hawak ni Kuya Aldean ang kamay ko habang si Azri naman ay kinuha ang medyo mabigat kong bag.

'Kung kelan malapit na kaming umupo saka lang kinuha yung bag ko kupal talaga!'

Nauna na si Dad dahil sya na daw bahalang magbayad at umorder ng kakainin namin, kasama ko naman si Azri at Kuya Aldean sa paghanap ng mauupuan.

"Sir Aldean, dito na po kayo maupo. Tapos na din po kami." Ani ng isang estudyanteng mga nasa grade 9 pa lang kung titignan.

"Thank you, what's your name?" Tanong naman ni Kuya Aldean.

'Ayy! May pa ganon?'

"Natasha po." Medyo nahihiya ani ng estudyante.

"Thank you Natasha." Nakangiting ani ng Kuya ko.

Tumango naman si Natasha at naglakad na paalis, nakangiwi kong tinitigan ang Kuya ko. Halata naman ang pag iwas nito ng tingin sakin.

'Ew! Child abuse ka po Kuya!'

Nilingon ko si Azri, nakita ko din syang nagtataka sa iniasta ni Kuya Aldean, nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko ay nagtanong na ko.

"May gusto ka ba don?" Seryosong tanong ko.

Hindi naman sya sumagot, inilibot nya lang ang paningin nya sa kung saan, nilingon ko naman si Azri. Halata sa mukha nito na naghihintay din ng sagot.

"Hoy! Sagutin mo yung tanong ko!" Inis na ani ko sabay batok Kay Kuya.

"What the f—" aniya pero pinigilan ko sya.

"Sige magmura ka, baka nakakalimutan mong nasa school tayo?" Pagtataray ko.

Rinig ko ang bulungan ng mga estudyanteng kumakain dito sa loob ng food court, hindi rin nakatakas sakin ang mga mata nilang titig na titig samin.

"Bakit ka ba kasi nambabatok?" Tanong nya.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now