C H A P T E R 6シ︎

1K 30 5
                                    

(A/N: Papaiyakin ko muna kayo hehe sensya na sinusumpong ako ng kabaliwan kaya trip kong manakit ng wattpad readers HAHAHA anyways keepsafe y'all and Godbless.)

Feelings

Belle's POV

Panibagong araw na naman ang dumating. Wala pa ring paramdam si Donny, minsan naiisip ko ng i-text sya pero sa tuwing hawak ko na yung phone ko umuurong yung lakas ng loob kong mag type.

Ayoko namang istorbuhin sya sa pag aalaga nya sa ex nya, kaya naman napapabuntong hininga na lang ako sa kawalan ng gagawin.

Mula kahapon wala akong ginawa kundi ang maghintay sa pagtext o pagtawag nya, pero walang kahit isa. Siguro kasi hindi naman akong importante para sa kanya.

Kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa kama ko. Kanina ko pa iniisip kung paano ako nakapunta dito dahil nasa sala kami kagabi ni Ashley.

Pinilit ko alisin lahat ng tanong sa isip ko, inisip ko na lang na nahiga ako dito sa kama ko kagabi ng hindi ko namamalayan, siguro dahil na rin sa kalutangan.

Tumayo na ko at nag ayos ng sarili ko, nadatnan ko si Ashley na nakaupo sa sofa at nagkakape. Napatitig na lang ako sa kanya.

'Pano nya kayang nakayanan yung break up nila ni Tan?'

Mukhang okay na sya, mukhang unti unti na syang bumabalik sa dati, mukhang hindi na sya nasasaktan at parang limot nya na lahat ng nangyari sa kanila ni Tan

Habang ako, eto paulit ulit na nasasaktan ng taong mahal ko ng hindi nya alam. Hindi ko alam kung hindi nya ba talaga alam o sadyang manhid lang talaga sya.

Kaya hindi nya nararamdaman lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ayoko syang sisihin ng dahil sa nangyayari sakin ngayon dahil ako naman ang nagsimula sa larong to.

Akala ko kasi kapag nasimulan ko na toh, sa una lang mahirap at masakit pero mali ako, dahil habang tumatagal lalong sumasakit. Lalo ko lang nararamdaman na talo na naman ako. Talo na naman ako kay Dalia.

Lumipas ang mahigit isang linggong walang kaming contact sa isa't-isa. Hindi ko sya tinitext dahil ayokong maging abala.

Wala rin syang text at tawag kahit na isang beses sa isang araw man lang. Siguro ganon na lang talaga sya ka tutok sa pag aalaga sa ex nya para makalimutan nya ko.

'Masakit, sobrang sakit!'

Donny's POV

Naging busy ako sa pag aalaga ko kay Dalia, hindi ko alam pero kahit na abala ako sa pagbabantay at pag aalaga kay Dalia.

Ay hindi mawala sa isip ko si Belle, isang linggo na simula nung huli kaming mag usap, wala rin syang text. Tuwing umaga lagi kong inaabangan ang text nya sakin.

Pero kahit isa wala, wala ring tawag kahit isa. Gusto ko syang puntahan sa condo nya, gusto kong alamin kung okay lang sya pero hindi ko magawa.

Dahil walang maiiwan para magbantay kay Dalia, gulong gulo ang utak ko, gusto kong makita si Belle. Gusto kong itanong kung ano bang pinagkakaabalahan nya.

Muli ko pang tinignan yung cellphone ko sa pagbabakasali na meron na syang text o tawag na hindi ko nasagot pero muli lang akong nabigo ng makitang walang kahit na ano na galing kay Belle.

'Anyari dito kay Milo?'

Yan ang unang tanong na pumasok sa isip ko, pero pilit kong inalis sa utak ko yon at pinaniwala na lang yung sarili ko na busy lang sya.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now