C H A P T E R 37シ

622 24 0
                                    

Letter.

Naging lutang ako ng dahil sa nakasulat sa papel, hindi ko alam na ganito pala ang laman ng mensahe. Gusto kong magsisi na binasa ko ito sa ganitong lugar.

Nagsisimulang manginig ang buong katawan ko, dumagundong ang kaba ko ng mabasa ko ang nakasulat sa picture ko na solo.

'I will kill you Belle!

-Leonardo'

"Noona? Are you okay?" Tanong ni Azri.

Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit nya sakin, para akong sinabuyan ng malamig na tubig, hindi ako makagalaw sa sobrang takot.

Panay ang lingon ng mga mata ko sa pagbabakasaling makikita ko ang taong nagbabanta sa buhay ko at sa pamilya ko.

Pero kahit ni anino nya hindi ko makita dahil hindi ko naman talaga iyon kilala, mula noon wala akong matandaang nakilala ko na Leonardo ang pangalan.

"Noona?!" Ani ulit ni Azri.

"H-Huh?" Utal na tanong ko.

"Are you okay?" Nag aalala na talagang tanong nya.

"U-Umuwi na tayo." Aya ko.

Pinipigilan ko ang takot ko ngunit hindi ko talaga kayang hindi ipakita, dahil sa pagkautal ko alam kong nakakahalata na si Azri.

Hindi nagtagal dumating din yung order namin at naglakad na pauwi, pinatake out na lang namin lahat ng inorder namin.

Hindi ko talaga kayang manatili dito ng dahil sa nabasa ko, baka mamaya may bigla na lang bumaril samin dito, hindi ko alam kung OA na ba ko neto o sadyang ito lang talaga yung epekto nung nabasa ko.

Dumikit ako ng husto kay Azri, hindi pa rin kasi nawawala ang takot at kaba ko, nakarating kami sa parking lot.

Nagmadali ako sa pagsakay sa kotse, hinila ko din ng konti si Azri sa takot na baka biglang may bumaril samin o kung ano mang mangyari.

"Manong pwede po bang pakibilisan nyo yung pagdrive?" Ani ko.

Sakto lang naman ang bilis ng takbo namin pero para sakin kulang ito, may nakita akong itim na kotse na sumusunod samin.

Hindi ko pa man kumpirmadong sinusundan nga kami nito kaya para makasigurado, inutusan kong iliko ni Manong sa kabilang eskinita yung kotse.

Hindi naman ako nagkamali ng akala dahil nakumpirma kong sinusundan nga kami nito ng lumiko din ito sa eskinitang nilikuan namin.

"Manong bilisan mo pa!" Medyo malakas ng ani ko.

"May problema ba iha?" Takang tanong ni Manong pero tutok pa rin sa daan.

"M-May sumusunod satin. Bilisan nyo na lang po." Ani ko, pilit itinatago ang kaba.

Nakarating kami sa condo ng walang nasasaktan, kita ko pa rin yung itim na kotse kaya hindi pa rin ako napapanatag.

'Kung nandito ka lang hindi ako matatakot ng ganito Donny.'

Bago ako makapasok sa pinto ng kwarto ko, kusa na lang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Habang nakahiga ko sa kama ko, biglang pumasok sa isip ko yung nabasa ko sa sulat na ibinigay sakin, hindi mawala sa isip ko lahat ng sinabi nya. Pero may tumatak sa isip ko.

'Ikaw at ang mga kapatid mo ang magbabayad sa atraso sakin ng Ama mo!'

Hindi ko alam kung anong klaseng atraso yung sinasabi ng taong gustong pumatay samin, hindi ko alam kung bakit kailangang mangyari ang lahat ng toh.

Alam kong mabuting tao ang Daddy namin, hindi nya magagawa kung ano mang kasalanan ang tinutukoy ng lintek na kriminal na toh.

Hindi rin ako sigurado kung sinong tatay ko ang tinutukoy ng taong nagbigay sakin ng sulat. Hindi ko alam kung ang tatay ko na umampon at nag alaga sakin at itinuring ako na parang totoong anak.

O ang tatay ko na ng iwan at tinakasan ang responsibilidad sakin, kung ang tatay ko na umampon sakin ang tinutukoy nito.

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba o hindi, hindi ko din alam kung anong magiging reaksyon ko kung ang totoong tatay ko ang tinutukoy nito.

Hindi ko nakilala ang totoo kong tatay, bagaman nakita ko ito sa picture na kasama ako, pero matagal na panahon na iyon. Ni hindi ko na nga halos makilala ang itsura nya dahil napakaluma na ng picture.

Hindi ko na alam kung ano na ang mukha nya ngayon, hindi ko man naranasan na maalagaan nya alam ko naman na hindi sya masamang tao.

Ngayon ko lang na realize na hahanap hanapin ko pa rin pala ang pag aalaga ng totoong kong mga magulang. Kung noon sa tuwing maiisip ko kung ano bang pakiramdam ng makasama sila ay iniisip ko na nandyan na ang mga umampon sakin, na para sakin ay sapat na sila.

Pero ngayon na tumatanda na ko, mas lalo akong nasasabik sa pag aalaga ng totoo kong magulang, kung hindi man nila ko tatanggapin bilang anak nila.

Kahit ang makilala na lang sila ay sana mangyari kahit isang beses man lang, buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam na para may kulang sa buhay ko.

Minsan iniisip ko na baka si Donny lang ang kulang sa buhay ko, pero kahit ganon may parte ko na hinahanap hanap ang nanay at tatay ko.

Sa sobrang pag iisip, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ko, nagising na lang ako kinabukasan na nasa tabi si Azri.

Gulat pa ko ng makita syang yakap ako at ganun din ako sa kanya, pero mas nagulat ako ng makitang gising na rin sya katulad ko.

Bumitaw ako sa kanya, habang sya ay nanatiling nakayakap sakin. Magsasalita na sana ko kaso lang ay naunahan na nya ko.

"Your crying while sleeping Noona, may problema ka ba?" Mahinahong tanong ni Azri.

Muling namuo ang luha ko, umiwas ako ng tingin sa takot na makita nya ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

"Kaya ka ba nandito?" Tanong ko.

"Ahmm, yeah." Sagot naman nito.

Ngumiti ako kay Azri, alam kong alam nya na hindi pa ko ready sa pagsabi sa kanya, alam ko rin na hindi nya ko pipilitin na magsabi sa kanya.

Ugali nila ni kuya Aldean na matagal ko ng ipinagpapasalamat sa mga kapatid ko, hindi nila ko pipilitin na magsabi dahil alam nilang kaya ko pang dalhin yung problema ko.

Hindi ko na rin gugustuhing sabihin sa kanya ito ngayon, pero dahil alam kong pati sila ay involve sa problemang dinadala ko ngayon, alam kong kailangan ko itong ipaalam sa kanila, pero paano?

"Azri.... Mag iingat ka palagi." Ani ko.

Kasabay ng pagpatak ng luha ko, agad na lumapit sakin si Azri at niyakap ako. Napahagulhol ako sa hindi ko maintindihang dahilan.

To be continue...

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now