Chapter 1

181 7 6
                                    

Donnalyn's PoV

I am looking at the sun. Finally nakahinga rin ng maluwag! After a super hectic schedule, napapayag ko si Marie, my manager, na magbakasyon na walang ibang kasama. Hindi alam ng manager ko kung nasaan ako ngayon. Pinili kong isikreto sa lahat pero alam naman nilang nagvacay ako. For privacy narin.

Napalanghad ako ng hangin. Honestly, kulang pa to sa gusto ko. Gusto kong maging malaya muna kahit 1 week lang pero syempre, hindi pwede dahil marami akong trabahong babalikan after nitong 1 day vacation.

Oo nandito ako mag-isa but I need to update my fans parin sa mga social media platforms dahil I need to keep them updated sa mga nangyayari sa buhay ko. Kailangan talaga kasi nag aalala sila sa akin kapag hindi ako nakaapag update kahit once a day lang. Thankful naman ako sa pagmamahal nila sakin.

Don't get me wrong a? I love my fans and casuals na nakakaappreciate sa mga ginagawa ko pero I want something na hindi ko talaga makukuha from them. I want freedom. No social media, walang mga camera na laging nakatutok sa akin at walang mga matang nakatingin bawat kilos ko. Kasi bawat galaw ko, nagtetrend.

I shrugged my head para mawala lahat ng iniisip ko. Kesa magmukmok ako, ieenjoy ko nalang itong bakasyon. Napaikot ako ng tingin. Ang linis ng beach at ako lang mag-isa. Wala ring tao kaya I can do all what I want.

Tumayo ako at saka naglakad papunta sa dagat while I'm still holding my phone. I want to take a selfie sa dagat kasi kumikinang ito sa ganda.

Parang gusto kong magswimming a? Hindi kaya ako iitim dito? Nagsun screen naman ako eh. Kaya sige, magsuswimming ako!

Binaba ko ang phone ko sa tabing dagat. Yung hindi naaabutan ng alon at saka nagswimming. I'm enjoying naman kahit papaano. Stress free at nakakarelax ang tunog ng dagat.

I was about to get off of the water nang biglang lumakas ang alon. Hindi ako makaswim ng maayos dahil sa malakas na current na humihila sa akin pabalik sa malalim na part.

Omg help! I tried to swim harder and faster para sana makabalik sa pampang pero I can't. I saw a girl walking sa malapit sa mga gamit ko kaya I tried to shout. But I can't. I'm tired. Help

---

"Sigurado ka ba dyan sa babae na yan? Mukhang mayaman, pre"

"Kaya nga. Baka mapagkamalan tayong kidnapper ah!"

"Hindi yan! Pasalamat tayo buhay!"

"Kahit na no! Dapat iniwan na natin don nung nalaman nating buhay"

"Baliw ka ba?! Baka mamatay sya don sa lamig"

I immediately opened my eyes dahil sa mga ingay sa labas. Where am I?! Napaupo ako bigla but I suddenly felt my head hurts. "Ahh!"

"Pre ano yon? Narinig nyo?"

"Wala naman! Baka yung mga hayop lang sa labas narinig mo"

Gone? (JoshLyn) BOOK 1Where stories live. Discover now