Chapter 21

51 4 2
                                    

3 months after

"Wardrobe check!" Sigaw ni Marie habang chinecheck ang damit ko. Agad naman lumapit ang stylist at chineck kung okay na ba ang lahat.

"Naaral mo yung script?" napalingon ako kay Zebby na kakapasok lang ng dressing room, I nodded as a response.

"Be busy mo naman masyado. May guesting ka pa mamaya, buti nasingit mo pa to?" Tumatawa pa sya habang umuupo sa sofa. Nakabihis narin sya at hinihintay ko lang matapos tong wardrobe check para mapuntahan na namin si Jelai sa dressing room nya.

"Ngayon pa nga lang bumabalik busy sched ko eh. Bakit you're so pakielamera?"

"Gaga! Sinasabi ko lang naman. Tsaka uso pahinga, Donnalyn. Baka bumagsak katawan mo sa ginagawa mo"

Hindi ako sumagot kasi tapos na sila sa pagchecheck sa suot ko. Tumayo narin sya at nagpunta na kami sa dressing room ni Jelai.

Wala rin naman akong maisasagot. Gusto ko lang maging busy at occupied dapat ang utak ko para hindi ako nag iisip nang kung ano ano.

Papasok palang sana kami sa room ni Jelai but lumabas na sya agad.

---

"Let us all welcome, DoLaiNab!" Rinig namin ang hiyawan ng mga tao kaya nakangiti kaming umakyat sa stage kasabay ng pagtugtog ng latest single kong Di Lahat.

"Hmm. Sinong may sabi na ang magagandang babae ay walang ginawa kundi saktan ang puso mo?" Kanta ko sabay turo kay Zeinab na sumasayaw lang sa tabi ko. I nodded kaya natatawa syang kumanta.

"Hmm hindi yun totoo. Subukan mo ako'ng mahalin mo" She pointed to Jelai na nakangiting sinundan ang kanta. "Sorry Andrew E. Iba na ang panahon, kahit pangit ngayon ay nagloloko"

"Everybody! Di lahat ng magaganda ay sasaktan ka lang. Minsan kung sino pa'ng walang karapatan ang ganyan. Kaya wag mong husgahan, kung di mo pa nasubukan dahil hindi lahat ng magaganda ay sasaktan ka lang" kinanta naming tatlo ng sabay sabay at itinutok namin sa mga supporters namin ang mic para sila ang magtuloy.

"Di lahat! Di lahat ng maganda'y sasaktan ka lang!"

Tinapos namin ang song na sobrang nag enjoy kaming tatlo with our fans. Medyo namiss ko rin to dahil ito ang first mall show naming tatlo after kong bumalik.

"Ayan, thank you everyone! It's nice to be back" I said sabay tingin sa dalawa kong kaibigan. "Ewan ko ba sayo Donnalyn kung saan saan ka napapadpad. Namiss ka namin! Diba? Namiss natin si Donnalyn Bartolome?" Zeinab asked at nagsigawan ang lahat. Ang sarap sa feeling. Buti nalang nakabalik ako.

---

Natapos naman ang mall show namin nang maayos. Nagreready narin kaming kumain sa isa sa sikat na restaurant dito sa MOA for dinner. Medyo gutom narin kami.

"Anong feeling?" Tanong bigla ni Jelai habang naghihiwa kami ng steak. Ako ba kausap nya? "Oo ikaw kausap ko. Anong feeling na makapagperform ulit sa maraming tao?"

I smiled at nakangiti akong naghihiwa ng steak. "Happy. Nung narinig ko silang masaya na nakita ako ulit, narealize kong namiss ko talaga"

"See? Kaya tama desisyon mong bumalik" singit ni Zeinab na nakapagpawala ng ngiti ko. Hindi ko yon desisyon, napilitan lang ako.

Gone? (JoshLyn) BOOK 1Where stories live. Discover now