Chapter 19

67 4 5
                                    

Hindi ko rin alam kung paano kami makakabili dito ng pangdinner na sinasabi nya eh puro lang naman puno yung nadadaanan namin.

Nilabas ko ulit ang isa kong kamay para maramdaman yung hangin. Hala umuulan?

Napalingon ako sakanya nang sunod sunod na ang patak ng ulan. "It's raining"

"Oo alam ko nakikita ko" aba

Tumawa sya nang malakas kaya nairapan ko sya. Sinasabi ko lang naman alam ko namang nakikita nya! Psh

"May village dito malapit na tayo. Dun tayo mag oovernight. Di pwede rito sa kotse" napatango nalang ako. Okay pi

Medyo matagal din bago kami makarating sa maraming bahay na lugar. May mga sasakyan din akong nakikita. Ohhh. May mga sasakyan pala rito sa isla? Akala ko wala eh. Nagtatakha pa naman ako kagabi kasi bakit may sasakyan si Josh.

Malakas na ang ulan kaya huminto kami sa isang bahay. Wala kaming dalang payong kaya tinakbo namin papasok habang dala dala yung mga gamit namin.

Nginitian kami nung isang babae na nasa front desk nang lapitan namin sya. Hindi naman kalakihan itong bahay, parang lumang bahay sya pero pinaparentahan. "Magandang gabi po, isang room po?" Napalingon sa akin ni Josh.

"Dalawa--"

"Opo. Isa po" sagot ko kaya tumango yung babae. Ngumingiti pa sya kaya napakunot ako ng noo. Ang dumi naman yata ng isip nya? -_-

Binigyan nya kami ng isang susi at pumunta na kami sa room na sinasabi nya. Grabe mukhang nung sinaunang panahon pa tong bahay na to a? Gawa sa kahoy.

"Gusto mo ko katabi?" Nakurot ko agad sa tagiliran tong lalaking to kasi naman nang aasar pa. Ayoko kaya mag isa sa kwarto. Ang creepy pa naman nitong place.

Rinig na rinig sa bubong yung lakas ng hangin pagpasok namin sa kwarto. Nagbubukas sara pa yung bintana kaya agad namang sinara yun ng kasama ko.

Kaya ba nya ko iginala kasi aalis na ko bukas? Bakit di nya sinabi agad? Tsaka anong oras ba ko aalis? Napadapa nalang ako sa makipot na higaan at saka napayuko. Hays. Ayoko pa sanang umalis.

"Problema mo?"

"Wala. Sabihin mo nga sakin wag na kong umalis" tumawa nanaman sya pero di naman sya sumagot. Nakukulitan na ba sya sakin?

Umupo sya sa tabi ko kaya napatayo ako. Umupo ako sa tapat ng bintana at saka tumunganga sa labas.

Sana umulan hanggang bukas para di na ako makaalis. Diba bawal bumyahe yung barko kapag masungit ang panahon? Sana masungit nalang panahon bukas.

Nawala ang atensyon ko sa ulan nung may pumulupot na braso sa kamay ko. Di ko na napigilang hindi ngumiti at mapapikit. Hinawakan ko yung braso nya na nasa leeg ko pero tahimik lang kaming dalawa, walang nagsasalita.

Walang wala yung lamig ng panahon sa katawan nyang nakadikit sa likod ko. Rold, pwede ba ganito nalang kami lagi?

Madilim na sa labas. Hindi pa kami nakakain but di naman ko gutom. Nakakaantok ang panahon.

Napadilat ako bigla nung may maramdaman akong hangin sa tenga ko. Shet nakadantay yung baba nya sa balikat ko.

"Let's eat. Pwede naman sigurong magluto doon sa kusina sa labas. May tinitinda silang pagkain"

Gone? (JoshLyn) BOOK 1Where stories live. Discover now