Chapter 17

47 4 9
                                    

"Ayaw" huminto sya sa paglalakad nang bigla akong umupo. Di ko alam kung saan kami pupunta, uuwi na ba ko? Ayoko pa!

"Donnalyn" napatitig ako sakanya nang tawagin nya ko sa totoo kong pangalan. Donnalyn. Shet bakit ganon yung feeling kapag sakanya nanggaling? Donnalyn din naman tawag sakin lagi noon eh. Ngayon nya lang ako tinawag sa ganyang pangalan.

Pero no! "Ayoko pa sabing umuwi! Diba may ilang days pa?! Hindi pa ko ready!"

Naglakad sya pabalik habang umiiling iling. Bakit ba kasi di nya sagutin yung tanong ko? He grabbed my wrist pero nanatili akong nakaupo.

May backpack ako sa likod kasi pinaempake nya sakin yung mga binili nyang damit for me. May dala rin syang bag. So uuwi na talaga ako? Bakit naman ako uuwi nang ganitong oras?

Inikot ko ang tingin ko. Hindi ko na alam kung nasaan kami. Walang bahay, walang puno, madilim at puro lang huni ng kuliglig yung naririnig ko.

"Tayo na dyan. Gagabihin tayo masyado sa byahe"

Tiningala ko sya kasi hawak hawak nya yung pulso ko. Naiiyak na tuloy ako. Sabi na kasing di pa ko ready! Bakit biglaan?!

"Saan muna tayo pupunta? Hahayaan mo kong sumakay ng barko nang madilim?"

Umiling iling sya at saka ako hinatak patayo. Wala akong nagawa pero nagulat ako nung hinawakan nya yung kamay ko.

"Hindi ka pa uuwi. Tara na malayo layo pa lalakarin natin"

Hinawakan nya yung backpack ko at saka yun hinubad sakin, sinabit nya sa balikat nya. "Wag kang iiyak. Pangit mo sabing umiyak"

Inaasar nya ko pero di ko magawang maasar. Hinahatak nya ko habang magkahawak kami ng kamay. Ang weird pero naiiyak ako kahit na sinabihan nya kong pangit akong umiyak. Hindi ako makaisip ng ipangbabara ron.

"Malayo pa ba?" Napatingin sya sa relo nya tsaka ako tinanguan. "Hmm. 30 minutes walk"

Amputek 30 mins? Sa gitna ng dilim?!

---

Hindi ko mapigilang hindi matakot sa paligid. Feeling ko may mga matang nakatingin samin. Ang lakas pa ng hangin tapos bako bako pa yung dinadaanan namin.

Nakarinig ako ng kaluskos sa bandang gilid ko kaya bigla akong napayakap sa bewang nya. *chuckles*

"Bakit mo ko tinatawanan?!"

Umiling lang sya kaya hinayaan ko na. Lumiko kami sa isang maliit na daan tapos may naaaninag akong parang bahay sa di kalayuan. Bahay ba nya yan?

"Tinatanan mo na ba ko?"

Tumawa sya kaya napahiwalay ako bigla sa pagkakayakap sa bewang nya. Teka bakit ba ko nakayakap sakanya ha?!

"Tawa ka nang tawa. Uso sumagot, kuya Josh"

"What the fck ano? Kuya? Mas matanda lang ako sayo ng isang taon"

Ay weh?

"Tingin sa daanan, wag sakin" napatingin naman ako agad sa daanan. Hindi ko naman sya tinititigan eh. Nagtanong ako right? Kaya ako nakatingin sakanya.

Gone? (JoshLyn) BOOK 1Where stories live. Discover now