Chapter 7

40 4 5
                                    

Tapos na kaming magboodle fight. Medyo nakakaadjust narin ako sa mga nangyayari dito. Nabigla lang ako kahapon pero mabilis naman talaga akong mag adjust sa mga bagay.

Kakausapin ko na sana si Justin kayalang kausap nya sila Stell habang naghuhugas sila ng mga pinagluto kasama ng ibang kapitbahay.

Dito nalang siguro muna ako sa labas, aabangan ko nalang silang matapos. "Bakit ka nandyan?"

I looked up at hindi na nagulat nang makita si Josh. Medyo nasasanay narin ako na wala akong naririnig na yabag ng paa pero may biglang magsasalita. 2 days na syang ganyan, lumulutang ba sya kaya di marinig yabag ng paa nya? Nice naman kung ganon.

"Hintayin ko si Justin"

"Bakit?"

"Wala lang. Bawal?"

"Crush mo ba si Justin? Back off girl, bata pa yan"

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Seryoso ba?! Inaakala nyang crush ko si Jah?! Mygosh!!!

"Oh wag kang magalit lumalaki butas ng ilong mo." And now he's laughing. Arg! This man!

"Nag-aaway nanaman kayo?" Napatingin kaming dalawa kay Stell na namamapak pa ng inihaw na isda na nahuli namin kanina. Tinuro ko naman si Josh kasi sya naman talaga nagstart!

"Ganyan nagkatuluyan lolo't lola ko. Laging magkaawa--"

"Stell" napalingon ako kay Josh kasi seryoso yung tono nya. Hindi man lang natakot si Stell? Tumawa pa sya.

---

Malapit na yatang matapos sila Justin. Teka lang nauuhaw ako.

Pumasok ako sandali pero huminto ako sa pagpasok sa kusina nang makita si Josh na may iniinom na gamot. Luh bakit? May sakit ba?

Mukhang napansin naman nya ko kaya tumuloy nalang ako sa pagpasok. Kumuha ako ng baso at saka tumabi sakanya dahil nasa tapat sya ng kuhanan ng tubig.

"What's with the meds? May sakit ka?" Tanong ko without looking at him. Alam naman siguro nyang nakita ko eh.

He chuckled and napailing pa. Pinakita nya sakin yung hawak nyang gamot. Oh vitamins lang pala. "Vitamins. Gusto mo ba?" Parang nakahinga naman ako ng maluwag dun. Umiling lang ako at saka na uminom.

Nagmamadali akong lumabas pero shutek wala na sila Justin. Dapat pala tiniis ko nalang muna yung uhaw ko!

"Why?"

Napatingin ako sa likod pero nabalik lang ulit ang tingin ko sa pwesto nila Jah kanina. Sayang talaga di ko naabutan. "Matulog ka na. Aalis tayo bukas"

Eh? "Saan? Wala ba kayong day-off?"

"Baliw ka ba? Anong day-off?"

Napailing nalang ako at saka nalang pumasok sa kwarto. Ano ba yan everyday ba may lakad sila? Hectic din ng schedule nila a?

---

I woke up kasi someone's poking my face. Sumama agad ang timpla ng mukha ko kasi bumungad sakin ang galit na itsura ni Josh.

"Sabi ko aalis tayo. Anong oras na?" He asked kaya tumayo nalang ako. Whatever

Naghilamos lang ako ng mukha tapos sumunod narin ako sakanya. Sabi nya kasi hihintayin nya daw ako sa labas ng bahay. Ano nanaman kayang gagawin namin? Gusto ko pa matulog :(

Gone? (JoshLyn) BOOK 1Where stories live. Discover now