Chapter 28

51 6 3
                                    

"Men, nahatid mo na ba si Donna? Dalian mo malelate na tayo sa appointment sa hospital"

Napalingon agad ako kay Josh nang hablutin nya yung phone nya mula sa kamay ko.

"Hospital?"

Tinanggal nya ang pagkakaloudspeak at itinutok ang phone sa tenga nya. "Ihahatid ko palang. I'll be there in 30 minutes"

Pagkababa nya ng phone, nakatitig lang ako sakanya. Yung lakad ba nila mamaya, sa hospital? Why?

"Wala yun. Diba nasabi ko sayo doctor si Dad?"

Yeah, nasabi nyang doctor ang daddy nya. Bakit sila may appointment?

"Bibisita lang kami"

Ah. Napatango nalang ako at hindi na nagsalita. I'm confused but may tiwala ako sakanya, di naman yan magsisinungaling sakin.

Pagdating sa mall, bumaba lang ako agad at agad na syang umalis. Baka may makakita kasi samin, issue nanaman.

"Sino naghatid sayo? Si Josh ba?"

Napatango ako sa tanong ni Jelai. "Tagal na nanliligaw nyan, di mo pa ba sasagutin?"

"May plano ako mamaya" parang ewan naman silang naghawakan ng kamay. Mga bruha talaga.

"Tara na! Nagugutom na ko! Kain muna tayo tapos tsaka tayo maggala" pag aaya sa amin ni Zebby na agad naming sinang ayunan. Gutom narin kami ng nasa tyan ko kanina pa!

Nasa isang resto kami at nasa pinakadulo para hindi kami makilala ng iba. Nagkukwentuhan lang kami at naeexcite na raw sila sa mv mamayang gabi. Hindi ko pa kasi pinapanood sakanila, gusto ko sa premiere na nila mapanood.

"Bumublooming ka a? Happy yan?" Tanong ni Jelai sabay subo ng pagkain nya. Napatango ako agad kaya natawa sila. "Syempre"

After ng lunch namin, hinatak nila akong dalawa. We are wearing a cap at mask. Balot na balot din itong dalawa samantalang ako, nakadress pa.

Hinatak nila ako papunta sa store ng mga clothes. "Dun yon diba?" Jelai pointed on something na tinanguan ni Zebby.

Nagpahatak lang ako kasi mukhang may plano silang dalawa, di man lang ako sinabihan sa mga plans nila. My eyes automatically widen nang dalhin nila ako sa baby section.

"Bakit dito?"

"Gusto ka namin regaluhan. Ano bang magandang color sa baby? Alam mo na ba gender nyan?" Turo ni Zebby sa tyan ko. Napahawak naman ako agad don at gulat na gulat parin.

How? Paano nila nalaman? Hindi ko pa sinasabi sakanila! Gosh! Kailan pa nila alam?!

They both laughed at nagtitingin sa paligid. "We know, hinihintay ka lang talaga naming magsabi. Kaso wala ka yatang balak" Jelai said.

Naiiyak na ko! Pano nila nalaman? All this time, alam nila? Alam nilang may sinisikreto ako sakanila?

"H-"

"It's obvious naman. Kami lagi mong kasama kapag bumibisita ka sa trauma center, your doctor warned us na alagaan ka dahil hindi madali ang may trauma at the same time, pregnant" paliwanag ni Zebby sa akin. So alam nila mula nung una?

Gone? (JoshLyn) BOOK 1Where stories live. Discover now