Chapter 10

41 4 5
                                    

"Bakit kayo nagpapataasan ng tagay?" Tanong ni Stell pero hindi ko inalis ang tingin kay Josh. This is my chance na ipahiya sya sa mga kaibigan nya kasi lagi nya kong inaaway.

"Isa pa" I said after kong mainom yung isa. Binaba rin ni Josh ang baso nya. "Lagyan mo dali" he said kaya napangisi ako.

"Suko na?" Tanong ko sakanya at sunod sunod na iling ang binigay nya sakin. "Asa. You'll lose"

"Hoy kapag kayong dalawa nalasing! Hoy iiwan talaga namin kayo dito" rinig kong sabi ni Pau kaya napatango nalang ako.

"Ate Lyn. Baka malasing ka" nginitian ko si Justin at saka umiling. "Don't worry mataas alcohol tolerance ko"

"One more" sabi ni Josh kaya sumenyas akong lagyan din ang baso ko. Walang lalaki babae dito. Laging mo kong inaaway? Huh!

"Josh, you should stop" sabi ulit ni Pau kaya natawa ako. "I agree. You should surrender" Ngisi ko kay Josh.

"You too, Lyn" Singit ni Ken pero no. Duh~ sinimulan namin, dapat matapos!!

---

"Hahahahaha!" Josh and I laughed nung sabay kaming tumingin sa isa't isa. HAHAHAHAHA! GAGI BAKIT BA SYA TUMATAWA?! NATATAWA RIN TULOY AKO!

"Gago pare lasing na tong dalawa" napatingin ako kay Stell nang magsalita sya kaya pinagtawanan namin sya ni Josh. Lasing? No! Di ako lasing HAHAHHHA

"Panong hindi malalasing, sila lang yata nakaubos ng isang galon" Inakbayan ni Pau si Stell after nya yon sabihin. Kukunin na sana nya yung huling tagay ni Josh pero sinamaan ko sya ng tingin.

"Hoy madaya ka inumin mo yan! Ako iinom nyan sige! Talo ka!" I said almost screaming. I can't control my hands. Hahawakan ko sana yung baso pero kamay ni Josh yung nahawakan ko kaya we both laughed again.

Kinuha ni Pau yung baso at saka na binigay kay Stell. "Last shot sayo, uwi na tayo. Maaga pa tayo bukas" after inumin yun ni Stell tumayo na silang apat.

"Teka lang pre mamaya na. Party party muna tayo" pigil sakanila ni Josh na agad kong sinang ayunan. Parteh parteh muna bago umuwi!

Someone tapped my shoulder at nakita kong si Justin yon. Si Justin nga ba? Siguro. "Ate Lyn, tara na ipapasok na kita sa loob"

Tumayo ako at medyo na out of balance kaya napahawak ako sa ulo ni Josh. "Kaya ko. Kaya kong maglakad"

I started to walk. Dahan dahan lang kasi gusto kong panindigan na kaya kong maglakad ng tuwid. Straight. Diretso. Hindi liko

"Josh, kaya mo pa?" Rinig ko pa si Ken eh. Pero naglakad lang ako ng diretso. Someone hold my waist kaya napatigil ako. "Papuntang kusina yan"

"Ay ganon ba. I thought I'm walking straight. Oh dun pala wait" binitawan ako ni Josh kaya naglakad na ko pagilid. Shutek mali pa yung way ko kanina!

---

Third Person's PoV

Hindi na makapag isip ng tama si Donnalyn kaya ako nalang magkukwento, okay? Okay.

Gone? (JoshLyn) BOOK 1Where stories live. Discover now